Chapter 30

644 12 2
                                    

Kinabukasan...
Ashli's P.O.V

"Love"

"Hmm?"

"Kagabi iniisip ko, ano na kaya ginagawa natin kapag kinasal na tayo?" nagulat ako kaya napatingin ako sa kaniya

"Kasal agad? Hindi pa nga tayo graduate eh" sabi ko

"Sabagay, pero–" pinutol ko yung sasabihin niya

"Madami pa tayong magagawa sa buhay natin bilang teenagers, so wag mo muna isipin yan, okay?" sabi ko at tumango na lang siya

Dinaig pa ako nito kung mag-isip ng mga ganoong bagay, hayst.

Hoseok's P.O.V

"Loreen" tawag ko sa kaniya

"Oh?" sagot niya pero naka-tungo pa din siya sa cp niya

"Ano ba ginagawa mo? Kanina ka pa cp ng cp diyan ah" sabi ko

"Naglalaro lang ako" sabi niya

"Ng ano?" tanong ko

"Ede games" sabi niya

Malamang laro, duh.

"I mean, anong klaseng games" sabi ko

"Ewan ko basta, nag-download lang ako ng kung ano-ano hahaha" sabi niya

Aba.

Taehyung's P.O.V

Nandito ako ngayon sa labas ng bahay nila Jungkook. Kasi nga may pinaguusapan kami ni Jungkook kaya ako nandito.

Sa totoo lang, mahal ko pa talaga si Sandra. Ayoko lang masaktan si Taeri, alam ko kasi yung feeling na nararamdaman ni Taeri ngayon haha.

"So yun na nga, pre" sabi ni Jungkook

"Ano?" maikling tanong ko

"Maya-maya lalabas na si Sandra, hintayin mo na lang dito, bye na pupuntahan ko pa si Jee sa inyo" sabi ni Jungkook at umalis na

Aba loko loko.

Napa-hinga na lang ako ng malalim dito. At hinantay ko na lang si Sandra na lumabas sa bahay nila.

"Taehyung, si Jungkook nasaan?"

Napatingin naman ako sa nag-tanong nun.

Parang tumigil yung mundo ko nang makita si Sandra na nakatayo sa harapan ko.

"Ah–eh–umalis, nagpunta sa amin" sabi ko

"Ah ganoon ba, sayang magpapahatid pa naman ako sa base" sabi niya

"Ako na lang mag-hatid sayo" sabi ko

"Ay–ayos lang ba sayo?" tanong niya

"Yes, no problem basta ikaw" sabi ko

My Bad BoyWhere stories live. Discover now