Ika-labing lima

29 0 0
                                    




"Let's go, Sheina. Ihahatid na kita sa inyo." Pag-aalok ni Lox.

"Hey! Hindi pwede, ako ang maghahatid." Ika naman ni Lago.

"Kami nalang ni Leav ang maghahatid, and you guys, go home." Pagtataboy ni Levi sa kaniyang mga pinsan.

"That's not fair, ako ang maghahatid." Pagtutukoy ni Lucky sa kaniyang sarili.

"Kayo na bahala, ako lang ang pwedeng sumakay sa kotse ko." Pagwawalang-abala ni Luca sa mga pinsan niya.

Napabuntong hininga ako ng ilang beses. Napatingin ako sa lalakeng nasa gilid lang ng pintuan ng room namin, naka-sandal, naka-igting ang mga panga, nakakunot ang kaniyang noo at iniiwasan ang mga tingin ng kaniyang mga pinsan. Kumunot narin ang aking noo, ano na naman kaya ang problema nito? Mamamatay na naman ba siya?

"Shut it, ako ang maghahatid. And that's final!" Mariing saad ni Lox sa kanilang mag pipinsan. Umismid naman ang iba. Napabuntong hininga nalang ulit ako.

"Papiliin niyo kaya si Sheina." Tamad na sabi ni Lourd. Siguro, pati siya nauurat narin sa kaniyang mga pinsan. Napatingin ang lahat ng Cuestavo sa akin pati si ang lalakeng nakasandal na si Marthi—Luther.

"Hindi ako uuwi." Ika ko. Halos dalawang araw narin akong hindi masyadong pinapansin ni Shoare, siguro ay badtrip talaga siya. Gusto ko sana siyang panoorin sa kaniyang practice ngayon ng archery. Wala lang ... babawi lang sana.

"No, you're going home." Maawtoridad na usal sa akin ni Lox.

"Pupuntahan ko ang kapatid ko." Pag-irap ko sa kaniya.

"Tch." Napalingon ako kay Marthino—I mean Luther na siyang umismid.

"Sino sa mga kapatid mo?" Tanong ni Lucky.

"Si Shoare, I'll be watching his practice."

"Sasama kami." Halos sabay-sabay pa nilang pag boboluntaryo. Sasama kayo? Tapos hindi na naman nila ako titigilan? Tapos aasarin niyo na naman ako? Tapos magiging baliw na naman kayo? Tapos ako ang sasalo ng lahat ng kahihiyan?

"Hindi na."

"We're going, Sheina." Sambit ni Levi.

"Hindi nga sabi." Medyo mariing sambit ko sa kanila. Ayaw ko talaga silang makasama, ayoko. Ayokong masaksihan ang pagiging baliw nila. Ayoko.

"We're going, ayaw mo man o gusto mo." Mas mariing ika ni Lox sa akin. Bakit na ganito sila? Siksik ng siksik sa buhay ko.

"Ang kulit niyo, ayaw ko nga. I can be with my brother alone." Naiirita na ako. They're always like that. Laging ginigiit ang mga gusto nila.

"Hindi kami magiging ganito ka-kulit kung ayaw ka namin kasama, Sheina." Hirit ni Lourd.

"Pwes, ayaw ko kayong kasama." Irap ko sa kanila. Rinig ko ang pag singhap ni Marthino kaya napatingin ako rito. Nakangisi lamang ito habang hindi naka-tingin sa amin.

Tamang kinig lang ang loko.

"Madali sabihin pero mahirap gawin, Sheina." Tumawa ng kaunti si Lago habang umi-iling iling.

"Whatever." Isimid ko.

Hindi nagtagal ay sumuko na ako at pinayagan silang sumama sa akin. Habang nasa hallway kami ay ramdam ko ang maiinit na titig ng bawat estudyante sa akin—I mean sa kanila. Sino ba namang hindi mapapatingin sa kumpulan ng gwapo at matitikas na lalake. Kahit ako ay mapapatingin roon.

Cuestavo Boys [On Going]Where stories live. Discover now