Chapter 1

393 3 0
                                    

“Good Morning Sir.”

“Good Morning.”

“Good Morning Sir.”

“Good Morning.”

“Good Morning Sir Phil.”

   I just threw a sly smile on the person who greeted me, habang patuloy pa rin ang paglalakad patungo sa elevator, paakyat sa opisina ko. Nakakasawa naman kasi ang mag-good morning ng mag-good morning sa mga taong nakasasalubong ko. Hindi naman computer operated ang bibig ko.

  Ganito ang nangyayari sa akin every morning. All of my employees, greets me courteously just to check on my mood for the day, let’s say na kapag hindi ako nag-greet or nag-smile back, I’m in a bad mood. And when it happens, takot na silang lahat. Marahil ay masiyado nga akong masungit. Minsan ay napapatanong na nga lang ako sa sarili ko “Am I that wicked when I’m mad?” but who cares, anyway, I’m the boss here. Hindi ako ang dapat mag-adjust.

  Habang naglalakad ay, napagtanto kong hindi ko pala hawak ang phone ko kaya’t agad ko itong hinanap sa loob ng briefcase ko. Hindi ko malalaman ang mga appointments ko para sa araw na ito kung wala ‘yon. Yes, I do have my secretary, but I should have my list too. Paano kung tatanga-tanga siya edi nagkanda leche-leche na ang araw ko. Mabuti nang sigurado ako.

BANG!

  Sa lakas ng collision ay napaupo ang babaeng nakabunggo sa akin. Busy ako sa paghahanap ng nawawala sa loob ng bag ko kaya’t hindi ko na rin siya nakita.

“Stupid girl! You should look at where you’re heading nang hindi ‘yang ganyan na haharang-harang ka sa dinaraanan ko!” bulyaw ko, paano naman kasi, tumalsik ang mga laman ng briefcase ko. Pa’no pag may nawala doon? Lahat ng files ko mahalaga.

 Buti na lang ay agad rumesponde ang ilang mga trabahador ko at pinagpupulot lahat ng gamit ko, kabilang na ang iPhone ko.

“Sorry sir, kayo po kasi ang hindi nakatingin, I was carrying a huge stack of paper so I wasn’t able to see you pass by.” Natatarantang na sagot niya habang pinupulot din ang mga papeles niyang nagliparan na sa paligid ng lobby.

  Aba’t nagrarason pa siya, hindi ba niya ako kilala?!! Bago ba siya?

“Nagrarason ka pa. So ako ang mali, ganun? Anong department ka ba dito ha? May maipagmamalaki ka na ba sa akin?! Magsimula ka nang magbalot-balot because YOU ARE FIRED!” Iyon lamang at nagsimula nanaman akong maglakad, paalis sa lugar na iyon. Mahal ang bawat Segundo ng oras ko, hindi ba nila alam iyon? How dare her to waste it just like that?!

Nag-mistula siyang istatwa, hindi maintindihan ang ekspresyon, ngunit sigurado akong pagkabigla ang nakikita ko sa mga mata niya.

“H-Ha? Sir, sorry na po. Hindi na po mauulit, I promise! Give me another chance please---“

  Habang papalayo ako ng papalayo ay papahina naman ng papahina ang boses niya, para bang isang kanta sa radiyo na nagfe-fade. Pasensya na, wala akong panahon para makinig sa mga paliwanag niya, gaya nga ng sabi ko, MAHAL ang bawat Segundo ng oras ko.

  Nagtuloy lang ako sa paglalakad papunta sa elevator.

 

TING!

  As I enter, nagsimulang tumahimik ang kaninang cheerful na paligid. Wala man lang ni-isa sa kanila ang naglakas loob na bumati sa akin. Malamang ay nalaman o nasaksihan na nila ng pangyayari kanina.

The Unplanned WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon