Chapter 26

437 11 0
                                    

Ashli's P.O.V
Kinabukasan

*TOKTOKTOK*

"Ashli buksan mo itong pintuan!"

Boses pa lang kilala ko na kung kaninong boses iyon.

Kinalampag niya pa yung pintuan ng kwarto ko dito sa office ni Ma'am Seo.

"Yoongi, wala nga si Ashli diyan" sabi ni Ma'am Seo

"Pero Ma'am Seo, di ako pwedeng magkamali siya yung nakita ko na pumasok dito" parang naiiyak na sabi ni Yoongi

Nilapit ko naman yung tainga ko sa pintuan ng kwarto ko para marinig ko ng malinaw yung paguusap nila.

"Yoongi Min tigilan mo na ang kahibangan mo kay Ashli, tanggapin mo na lang na matagal ng patay ang babaeng mahal mo" sabi pa ni Ma'am Seo

Ouch!

Ang sakit lang marinig na pinapatay na nila ako, pero iyon lang ang tangin paraan para tantanan ako ni Yoongi.

I'm sorry Yoongi kung ginagawa ko sayo ito, i guess kailangan na talaga nating kalimutan ang isa't-isa.

"Pero Ma'am sino yung kasama ko kahapon doon sa taguan namin? Alam kong siya yun, amoy pa lang ng pabango niya alam kong siya na yun" sabi ni Yoongi na umiiyak na

"Baka naman naligaw lang yung babae na yun at baka magka-parehas sila ng pabango ni Ashli kaya ganon" sabi ni Ma'am Seo

"P-pero Ma'am—"

"Tama na"

Umalis na ako doon sa tapat ng pintuan ko at naupo ako sa kama ko.

Panahon na siguro para makipag-kita na muli ako kay Yoongi.

Tinapat ko ulit yung tainga ko sa pintuan ako at wala na akong narinig na Yoongi na nagsasalita pa.

Lumabas na ako ng kwarto ko at nagpunta ako sa table ni Ma'am Seo.

"Ma'am lalabas lang po ako saglit" sabi ko

"Oh ija umiyak ka ba?" tanong ni Ma'am Seo

"Hindi po, may sipot lang po ako at puyat lang po ako kaya namamaga po yung mata ko at nagbabara po yung ilong ko" sabi ko

"Ganon ba, uminom ka ng gamot ija ah?" sabi pa ni Ma'am Seo kaya napatango na lang ako

"Labas lang po muna ako" sabi ko

"Sige magiingat" sabi pa ni Ma'am Seo kaya ngumiti na lang ako "Nga pala next week wala na tayong pasok amd nasa honor pupils ka" masayang sabi ni Ma'am Seo

"Ah sige po, mamaya ko na po titignan yung program" sabi ko at umalis na

Nasaan na ba yung Yoongi na yun.

Nakita ko sila Mark, Loreen, Yivin at Yinin na nasa canteen kaya pinuntahan ko sila.

Kinalampag ko yung table nila kaya nagulat sila.

"Nakakagulat ka naman!" sabay-sabay nilang sabi

"I don't care, nakita niyo ba si Yoongi?" tanong ko

"Nandoon sa may gymnasium" sabi ni Mark

"Ano ginagawa doon?" tanong ko

"Nag-aayos para sa graduation" sabi ni Loreen

"Ikaw secretary tapos nandito ka lang pa chill chill, pumunta ka nga doon sa gymnasium at tumulong ka kay Yoongi" sabi ko

"Opo Madame Pres." sabi ni Loreen at tumayo na at naglakad na papunta sa gymnasium

My Bad BoyWhere stories live. Discover now