Chapter C - Selos

26.6K 614 52
                                    

Chapter C

 

Bwisit bwisit bwisit!

Nakakainis!

Ano ba sa sinabi kong hintayin niya ko ang hindi niya maintindihan at naggirlfriend agad siya? Honey. Honey my ass.

Pinagsisipa ko yung gulong ng sasakyan ko. “Bwisit. Bwisit ka! Honey pala ha. Honey mo mukha mo! Magsama kayo ng pabebe mong girlfriend. Kala mo naman maganda yung girlfriend mo. Ha. Mukha siyang paa. Kala mo. Sus. Walang wala pa yun kahit sa dulo ng kuko ko! Bwisit talaga!”

Binuksan ko na yung sasakyan ko. Pagpasok ko sa loob, naalala ko na naman yung mukha ng lecheng babaeng yun.

“Ang pangit mo! May pasmile smile ka pang babae ka! Bwisit! Mukha ka talagang paa. Paano ako nagawang ipagpalit ni Hell sa mukhang paa?”

“Sino ba nagsabing pinagpalit kita?” Halos mapatalon ako sa narinig ko.

“P-Paano ka nakapasok dito!” Sabi ko kay Hell.

Nagulat nalang ako nasa tabi ko na pala siya. Im so preoccupied with that f-cking girl na hindi ko napansin na katabi ko na pala si Hell.

“Pumasok ako sa pinto.” Sabi niya sakin. Duh. Alam ko.

 

“Labas. Uuwi na ko.”

“Nope. Magdrive ka na. May paguusapan pa tayo.” Sabi niya sakin sabay sandal sa upuan.

The nerve!

Ginusto niya yan, well. Magdusa siya.

“Parang panlalaki tong sasakyan na to ah. Puro panlalaki yung gamit.” Sabi niya habang pinapakialaman yung mga gamit sa sasakyan.

“Wag ka nga mangialam jan.” Sita ko sakanya. Di ko naman alam kung anong meron sa mga nandito. Kanina ko lang to ginamit eh.

“Kaninong wallet to?” Bago ko pa maagaw sakanya yung wallet, nailayo na niya sakin. “Sino tong Dominador?”

Nakita ko yung credit card ni Dom na hawak hawak niya. “Wag ka sabing mangialam eh.”

“Kaninong sasakyan ba to?”

Di ko siya sinagot. “Jan ba sa may-ari ng wallet na yan? Bakit nasayo? Ano mo ba yang Dominador na yan? Ang pangit ng pangalan ha.” Tanong niya ulit.

Napakaingay. Binilisan ko nga yung takbo ng sasakyan. Yung sobrang bilis.

“GUSTO KO PA MABUHAY YSABEL! BAGALAN MO NGA!” Sigaw niya.

Pero hindi ko siya pinansin. Binilisan ko pa lalo yung takbo ng sasakyan ko. Nasa highway kami kaya pwede kong bilisan yung pagpapatakbo ko.

“YSABEL! SH-T! MABABANGGA!” Sigaw niya na naman ng may malapit nang sasakyan sa harap namin. Pero agad kong niliko.

Hahaha. Ang sarap naman pagtripan netong lalaking to.

 

Wala naman talaga akong balak ibangga tong sasakyan na to no. Kay Dom kaya to. Sabi niya ingatan ko daw. Edi ingatan.

~

“Walang pinagbago tong condo mo ah.” Nilibot niya yung paningin niya.

“Palagay nalang ng mga pinamili sa kitchen.” Sabi ko. Naginsist kasi siya na tulungan niya daw ako dahil mukhang mabigat daw yung bibitbitin ko.

Sinundan ko siya sa kusina. Tapos inumpisahan ko na ilagay sa mga tamang lalagyan yung mga pinamili ko.

Nagulat ako ng bigla niya kong yakapin mula sa likod.

“Inantay kita.” Bulong niya.

“Inantay?” Tapos tumawa ako. “May honey ka na tapos inantay mo ko? Stop talking non-sense Hell.”

Hinarap niya ko sakanya pero nakapaikot parin sa bewang ko yung kamay niya. “Anong kinalaman ni Honey dito?”

“Anong anong kinalaman? Malamang girlfriend mo siya kaya may kinalaman siya dito.” Tumalikod na ko pero hinarap niya ulit ako sakanya.

“Wait. Nagseselos ka ba kay Honey?”

“Tss. Hindi noh. Lumayo ka nga, wala akong planong maging third party noh.” Tapos tinulak ko siya.

“Ha? Sino bang nagsabing girlfriend ko siya?” Napatingin ako sakanya sa sinabi niya.

“Duh. Nagdadate kayo tapos honey yung tawag mo sakanya. Understood na yun na kayo na. Gagawin pa kong tanga eh.” Binulong ko yung last part.

“Hahahahaha! Grabe ka magselos princess. Hindi ko po girlfriend yun. Siya si Honey, Honey Tiu. Honey talaga yung pangalan niya. Grabe. Di ko alam selosa ka pala. Naguusap lang kami about sa project namin.” Mahabang paliwanag niya.

“Tss. Sino bang may sabing magpaliwanag ka?” Tinaasan ko siya ng kilay. “Umuwi ka na nga.”

“Ikaw nga may babylove pang nalalaman eh. Sus. Live-in partner mo ba yun? Bakit sa isang bahay kayo tumira abroad?” Tanong niya.

“Hahahaha! Yun? Live-in partner ko? Nagpapatawa ka ba? Di kami talo ni Dom noh. Pareho kaming lalaki ang gusto. Mandiri ka nga.”

Nagulat naman siya sa narinig. “So, bakla yung Dom?”

I nodded. “Ikaw pala tong selos eh.”

“H-hindi ah.”

“Deny pa more! Umuwi ka na, marami pa kong gagawin.” Nagulat ako ng bigla niya kong hilain at siilin ng halik. Wala akong nagawa kundi gantihan yung mga halik niya. Napahawak nalang ako sa batok niya dahil sobrang nanlambot yung tuhod ko sa mga halik niya.

We were kissing passionately. Binuhat niya ko at inupo si kitchen sink. “I love you.” He said in between our kisses.

I cupped his face. “I love you too.” Then I kissed him again.

Cold Hearted GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon