Ika-labing isa

32 0 0
                                    



I was walking straight to my building nang makatanaw ako ng mga pamilyar na tao.

Shoot!

Nanlaki ang mga mata ko saka ko biglang pinihit ang katawan ko para mag-iba ng direksyon pero mukhang huli na yata ako. Natanaw ko ang lalaking may hindi maipaliwanag na titig na napasulyap sa akin.

Dammit!

"Sheina!"

Ayan na nga ba sinasabi ko!

Naramdaman ko ang mga yabag nila na para bang kabayong tumatakbo papalapit sa akin. Binilisan ko rin ang aking mga hakbang para hindi nila ako abutan.

"Sheina!"

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata saka dahan-dahang tumakbo. Yeah, I'm not that athletic type of person pero kaya kong tumakbo.

"Sheina!"

Hindi parin sila tumitigil sa pagtawag ng aking napakagandang pangalan. Pinilit 'kong binilisan ang takbo ko pero parang hindi na kaya ng aking mga binti.

Hindi pa naman pwedeng tumakbo sa hallway!

"Payatot!"

Bahagya akong nagitla kaya napahinto ako sa pagtakbo, hinarap ko sila nang may nanlilisik na nga mata at nag-uusok na tenga.

"Anong sabi niyo?!" Iritado kong tanong sa kanila. Halos matawa sila habang tumatakbo pa palapit sa akin.

"Wala, we didn't say anything." Saad ni Lourd nang makalapit na sila sa akin.

"May sinabi kayo!"

"Wala, wala talaga." Painosente ni Luca.

"No! I heard it right—tinatawag niyo ba akong payatot?" Tuluyang iyamot ko sa kanila na siyang kinangisi ng mga baliw na ito.

"Meron ba? May tinawag ba tayong payatot?" Tanong ni Levi sa natitirang pito. Ang iba umiling, at yung iba ay nangibit-balikat.

"Wala akong narinig na tumawag ng payatot, kayo?" Tanong rin ni Lucky sa kanila.

"Malinis ang tenga ko imposibleng may narinig ako." Bahagya pang sinusundot-sundot ni Lox ang kaniyang tenga gamit ang kaniyang hinliliit.

"Sino kaya iyon? Grabe, maka-payat naman siya kay Sheina." Ngiti sa akin ni Leav na siyang kina-irap ko.

"Ang sexy-sexy kaya ni Sheina, how come na payat siya?" Nakangiting baling naman sa akin ni Lago.

"Alam niyo—"

"Stop saying shits, enough. Hindi siya tanga, okay?" Singit bigla ni Luther na may itim na awra na naman.

Palagi namang itim awra nito.

"C'mon! You betrayed us, Luther. Akala ko ba ang usapan ay walang lag-lagan?" Panunumbat sa kaniya ni Luca.

"Hindi niyo ba alam na nasasaktan niyo na si Sheina?—" hindi natuloy ang sasabihin ni Luther nang sumabat si Lox.

"Where did that come from, dude?" Patawang sabat ni Lox.

"Payat na nga siya ipapangalandakan niyo pa." Saad ni Luther, bigla akong napatingin sa kaniya na may talim ang aking mga mata.

"What the heck was that?!" Iyamot ko rito.

"What," inosente niya akong tinignan at bahagya pa nitong tinagilid ang kaniyang ulo. "That you're skinny as fuck?" Dagdag niya na siyang kina-init ng ulo ko ng tuluyan.

Cuestavo Boys [On Going]Where stories live. Discover now