Ika-una

67 6 15
                                    



"Ate!"

Napalingon naman ako sa aking likuran nang may marinig akong boses. Nang maaninag ko kung sino iyon ay agad akong nagpakawala ng isang malaking ngiti.

"Ate!" Tawag niya muli habang tumatakbo patungo sa akin.

"Yes?"

"Ate! Sino may sabing mag suot ka ng ganiyan?!" Napatingin naman ako sa suot ko. It's just a pink two piece. At dahil beach ito ay normal lang na magsuot ng ganito.

"Wala namang masama sa suot ko ah?"

"Para saiyo wala pero sa akin meron! Tintignan ka nilang lahat, inaagaw ka nila sa akin ate." Halos matunaw ang puso ko nang ngumuso ito. Such a cutie.

"Magpapa-agaw ba ako?" At nginisihan ko siya. Nagliwanag naman ang kaniyang mukha at agad-agarang niyakap ako. Kahit na hanggang beywang ko lang siya.

"Akin ka lang kaya ate!" Pa-cute niyang sambit sa akin.

"Sa inyo lang ako ni Shoare." Ngiti ko sa kaniya, bigla namang nawala ang kaniyang mga ngiti. May nasabi ba akong mali?

"Sa akin ka nga lang, ate! Hindi pwede maki-share si kuya Shoare!" Iyamot niya. Napatawa ako sa naging reaksyon niya. Hay nako Shallow.

"Bakit hindi pwede maki-share si Shoare? Eh kapatid rin natin siya?"

"Nagseselos ako kay kuya Shoare, lagi mo nalang siya nakakasama." And he pouted. Kapag bata nga naman, napaka seloso.

"Kapatid ko rin kasi siya, Shallow. Don't be jealous, mas mahal kita kesa kay Shoare." Kindat ko sa kaniya na siyang nakapag-pangiti muli sa kaniya.


"Shallow! Sheina! Tulungan niyo naman ako dito!"

Nakarinig naman ako ng boses ni Shoare. Hinanap agad siya ng aking mga mata at laking gulat ko na nakita ko siya sa may buhanginan. Halos ulo nalang ang nakalabas sa katawan niya. Napatawa naman ako sa nakikita ko at tumingin kay Shallow.

"Uhmmm... hindi ako may gawa n'on ate." Inosente niyang usal sa akin.

"Why so defensive? Wala pa nga akong tinatanong."

"Ehh-ano—"

"Tara tulungan nalang natin si Shoare." Hinawakan ko ang kaniyang kamay at naglakad patungo sa kawawang si Shoare.

Mukha siyang buhangin na tinubuan ng ulo.

"Get me off here, Sheina. Nilubog ako ni Shallow! Ang akala ko ay nakikipaglaro lang sa akin pero iniwan na ako!" Iyamot ni Shoare habang pinipilit na kumawala sa buhangin. Wala akong magawa kundi matawa nalang sa kaniya. Poor Shoare hahahahah.

"Inaagaw mo sa akin si ate! Hmp!" Nanliit ang mga mata ni Shallow kay Shoare. Having boys as your siblings is not easy. Damn.

"Shallow, hindi ko inaagaw ang ate mo. We need to share. Hati tayo kay Sheina." Malambing na tugon nito kay Shallow.

"No! Akin lang si ate!"

"What about kuya Shiro? Hindi ba at inaagaw niya rin si Sheina sa atin?"

"Hindi naman natin palagi kasama si kuya Shiro!"

"Inaagaw niya parin si Sheina."

"Mas inaagaw mo si ate!"

"I am not."

"Ate is always with you, tapos lagi mong kinikiss si ate sa forehead niya! Inaagaw mo si ate sa akin!" At niyakap na naman ako ni Shallow. Napapangiti nalang ako sa pagtatalo nilang dalawa.

Cuestavo Boys [On Going]Where stories live. Discover now