Chapter 21

414 13 0
                                    

Ashli's P.O.V
Kinabukasan

As usual nasa school ako ngayon kasama sila Yoongi at Loreen papunta kami ngayon sa library para mag-aral.

"Hoy mga besh!" sabi ko

"Anong besh? Excuse me! Lalaki ako! Dapat baby tawag mo sa akin" sabi ni Yoongi

"Ew baby" nandidiring sabi ni Loreen

Kaarte talaga ng babaeng ito

"Yes baby?" birong sabi ni Yooongi kaya pinalo siya ni Loreen sa braso

"Baby mo mukha mo!" inis na sabi ni Loreen

"Sige lang Yoongi pag-patuloy mo lang 'yan isusumbong kita kay Hoseok" sabi ko

"Hindi joke lang" sabi niya "Ikaw lang naman baby ko eh" sabi niya pa

"Nyenyenye, ano pake ko?" masungit na sabi ko

"Sungit" seryosong sabi niya

"Ewan ko sa'yo!" sabi ko "Tara nga Loreen tayo na lang mag-aral" sabi ko pa at pumasok na kami sa loob ng library

Pagkapasok namin sa loob ng library may naka-agaw kaagad ng paningin ko. Isang babae na mahaba ang buhok at isang lalaki na matangkad.

Aish! Sa lahat ba naman ng parte sa skwelahan na ito dito pa sila naglandian hayst!

"Hoy Kuya Han! Hindi ba may klase kayo?" tanong ko kay Kuya

"Kayo din naman ah" sabi niya

"Nandito kami para mag-aral, hindi para maglandian" sabi ni Loreen

"Ate kabago-bago mo dito kung ano ano na ginagawa mo, mag-aral pa kayong dalawa ni Kuya Han, hay nako" sabi ni Yoongi

"Ewan ko sa inyo, sa bahay na lang tayo mag-usap-usap" sabi ni Ate Myungi at umalis na silang dalawa ni Kuya

Naupo na kaming tatlo at nag-umpisa na mag-basa ng aralin namin mamaya.

Sandra's P.O.V

Nandito kami ngayon sa may canteen. As usual may kaniya kaniya kaming mundo, si Namjoon nandun sa library nag-babasa ng mga libro, si Jin naman nandito sa may sulok nag-ccp lang, si Jungkook at Jee Ann naman mag-kasama at halos nalibot na nila buong school dahil palakad-lakad lang sila tuwing break time, si Hanrun at Hoseok naman nandun sa may likod ng gymnassium nag-uusap tungkol sa mga plano kasi meron kaming pinatayo na room lang namin doon, si Jimin at Nim Eun naman nandito kasama namin ni Taehyung.

At si Taeri, ayun hindi na nagpaparamdam sa amin puro kay Taehyung na lang.

"Si Taeri" rinig kong bulong ni Jimin kaya napatingin ako doon sa likod namin kung saan papalapit sa amin si Taeri ngayon.

"Patay na" rinig kong bulong ni Taehyung na kasalukuyang katabi ko.

"Ah Taehyung pwede ba tayo mag-usap?" tanong ni Taeri kay Taehyung nang makalapit na sa table namin.

Napatingin naman sa akin si Taehyung kaya pinandilatan ko siya ng mata na sign na punatahan mo na siya kaya naman tumayo na siya at sumunod kay Taeri.

"Sa tingin niyo ano pag-uusapan nung dalawang iyon?" tanong ko

"Ewan" sabi ni Nim Eun

"Baka sa relasyon nilang dalawa" sabi ni Jimin "Wait! Are jealous?" tanong pa ni Jimin

"No! I'm not! Bakit naman ako mag-seselos wala naman kami ni Taehyung" sabi ko

"Ayaw pa aminin eh" sabi ni Nim Eun kaya napailing na lang ako

My Bad BoyWhere stories live. Discover now