Chapter 23

394 11 0
                                    

Ashli's P.O.V

Kasalukuyan akong nandito sa bahay nila Zyle kasama namin ang kaniyang Mom.

Nakuwento na din namin kung bakit ako nandito sa kanila.

"Oh ija, kumain ka na ba?" tanong ng Mom ni Zyle

"Ah opo Mrs. Kang---" naputol yung sasabihin ko ng mag-salita si Zyle

"No Mom, she's not eating yet" sabi ni Zyle

"Ah ganoon ba, teka lang ipagluluto ko kayo, saka ija wag na Mrs. Kang ang itawag mo sa akin Tita na lang" sabi ni Tita

"Ah sige po T-tita" sabi ko

Umalis na si Tita at naiwan na kaming dalawa ni Zyle dito sa salas.

"Uhm, ano sasabihin ko ba kila Yoongi na nandito ka?" tanong ni Zyle

"Hmm, siguro kay Yoongi wag mong sabihin, pero kila Kuya Han sabihin mo na nandito ako sa inyo, and papasok na din naman ako bukas kaso gusto ko lumayo kay Sabria kasi baka mag-karoon ng away" sabi ko

"Ahm, bakit hindi mo kausapin sila Ma'am Seo about diyan" sabi ni Zyle

"Oo nga noh! sige bukas kakausapin ko" sabi ko

Hanli's P.O.V

Nasa school na kami ngayon and as usual kasama ko si Myungi ngayon.

"Bye ingat" pagpapaalam ko sa kaniya kasi may klase pa ako

"Ingat, pagbutihin pag-aaral ah" sabi niya

"Oo naman, bye" sabi ko at umalis na ako

Sa kabilang building pa yung room ko kaya malayo pa ang lalakarin ko, umupo muna ako sa may bench at nagpahinga sandali, maaga pa naman at late naman dumadating yung Teacher namin.

Habang nagpapahinga ako dito, may nakaagaw ng pansin ko isang babae at isang lalaki magkasama sila at papunta sila sa direksyon ko.

Tinitigan ko yung lalaki nang makalapit na ito sa akin at si Zyle ito, yung babae naman hindi ko makita yung mukha niya kasi naka-glasses siya at naka-mask at naka bangs pa siya na below the eyebrow.

"Ayoko ng away, pakiusap" sabi ko at tumayo ako para magkapantay kami

"Hindi kita pinuntahan dito para makipag-away, may gustong sabihin sayo yung kapatid mo" sabi niya ng seryoso

"Si Ashli ba?" tanong ko at tumango naman siya "Nasaan siya?" tanong ko

"Nasa likod siya ng gymnasium" sabi ni Zyle

Agad akong tumakbo at nag-punta kaagad sa likod ng gymnasium at nakita ko si Ashli nandoon siya naka-upo.

"Ashli!" sigaw ko habang tumatakbo ako papalapit sa kaniya

"Kuya Han!" sigaw niya at niyakap niya ako

"Nag-alala ako sayo! kung saan-saan ka namin hinanap, saan ka ba nagpuntang bata ka ah?" tanong ko

"Kuya, nung gabing iyon may tumawag sa akin na babae and i don't know kung sino yun, ang sabi niya sa akin pumunta ako sa park ng 11:00 pm because may paguusapan daw kaming importante, then bago ako pumunta doon sa park nagpunta muna ako ng coffee shop and bumili ako ng favorite coffee flavor ko, then ayoko naman na sumunod kayo kaya hindi ko na lang sinabi sa inyo then..." pagputol niya sa sinasabi niya

"Then?" tanong ko

"Nakita ko yung sasakyan ni Yoongi kaya nagtago ako sa likod ng puno kaso minalas ako kasi may nagtakip ng mata at bibig ko at dinala ako sa isang abandonadong gusali" sabi niya

My Bad BoyWhere stories live. Discover now