Chapter 11 - Date

31.4K 719 26
                                    

Chapter 11

 

I felt my phone vibrated.

Fr: Hell Pogi :)

Im on my way. See you Ysabel. :)

Nagreply ako habang inaayos ko yung suot ko.

To: Hell Pogi :)

Mmkay. Ingat.

I smiled upon pressing the send button. Naalala ko pa yung pagpalit niya ng pangalan niya sa phone ko.

“Patext nga ako Ysabel. Wala kasi akong load eh.” Sabi ni Hell sakin pagdating niya sa table namin bitbit yung tray ng pagkain namin. This has become his daily routine. Buy lunch for me. Gentleman duties daw.

 

“Ikaw mawawalan ng load? Himala naman ata?”

 

As far as I can remember, di nawawalan ng load tong si Hell. I mean he’s filthy rich, madalas kami sa bahay nila tumambay kasi wala naman siya kasama sa bahay lagi. Tito and Tita are always out of the country. Yeah, business stuffs.

 

Nakilala namin sila once na naabutan namin sila sa bahay nila Hell. Mabait naman yung parents niya. Sadyang busy lang sa mga negosyo nila.

 

“Nakalimutan ko magpaload eh? Patext na. Kailan ka pa nagdamot sa load?”

 

I handed him my phone.

 

“Eto na po mahal na hari.”

 

I’ve grown fond of Hell. Its been more than a month since we became friends. Apat na kami sa barkada, CZJH na siya.

 

May tinype siya tapos maya maya binalik na niya yung phone ko.

 

 

Pagkauwi ko, I checked on my phone. May nagtext kasi.

 

I frowned upon seeing the sender.

 

Fr: Hell Pogi :)

Nakauwi ka na? Kakauwi ko lang.

 

Kailan pa naging Hell Pogi :) ang pangalan niya sa phone ko?

 

Ugh! Kanina! Nung hiniram niya yung phone ko. Wala daw load. That little evil! Pogi daw! Mukha niya!

 

To: Hell Pogi :)

I HATE YOU! PS. DI KA POGI.

 

Its been almost 2 months since that day. Ang bilis ng panahon, parang kahapon lang ayaw ko pa siya maging kaibigan, ngayon mahigit tatlong buwan na kaming nagbabaliwan.

Cold Hearted GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon