Chapter A - NY - MNL

27.1K 554 25
                                    

Chapter A

 

As soon as I step down from the airplane, I felt the hot surrounding. It is indeed a warm welcome. Napakainit talaga dito sa Pilipinas. Bakit ba kasi ganto dito.

 

Its More Fun In The Philippines

 

Basa ko sa nakasulat. Its more fun if Philippines is not this hot.

Mygod. Masusunog ata balat ko dito.

Really, Ice? Really? Isang taon ka lang nawala, ang OA mo.

 

Im just telling the truth. Napakainit dito. Nasanay ako sa lamig ng New York kaya nakakapanibago sa balat. Hinubat ko yung coat na nakapatong sa puting top ko. Hindi ko ata kayang tumagal pa ng isang minuto na ganto kainit. Nakashades na ko’t lahat nasisilaw parin ako sa araw. Mygod.

Maliit na maleta lang yung dala ko, may mga damit naman ako dito so I dont have to bother bringing all my stuffs from NY to MNL. Pumara na ko ng cab, walang nakakaalam na uuwi ako ngayon. Not even Kuya Nate, Mom or Dad. Not even Z or J.

Isang taon akong nawala pero ganun padin ang Pilipinas. Mainit, medyo magulo, matraffic at mausok. Im finally home.

 

Sa isang taon kong paglayo, ay pilit kong inayos yung sarili ko. Im a total waste nung umalis ako. As in literally. Magang mata, nagmumurang eyebags, pale lips, medyo messy hair. Gosh, mukha akong pulubi na may bitbit na LV nung umalis ako ng Pinas a year ago.

Pagdating sa labas ng condo ko ay binigyan ko si Kuya ng 1000. “Keep the change Kuya.” I smiled.

Mabait naman si Kuya e.

Pagpasok ko ng condo ko, may pumasok agad sa isip ko.

Hell.

 

Kamusta na kaya siya?

Hindi na ko nakibalita sakanila after kong malaman na nagising na siya. Yun yung huling beses ko silang nakausap. Pag nababanggit siya ni Kuya, pilit kong iniiba yung topic. Siguro kasi nung mga panahong yun, hindi pa ko handa na pagusapan siya.

Matagal bago ko matanggap yung pagkamatay ni Jace.

Alam kong plano kong makipaghiwalay sakanya bago siya mawala. Pero kahit kailan hindi ko ginusto na may magbuwis ng buhay para sakin. Buhay yun. Its not just a piece of candy na pwede mong ibigay kung kanino-kanino.

Pero okay na ko. Nung mga unang linggo ko sa NY, suki ako ng bar. Halos di na ko umuuwi nun. Uuwi lang ako pag magsasarado na sila. May pera naman ako kaya hindi nila ko pinipigilan as long as nagbabayad ako ng tama.

Nawala ako sa pagiisip ng magring yun phone ko.

“Babylove. Nasa pugon ka na?” Natawa ko sa salubong niya sakin.

“Hahahaha! Pugon talaga babylove?” Tawang tawang sabi ko.

Sabi niya kasi bago ako umuwi, ang Pilipinas daw ay isang malaking pugon. Napakainit at konting bilad lang sa araw, tustado ka na.

“Oo. Napakainit kaya jan. Kaya nga ayokong umuwi jan eh.” Sabi niya. I can feel him pouting.

“Oh! Sabi mo susunod ka dito. Suntukin kaya kita.” Pagbabanta ko. Aba! Nangako kaya siyang susunod siya dito kahit ayaw niya.

“Oo na. Bakit ba kasi ako nakapangako.”

“Hahaha. Sorry tapos na tayo sa issue na yan. Bye babylove. Magpapahinga na ko.”

“Okay. Tawagan mo ko pag may problema ha. Bye babylove.” Sabi niya bago niya ibaba yung tawag.

Pagbaba ko ng tawag, binuklat ko yung cabinet ko para maghanap ng pambahay. Napagod ako sa ilang oras na byahe. I need a beauty rest.

Pagtapos ko magpalit, ay naghilamos muna ko. Napatitig lang ako sa salamin.

Nagpagupit ako ng buhok, ang dating sobrang habang buhok ko ay hanggang balikat nalang. Mas payat narin ako ngayon. Ang daming nabago ng isang taon.

Im a better version of me. New York really did change me.

-------------------

Lets starttt! Season 2. Woot. Sino si babylove? :O

Ice new look->

Cold Hearted GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon