EPILOGUE

2.3K 63 15
                                    

Minsan sa buhay natin may mga bagay na hindi natin inaasahan. May aalis, may biglang dadating at meron din namang maiiwan. Yung bang akala mo nasa sulok ka lang ng mundong ito, pero hindi e.. Tao ka man o Hayop o ano mang klaseng organismo. Parte ka parin ng mundo, kaya huwag na huwag mong iisipin na nag iisa ka lang sa mundo. May mga karamay ka, at yun ang iyong PAMILYA. Minsan nga naisip ko, nagpapasalamat ako kasi kahit mahirap kami naging buo parin ang aming pamliya at ayun nadagdagan pa at mas lalong lumaki pa. 

Ang pagiging  pangit ay hindi problema, tulad nga ng sabi ni Mamita, "Maganda ka naman talaga, tamad ka lang mag ayos." Mataba ka man o sexy, mapimple o makinis. Maganda ka parin. Walang ginawa ang diyos na pangit. Lahat tayo pantay-pantay sa pagtingin sadyang may mga taong matatalas lang ang dila at naiinggit sa iba. Maganda ka, maganda siya, maganda tayong lahat. Hayaan mo lang yung mga taong naninira sayo dahil kung alam mong wala kang ginawang masama at malinis ang iyong konsensya wala silang mapapala. 

Pag nagmamahal ka naman matuto kang mag let go at tumanggap ng panibago. Huwag mong idadaan sa REVENGE. Idaan mo sa pagsisi at pagtatanggap. Magpatawad at sumubok ulit. Hindi lahat ng tao pare-pareho kaya huwag mo lalahatin. Matuto kang buksan ang iyong mata para sa panibagong pag ibig, maging masaya ka at magmahal ng malaya. Minsan kasi nagiging masaya ka lang kapag tumatawa, hindi. Maging masaya ka kasi iyon ang nararamdaman mo, huwag kang magkukunwari dahil pinapakita mong hindi mo kayang lagpasan iyong pagsubok na iyon. 

I still remember those days.. Nung araw na nabangga ko si Chris.. Nung pinagbasketball ako ni Kyle ng naka heels.. Nung nakakabanda ko si  Gab.. Nung niligtas ako nni Art sa mga spice girls. Nung nag away kami ni Meg. Akala ko magiging pangit ang year na 'to. Akala ko lang pala yun. Dahil mas lalo akong tumapang at kaya ko ng tahakin ng mag isa ang mga problema ko. Masasabi ko nalang na.. THOSE WERE THE DAYS..

Highschool? Salamat ng marami, kung hindi dahil sayo hindi ako si Fern na nakatayo ngayon sa harapan ng mga maraming tao, na kung saan lahat sila ay nakangiti at nakikinig sa bawat salitang linalabas ko. Alam ko mahirap ang college, bagong yugto ng buhay, bagong kapaligiran at bagong mga tao ang aking makakasalamuha. 

Habang sila ay nakikinig sa aking sinasabi, naluluha ako dahil hindi ko mapigilang maging emosyonal sa bawat pagbalik tanaw ko sa aking Highschool Life. Highschool talaga eh, isang memorya na hinding hindi ko makakalimutan. 

"And once again this is Fern Chandria Go. Valedictorian of Batch 2013-2014 thankyou." Pagkatapos kong sabihin yan,  nagsi-tayuan sila at nagpalakpakan. Hindi ko na maintindihan kung anong mararamdaman ko, basta ang alam ko masaya ako.

Eto na.. Ilang minuto nalang matatapos na ang aking pagiging Highschool student. Luminya na kami sa stage at sinimulang kantahin ang aming college hymn at kasunod nun ay ang aming graduation song.

At habang kinakanta namin ang aming college hymn, naiiyak na ako at mas lalo akong naiyak nung kinakanta na namin yung Graduation Song namin. Hindi lang naman ako meron din yung iba. Ang hirap..  ang hirap iwan ang highschool. Kahit naman ayaw ko pero alam ko lahat ng bagay may katapusan at may panibagong yugto  ang aking buhay.

Pagkatapos ng aming graduation song, biglang nagsalita si Mamita sa gilid gamit ang mic.

"Goodmorning everyone, congratulations batch 2013-2014. Since andito na rin ang media. I just want you know that.. Fern Chandria Go is my Grand daughter and she is engage with Mr. Arthuro Federico Yin the Grand son of Mr. Yin. " I swear in that moment parang nafreeze lahat ng nakikita ko. Parang sila namute.

Would you LOVE a NERD like me? (COMPLETED)Where stories live. Discover now