Chapter O - Sorry.

26.6K 552 18
                                    

Chapter O

 

I woke up feeling dizzy. Araw araw nalang akong may hangover. Nandito na naman pala ko sa place ni Justine.

Its been a week since I called off the engagement.

One moment I was his princess. The next moment I was reduced to being nothing.

I didnt called it off for nothing. Gusto kong malaman kung talagang gusto niya kong pakasalan. I wanted him to think about things. Kasi kung gusto niya kong pakasalan talaga, hindi siya papayag sa arrange marriage na ginawa ng parents niya. He would atleast do something about it, and the first thing to do was to investigate.

But apparently, hindi niya yun ginawa. Kaya ako nagdalawang isip kung desidido ba talaga siyang pakasalan ako. I dont wanna be tied up to someone who’s not sure if he wants to be married.

Marriage is a big thing. Naniniwala ako sa one time marriage. Ayoko ng divorce. Ayoko ng annulment. Gusto ko pag nagpakasal ako, yun na yun hanggang sa mamatay ako.

Another reason I called it off is because Im hurt. Im hurt by the fact that he didnt even fought for me.

Gabi gabi simula nung isinoli ko sa mommy niya yung singsing, laman ako ng bar. Gabi gabi akong naglalasing. I was the one who called off the engagement but that doesnt mean Im not hurting. Well in fact, Im hurting like hell for the past 7 days of my life.

May mga gabing uuwi ako sa condo ko at maaabutan ko si Hell sa labas ng unit ko. I changed my unit’s password para hindi na siya makapasok. Im still hurting, I cant stand seeing him. Pag naaabutan ko siya sa labas, tatalikod ako at bababa sa unit ni Justine.

“Mag-ayos na kaya kayo ni Hell para hindi ako nahihirapan matulog sa couch.” Sabi ni Justine paglabas ko ng kwarto niya.

Nasa lamesa siya at nagtitimpla ng dalawang kape.

Pag kasi dito ako natutulog, ako sa kama at siya sa couch sa sala. Naaawa naman daw siya sakin dahil bukod sa lagi akong lasing, eh mukha pa kong sawi. Lokong to. Pinapatuloy nga ako paminsan minsan pero nilalait naman ako.

“Edi kayo nalang magkaayos. Tss.”

Hindi pa ko handang kausapin siya. Everyone’s been telling me to talk to him. Kinausap na ko ng nanay niya, ni Mommy, ni Kuya Nate, ni Daddy, ni Jessica pati narin si Zian but I always opt to say no.

I dont wanna face him just yet. Sariwa pa yung sugat, I cant pour salt in it. Mas sasakit.

“Sab. Hindi maaayos yan kung iiwasan mo siya ng iiwasan.” Sabi na naman ni Justine. He’s been saying this phrase for I dont know, maybe a hundred times already.

I rolled my eyes and drink my coffee. I fished my phone out of my pocket. “Nasa unit ko pa ba siya?”

“Wala na po Mam. Umalis na po kanina -” I cut off the line. Im not asking for details. Gusto ko lang malaman kung nasa tapat pa ba siya ng unit ko.

“Thanks sa matutuluyan. Next time ulit.” I said before leaving his place.

Umkyat na ko sa unit ko at wala na nga si Hell dun. I sighed.

Pagpasok ko palang ng unit ko, nagumpisa na naman magsilabasan yung mga luha ko. Ni-hindi ko pa nasasara yung pinto pero nagumpisa na naman akong magbreakdown. I just found myself drowning with our memories again. I heard from somewhere that memories are the most heartbreaking part of every relationship.

Kahit gaano ko isipin na mahal niya ko, pilit sumasagi sa isip ko na hindi niya ko sinubukang ipaglaban. Na basta nalang siyang pumayag makasal sa iba.

I was stunned when I found Hell in front of me. Nakapasok agad siya ng pinto ng hindi ko namamalayan dahil sa pagiyak ko. I wiped my tears but they wont stop from falling.

Bigla akong niyakap ni Hell. Mas lalo akong napaiyak sa yakap niya. I missed his hugs but somehow, I felt pain while he’s hugging me.

I tried to get away from his hug pero malakas siya. “Umalis ka na.”

“No Ysabel. I wont leave.”

Pinagsusuntok ko yung dibdib niya. “Umalis ka na. Umalis ka na.” Paulit ulit kong sabi.

“Im sorry love. Im so sorry.”

“You’re sorry? For what? For hurting me? For not fighting for me? For not loving me enough to fight for me? For agreeing in marrying Honey? For putting tears in my eyes? Sorry for what Hell?” Tuloy tuloy kong sabi habang umiiyak ako.

Naitulak ko siya dahil nanghina siya sa narinig niya mula sa bibig ko. Eto ang iniiwasan kong mangyari. Ayaw ko pang magkaharap kami dahil nasasaktan pa ko, dahil galit pa ko, at hindi magandang combination yun.

“I hate you Hell! I hate you! I hate you for not fighting for me. Basta ka nalang pumayag. You needed help? Why not me? Im your f-cking fiancee for f-ck’s sake! Im a freaking Sandoval and a Marco in one! Im sure as hell I can help you pero hindi! Pumayag kang magpakasal kay Honey! You f-cking bastard! I hate you!”

Sinampal ko siya, isa, dalawa, tatlo, I lost count already. Pero hindi siya nagpatinag. Pareho na kaming umiiyak. He’s crying too. Paulit ulit niya sinasabi yung salitang Sorry. Pero ano pa bang magagawa ng sorry niya, nasaktan na ko.

The damage has been done.

“Duwag ka. Duwag ka Hell. I hate you.” Pahina ng pahina yung boses ko at feeling ko anytime ay magbblack out ako.

“You dont mean that love. I love you. Im sorry. Sorry kung hindi kita naipaglaban. Im the one to blame. Kasalanan ko lahat. Im sorry. Im so sorry.” Sabi niya. Lumuhod siya sa harap ko at niyakap yung bewang ko.

“Im sorry. Patawarin mo ko. Im sorry.”

I stiffened upon seeing him on bended knees. Hindi ko alam na kaya ni Hell lumuhod at magmakaawa sa harap ko.

“I love you Ysabel. Please. One last chance. Ang dami ko nang sakit na naidulot sayo. Pero bigyan mo ko ng pagkakataon itama ang lahat. I wont mess this up love please.”

“Im the type of person na pag nasaktan na, nadadala na. Kaya nga hindi ko kailanman sinubukan balikan si Nico noon eh.” I stopped. I kneeled para magkalevel na yung mukha namin. “But I dont know what you did to me that every time I think of you, all my beliefs came flying out of the window. Ilang beses na ba ko nasaktan. Pero lagi akong bumabalik sayo. Kahit gaano kasakit. Bumabalik ako sayo. Ganun ako katanga. Ganun kita kamahal.”

----------------------

Last chapter na next chapter then Epilogue na. Wooo! Mamimiss ko to. <///3

Cold Hearted GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon