Ika-labing anim

22 0 0
                                    



"Lourd has been giving me a lot of stress, Sheina."

"Stress? What do you mean by that?"

"He's a fucking asshole. He always mess around. Hindi lang halata pero ganoon talaga siya."

"I may be an asshole too pero matino akong tao Sheina." Dagdag pa niya habang diretsang nakatingin sa daan.

"What about you? Kwentuhan mo naman ako." Sumulyap siya sa akin at ngumiti ng bahagya saka itinuon muli ang atensyon sa daan.

Napa-isip ako. May maikekwento ba ako?

"I have another brother maliban kay kuya Shiro at Shoare." Hindi ko pa ito nakekwento sa kanila. Hindi naman kasi kailangan ikwento. Tutor lang nila ako, hindi life teller. Duh.

I heard him chuckle.

"Meron pa palang isang gwardya." Napatawa ako ng kaunti sa sinabi niya.

"He's the youngest one, si Shallow."

"He's 8 years old—"

"A year older than my sister." Pagputol niya sa akin. Napalingon naman ako sa kaniya. May kapatid pa pala siya?

"You have a sister?"

"Kakasabi ko lang, Sheina." Inirapan ko siya na siyang kinatawa niya. "Parang gusto kong ang kapatid mo nalang ang ipakasal sa kapatid ko paglaki nila." Then he chuckled again.

Nanlaki ang mga mata ko at bahagyang hinampas ang kaniyang binti. Alam kong mahina dahil hindi siya nag react. Tss mascular men.

"What? Hahaha." Tawa niya. Napatitig ako sa kaniyang mga ngiti, sobrang ganda ng mga ito. Pinag-pala talaga ang lahing Cuestavo. Kahit sino atang babae ay mahuhulog sa mga ngiti ni Lox.

Pero mas maganda ang kay Marthino.

Si Lox ang kasama ko, ibig sabihin ay si Lox ang maghahatid sa akin sa bahay. Paano nangyari iyon? Nang makalabas kami sa stadium kanina ay niyakag na ako ni Marthino, pero sumabat at nagpumilit si Lox. Kesyo siya daw ang inutusan ni Shoare, kesyo may karapatan raw siya sakin dahil nga kay Shoare na siyang nag-utos sa kaniya.

Sa isang buong linggong kasama ko sila ay nakita ko ang kanilang ugaling mas pipilitin ang gusto nila, at yung sila ang magdedesisyon para sa akin. Palagi namang ganoon, gusto nila ang nasusunod. Pero ang pinagtataka ko ay sumunod si Lox kay Shoare.

Okay back to the story tayo, pinilit ni Lox na siya ang maghahatid sa akin, sa huli ay nainis lang si Luther at gamuntik nang sapakin si Lox. Hindi ko alam kung anong meron sa lalakeng iyon at parang dragon siya kung umasta kanina. Nakakatakot siya, pero mas nakakatakot si Shoare. Kakambal ko yun, eh.

"Ako muna ang girlfriend ni Shallow, duh!" Pataray kong sambit sa kaniya na mas lalo niyang kinatawa.

"Yeah, and in the future sila na nang kapatid ko." Ngisi naman niya.

"Bata pa ang kapatid ko para sa mga ganyang bagay, Lox." Inirapan ko siya.

"Kaya nga in the future diba? Alin ba sa 'in the future' ang hindi mo maintindihan, Sheina?"

"Hindi mo kapatid si Shallow."

"Kapatid ko naman ang ipapakasal sa kapatid mo."

"Loxeed!"

Napalingon agad ito sa akin na may malaking ngisi at maliwanag na awra. Napaka-saya naman ata nitong lalakeng ito?

"You call me name." Ani nito habang nakangiting nakatitig sa akin. Inirapan ko ito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 14, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Cuestavo Boys [On Going]Where stories live. Discover now