Chapter 19

633 19 1
                                    

Ashli's P.O.V

"Ashli.... Wake up"

Napamulat ako ng mata ko ng may naramdaman akong may nag-tapik ng balikat ko habang ang isa niyang kamay ay hinihimas ang aking buhok.

"What time is it?" tanong ko

"5:00 am" sabi niya tapos ngumiti "Fifth day of school ngayon" dugtog pa niya.

"I know" sabi ko tapos tumayo na ako sa kama at kinuha na yung towel na nakasampay sa labas ng kwarto at nagpunta na sa loob ng banyo.

Muntikan na akong mapatalon sa sobrang lamig ng tubig dito nanginginig na ako habang naliligo.

Pagkatapos ko maligo sinuot ko na yung uniform ko, syempre wala si Yoongi sa loob ng kwarto habang nagbibihis ako nuh!

Pagkatapos ko mag-bihis bumaba na ako para mag-almusal. Naupo na ako sa gitna ni Yoongi at ni Kuya Jae habang katapat ko naman si Loreen at katabi niya sa kaliwa niya si Mark at sa kanan naman niya si Kuya Han.

"Lahat ba tayo magka-kaklase?" tanong ni Loreen

"Malamang hindi, Grade 12 ako tapos si Jae Grade 11 tapos kayong apat Grade 10, sige nga paano tayo magiging magka-kaklase?" tanong ni Kuya Han bago sumubo ng pagkain

"Ikaw ba kasi kausap ko?" inis na tanong ni Loreen

"Lutang ka ata Loreen pang-limang araw na ng school year ngayon paano tayo magiging magka-kaklase hayst" sabi ni Yoongi

"Diba mga half Korean din yung mga nandun, mga half Japanese, mga half Filipino, basta puro half kaya maiintindihan din natin sila, diba?" tanong ni Kuya Jae

Tumango naman si Mark kasi may laman yung bibig niya kaya di na siya naka-pag-salita pa

Hindi ko na sila pinakinggan at kumain na lang ako ng tahimik. Pagkatapos namin kumain nag punta na ako sa kotse ni Yoongi habang sila Kuya naman mag-kasama at kaming apat magkakasama.

Nag-vibrate yung phone ko kaya tinignan ko kung sino yung nag-text.

One new massage from Couz

: Ingat ka sa mga mapanlinlang diyan sa paligid mo, baka mamaya agent din 'yan. Ashli kahit wala ka na sa Korea pwede mo pa din magamit ang pagiging agent mo lalo na kung kailangan, kayo nila Loreen at Yoongi pwede niyo magamit ang pagiging agent niyo. Ingat sa mga taong mapanlinlang
hindi natin alam kung kelan sila mag-papakita o mag-paparamdam kaya kailangan lagi kayong handa. Wala din kami diyan nila Hanrun para iligtas kayo kaya lumaban kayo. Good Luck Couz.

Hindi na ako nag-reply kay Hoseok at nilagay ko na lang sa bag ko yung phone ko.

Sandra's P.O.V

Nasa school na ako at hinihintay na lang ang mga kaibigan ko na dumating. May nakita akong isang lalaki na pamilyar ang mukha kaya sinundan ko ito.

Maya maya pa nakita ko itong huminto kaya nag-tago ako sa may likod ng puno nang makita ko na nag-lakad na ulit siya sinundan ko na ulit ito. Nakita ko pa na pumasok siya sa may likod ng gymnasium.

Ano naman kaya gagawin niya doon?

Papasok na sana ako ng may naramdaman akong humawak sa braso ko. Nung una natakot ako kaya kinabahan ako pero nung nakita ko na yung mukha niya nawala na ang kaba ko.

Kapag siya ang nakikita ko tuwing umaga buo na ang araw ko.

"Anong ginagawa mo dito sa may gilid ng gym?" tanong ni Taehyung

My Bad BoyWhere stories live. Discover now