Ika-siyam

27 0 0
                                    



Dahan-dahan bumukas ang pinto kasabay 'non ang paglaki ng aking mata, tumabad sa akin ang walong lalaki na para bang mga sikat na model kung pumorma at umasta.

Damn, anong ginagawa nila dito?! Don't tell me na sila ang itu-tutor ko?! Dammit!

"Boys, please come in." Pagyayakag ni Ms. Arronzo sa kanila, agad naman silang pumasok at tahimik na tumayo sa gilid. Hanggang dito ba naman? Gaano kaya kalayo ang aabutin nila kakabuntot sa akin?

Napako ang mga tingin nila sakin at ganoon narin ako, isa-isa nila akong nginitian na siyang kinangiwi ko. Binilang ko sila....

1...2...3...4...5...6...7.....8?!

Mas napako ang mga mata ko sa pang-walong lalake na hindi ko kilala. Hindi nila ito nakasama sa Café Hime at wala rin siya noong sinundan ako ng mga punggok na ito kagabi. Sino ito?! Sino? Cuestavo rin ba ito? Pinsan rin ba nila ito?

Ngumiti ito sa akin ng malapad kaya natauhan ako at napaiwas ng tingin sa kaniya. Katulad nila, napakaganda ng ngiti niya. Nasa lahi ata nila iyon. Nakakahulog ang mga ngiti nila, pero hindi ito sapat para mahulog ako. Well trained ako, aba.

"Sh-Sheina?" Pautal na saad ni Lox at bahagyang lumaki ang kaniyang mga mata. Bakit parang gulat na gulat kayo?

Duh, three days straight niyo na akong nakikita.

"Hala! Si Sheina nga." Kumunot ang noo ka sa isinaad ni Levi. Are they serious?

"Dude, si Sheina, schoolmate natin pre." Excited na sambit ni Luca sa katabi niyang si Lago.

"Alam ko, hindi ako bulag." Then he rolled his eyes on Luca. Napabaling naman ako kay Luther, nakatitig lamang ito sa akin gamit ang kaniyang itim na mata, I half-smiled at him at sinuklian niya naman ako ng isang ngiti na siyang nagpainit sa akin. Oh God! His smile.....it's really beautiful.

"Mukhang nag-bago na isip ko, I'll study hard na." Nginisihan naman ako ni Lourd pagkatapos niyang isinambit ang pahayag niya.

"Dude, araw-araw na tayong may kape hahaha." Tawa naman ni Leav, sinamaan ko naman agad ito ng tingin kaya napaiwas agad ito.

Hindi ako utusan tch.

"Siya na ba iyon?" Nakarinig naman ako ng hindi pamilyar na boses kaya napalingon ako kung saan nang gagaling ang boses na iyon, boses iyon ng isang lalakeng hindi ko kilala. Katulad ng iba, gwapo siya, wala akong masabi kundi gwapo talaga. Sino ba naman ako para hindi ito aminin?

Kilala niya ako?

"Ehem."

Napalingon kami lahat kay Mr. Revilla na wagas kung makangiti, muli itong tumikhim at pinag-isa ang kaniyang mga kamay sa ibabaw ng kaniyang table.

"Have a seat, boys." Alok nito, agad naman silang umupo sa isang mahabang sofa sa tabi kung saan nakatayo si Ms. Arronzo. Ilang minutong tumahimik bago muling nagsalita si Mr. Revilla.

"Magkakilala na pala kayong lahat?" Tanong niya sa amin. Sabay-sabay naman silang tumango na para bang .... uhm... I found it cute pero mas mukha silang tanga.

"Yes, sir. We're friends." Tinaasan ko naman ng kilay si Luther sa kaniyang sinabi. Tinaasan niya rin ako ng kilay kaya inirapan ko nalang siya, rinig ko naman ang kaunti niyang pagtawa.

"That's good, then....siya ang sinasabi 'kong tutor niyo boys." Namilog ang kanilang mga mata pero agad itong napalitan ng mga malalapad na ngiti.

Oh God! Bakit ako pa?!

"Damn, we're so lucky." Masiglang sambit ni Levi.

"Dammit, I can't wait to study." Saad naman ni Lourd.

Cuestavo Boys [On Going]Where stories live. Discover now