Chapter 20

538 14 2
                                    

Ashli's P.O.V
Kinabukasan

"Yoongi!!"

Sigaw ko habang nagmamadali akong pumunta sa kwarto namin para gisingin siya. Aish! Anong oras na tulog pa din siya! Hasyt!

"Yoongi!!" sigaw ko ulit nang makapasok na ako sa kwarto namin at tinapik ko yung braso niya.

"Aish! I'm still sleeping!! Don't you see that?" iritang sabi niya at nagtalukbong pa siya ng unan para lang takpan yung tainga niya at para di niya ako marinig.

Great!

"Sige! Sige lang pagpatuloy mo lang 'yang ginagawa mo! Nandun sa baba si Ate Myungi, ilang buwan ka na daw nila hinahanap! Walanghiya ka! Pinag-alala mo daw sila! Kung hindi pa nagpunta si Ate dito hindi ka 'nun mahahanap! Panigurado sila Tita at Tito nag-aalala sa iyo" sabi ko pa sa kaniya.

"Ano?! Nandito si Ate? Paano niya ako nahanap? Aish!" naiiritang sabi na naman niya.

"Ano naman problema mo dun? Malamang Ate mo 'yun alam niya kung nasaan ka man sulok ng mundo naroroon!" sabi ko

Tumayo na siya at pumasok ng banyo. Dinaig pa akong babae, akala mo nireregla ngayon umagang-umaga init ng ulo.

Bumaba na ako at tinabihan ko si Ate sa may sofa.

"Ano sabi ni Yoongi?" tanong ni Ate Myungi pagka-upo ko sa tabi niya

"Mas mabuti pa kayo na lang mag-usap Ate, para maintindihan mo siya kung bakit niya nagawang mag-layas ulit sa inyo." sabi ko at ngumiti ako sa kaniya

Nanatili siyang seryoso at halatang nag-aalala na din at the same time. I wish I had a sibling like her.

Yung tipong mapagmahal, maaalagain, may respeto, yung kayang isakripisyo yung buhay niya maipagtanggol ka lang o mailigtas ka lang niya sa kapahamakan na dinadaanan o hinaharap niyo ngayon, yung kasama mo lagi sa kalokohan. Saka yung hahanapin ka kapag nawawala ka o sabihin na nating nag-aalala siya sayo. Basta lahat na ng mabuting asal.

Hindi katulad ng mga Kuya ko sila lang nagkaka-intindihan na dalawa samantalang ako parang wala lang ako sa kanila. Sila nga lang dalawa ang mag-kamukha samantalang ako hindi ko sila kamukha.

Pero kahit ganon naman alam ko namang mahal nila ako at mahal ko din naman silang dalawa.

Nasaan nga ba yung mga unggoy na 'yon?

"Ah Ate hahanapin ko lang sila Kuya ah, nag-aalala na kasi ako, hintayin mo na lang si Yoongi baka pababa na 'yun" sabi ko

"Sana ganyan din si Yoongi sa amin, sana nag-aalala din siya sa amin, parang wala siyang pake--" pinutol ko yung sasabihin niya

"Ate! Wag mo sabihin 'yan, nag-aalala si Yoongi sa inyo nila Tita at Tito, syempre pamilya kayo sino ba naman yung matutuwa kapag may namatay isa sa mahal mo syempre wala, isa pa Ate may pake sa inyo si Yoongi, kailan naman nawalan ng pake sa inyo si Yoongi? Wala naman diba?! At higit sa lahat.... Mahal kayo ni Yoongi, mahal niya kayong pamilya niya." sabi ko at ngumiti ulit ako sa kaniya.

Hinawakan niya yung kamay ko bago siya mag-salita.

"Alam mo Ashli..." sabi niya at hinintay ko naman yung susunod niyang sasabihin "Ang swerte ni Yoongi sa iyo" dugtong niya pa at ngumiti

Kung alam mo lang yung nangyari sa amin Ate, siguradong hindi ka matutuwa at kaiinisan mo lang ako.

"Bakit naman?" natatawang tanong ko

"Kasi bukod sa maganda ka sa panlabas na anyo mo, maganda din yung panloob na anyo mo. Sino ba namang tao ang hindi nababaitan sa iyo? Wala naman diba?!" sabi niya

My Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon