Chapter 28 - Ex-almost

28.1K 599 70
                                    

Chapter 28

 

YSABEL’S POV

 

I felt the cold wind embrace me.

Nandito ko ngayon sa tabing dagat. I think its almost midnight, or so. Pero hindi pa ko tinatamaan ng antok kaya pumunta muna ko dito.

Ang gulo lang ng utak ko. Hindi ako tanga. Hindi ako kahapon pinanganak para hindi malaman na kaya umalis kanina si Hell ay dahil sa paghalik ko kay Jace. Ano pa bang problema niya? He dared me to kiss the guy I love, I kissed Jace cause I love him. Tapos magwawalkout. Yung totoo?

I dont wanna think that he was expecting me to kiss him. That’s impossible. Imposible pero sumagi sa isip ko na baka nga nageexpect siya.

Pero wala na. Kaya wala na siyang aasahan mula sakin.

“Princess.”

I immediately froze upon hearing that voice. But I remained calm.

“Dont call me that.” I said without even bothering to look at him.

Naramdaman kong naglakad siya at huminto sa tabi ko. I was about to turn around and go to the house but he stopped me. Hinawakan niya yung kamay ko.

Something inside made my heart skip a beat.

“Please dont leave. Bakit ba lagi mo nalang akong iniiwan?”

What did he just say?

 

Lagi ko siyang iniiwan?

Nababaliw ka na Hell Zandrick.

 

“Matutulog na ko. Let go of my hand.” I firmly said.

“No.” Sabi rin niya. This time napatingin na ko sakanya.

“Ano pa bang gusto mo Hell?” Tanong ko. He’s been bothering me since that day he asked me if we could talk about us. Pag may pagkakataon na wala si Jace or si Max bigla siyang lalapit at pipilitin akong kausapin siya about “daw saming dalawa”.

“Ikaw. Ikaw yung gusto ko Ysabel.” I looked away.

I dont wanna hear this anymore.

 

Dali dali kong tinaggal yung kamay niya sakin pero hinigpitan niya yung pagkakahawak niya.

“Mahal kita Ysabel.”

I laughed. Hard. Pero kasabay ng pagtawa ko ang pagbagsak ng mga luha kong kanina ko pa pinipigilan sa paglabas. “Mahal?” Inalis ko yung kamay niyang nakahawak sa kamay ko. “Alam mo ba kung anong ibig sabihin ng salitang yun? Ha Hell?! Mahal? Marunong ka ba nun?”

“Alam kong nasaktan kita nung gabing yun. Nung nalaman mong may girlfriend pala ko. Pero mahal kita Ysabel. Nung sinabi ko sayo nung gabing yun na mahal kita, totoo yun. Totoong mahal kita. Kaso bigla kang nawala. Bigla kang umalis Ysabel. Umalis ka ng wala man lang paalam.” Nakita kong may tumulong luha mula sa mata niya.

Walang tigil yung mga luhang bumabagsak sa mata ko. “Totoo? Walang totoo Hell. Everything was planned right? You’ve plotted your revenge well. Nafall ako sayo, at nasaktan mo ko. Ano pa bang kailangan mo sakin?”

Sandaling natigilan siya. Siguro hindi niya ineexpect na alam ko yung tungkol sa revenge niya.

“A-alam mo?” He’s stuttering.

“Alam ko lahat Hell. Narinig ko kayo ni Nico. T-ngina lang! Ang tanga ko kasi naniwala ako sayo. Ang tanga ko kasi nagtiwala ako sayo. Pareho lang pala kayo.” Tumalikod na ko.

“Aalis ka na naman? Tatakasan mo na naman ako?”

Hinarap ko siya. “Nasaktan ako Hell! Sobrang sakit! Alam mo ba yun? Pinaniwala mo kong mahal mo ko. Pinaramdam mong may karapatan na ko. Yun yung problema. Pinaramdam mo lang, pero wala talaga kong karapatan.”

This is what enables us to feel so torn in admitting that no, you didn’t date, but you still kinda feel like you ought to call them your ex. Maybe not an ex-boyfriend or girlfriend, but an ex-something. An ex-maybe. An ex-almost.

I wiped all the tears but it wont stop. “It could have been serendipity. It could have been destiny. Pero hindi. Every little f-cking thing was according to plan. Walang naging totoo sa mga nangyari Hell. Walang totoo maliban sa nararamdaman ko.

He hugged me but I punched his chest. Over and over again. “Alam mo. Alam mo kung gaano ako nasaktan sa ex ko. Kay Nico. Kung gaano ako naging kamiserable kasi naloko ako. Pero ganun ka rin pala. Manloloko ka rin. You’re even worse than Nico. Kasi ikaw, lahat planado. Kasi ikaw, kahit alam mo nang nasaktan na ko, nagawa mo parin akong saktan uli. Saktan ng paulit-ulit.”

“Sorry. Sorry princess.” Paulit ulit niyang sinasabi habang yakap yakap niya ko. “Im so sorry. Im sorry.”

I tried to pull away from the hug. Kahit hinang-hina na ko, nagawa ko paring makaalis sa yakap niya. Kahit hirap na hirap na ko sa pagsasalita, nagsalita parin ako.

“Wala ng magagawa yang sorry mo. Wala na Hell. Tapos na. Nasaktan na ko.”

Tumalikod na ko pero agad niyang hinila yung kamay ko at hinalikan ako.

He was kissing me passionately.

Tinulak ko siya at sinampal sabay tumakbo na ko palayo sakanya.

Palayo sa taong nanakit sakin.

Palayo sa taong napatibok na naman ng puso ko.

Palayo sa kinatatakutan ko, na sa isang iglap, bumalik lahat ng nararamdaman ko.

-----------------------

Last 5 chapters nalang pala plus Epilogue. Sorry sorry. :)))

Cold Hearted GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon