Ika-labing dalawa

33 0 0
                                    



Ilang beses ko nang tinitignan ng paulit-ulit ang oras sa phone ko habang nag-aantay ako rito sa gate ng Tamara. Nasasaksihan ko ang mga bawat paglabas ng mga estudyante rito at kada minuto ay pabawas ng pabawas ang mga estudyanteng lumalabas mula sa loob. Ilang minuto na akong nag-iintay rito sa gate ng Tamara, after ng last subject ko ay agad na akong dumeretso rito.

Mabuti nalang at pina-pasok ako ng mga punggok sa last subject ko. Well, lahat ng last subject ay major subject kaya kailangan talagang pumasok roon. Kahit na naghahabol ang mga may saltik na baliw ng mga minor subjects ay kailangan rin nila pumasok sa kanilang major subjects.

Napabuntong hininga ako nang maalala ko ang unang araw ng pagtuturo ko sa Cuestavo boys. It really went well pero kailangan talaga munang maging baliw sila bago sila makapag-aral ng maayos. Nasaksihan ko ang kabaliwan nilang lahat na para bang ni isa sa kanila ay may sari-sariling style ng pagkabaliw. Hindi na ako magtataka kung may isa sa kanilang magsasabi na hindi sila normal. They're damn noisy! Kalalaking tao tapos halos lahat sila ay madadaldal, lalo na si Luca.

Ilang sandali pa ay may huminto sa harapan kong isang pulang kotse. Iniluwa nito si kuya Shiro wearing his business attire na bagay na bagay sa kaniya. Naka puting long sleeve polo lamang ito at nakatupi ang mga manggas nito hanggang sa siko niya, kapares nito ay isang maroon na necktie, and a black fitted slacks.

Ngumiti ako rito at kumaway, nagkusa na ang sarili kong lumapit sa kaniya. Sinalubong ako nito ng isang malapad na ngiti. He caresses my hair then he kissed my forehead.

"Ikaw pa lang? Where's your twin brother?" Tanong nito sa akin. Nanatiling nasa likod ng ulo ko ang kamay ni kuya Shiro.

"Nakita mo ba siyang kasama ko kuya?" I sheepishly said to him.

"Huwag mo akong simulan, Sheina." Pagbabanta niya. Napangisi nalang ako sa kaniya.

"I'm just kidding." Then I rolled my eyes on him. I heard him chuckled kaya napangiti narin ako.

"Kanina ka pa ba naghihintay?"

"Not that much."

"Do you know where Shoare is?"

"Nope."

"Have you eaten?"

"Not yet."

"How's school?"

"Never been better."

"Where's you friends? You know, that bunch of boys?"

"I don't know."

"Oh c'mon, Sheina. You're way too casual on me. Lambingin mo naman ako." Bahagya akong nagitla sa ini-asal ni kuya Shiro. Napatawa niya ako ng kaunti dahil doon. Agad ko naman siyang niyapos ng mahigpit, ramdam ko rin ang mga braso niyang niyayapos ang aking katawan.

"That's what I want baby girl, nakakatanggal ng pagod." Ramdam ko ang pagkaginhawa sa boses ni kuya Shiro kaya mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko.

Matagal-tagal rin noong huling yakap ko kay kuya.

"It's been three weeks noong huli mo akong niyakap—and you're not fair, kay Shoare at Shallow ka lang sweet." Matamis na saad niya sa akin.

"Lagi ka kayang wala kuya." Then I pouted.

"Yeah, I know. Kaya nga babawi ako sayo." Ngiti niya. That smile....the most brightest smile I've ever seen on kuya Shiro's face.


"Hey, hey, hey! Kuya!"


Napakalas naman kami sa aming pagkakayakap at lumingon kung saan nang galing ang boses na iyon. Napangiti ako ng makita ko kung sino ang kontrabidang nag putol sa moment namin ni kuya Shiro.

Cuestavo Boys [On Going]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz