CHAPTER 57 : Prom

1.9K 39 2
                                    

A/N : Hello Guys! Sorry kung medyo medyo medyo natagalan 'tong UD na 'to kasi medyo busy na rin sa school. Hyanako. Ang hirap maging College student. Dugong dugo yung ilong ko sa kakahanap ng mga rooms ko nung first day gosh. Well shoutout sa lahat ng nag aaral sa SAINT LOUIS UNIVERSITY. Napanood niyo na yung TBYD? HAHA. Gosh ang sexy ni JAMES REID!! :)

-Janel

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Fern's P.O.V

"Mamita! Kailangan pa ba ng ganyan?," Ani ko kay Mamita. Sumasakit na kasi yung ulo ko sa amoy ng cutiks. Nagpapamanicure kasi kami ngayon para sa Prom. Dito nga lang sa bahay, nagtawag nalang si Mamita ng mga mag aayos daw sa akin.

"Oo darling para naman magbloom ka sa Prom niyo. Kailangan ikaw ang pinakamaganda. Kaya ayus-ayusin mo yan Mattet." Wika naman ni Mamita sa akin at sa nagmamanicure sa akin. Kulay silver yung cutiks ko para mag-match sa idadamit ko maya. 

Ang bilis ng araw no? Parang kailan lang nung niyaya ako ni Art sa Prom, nung nagkabati kami ng bestfriend ko at ngayon Prom na tapos sa susunod na tatlong linggo Graduation na. Nakakaiyak naman, magkakahiwalay-hiwalay na kami. Hayst. Huwag ko muna sigurong isipin yun. Prom namin ngayon, at ienjoy ang natitirang araw ng pagiging isang highschool student. 

Nang matapos ang mapolish ang aking mga kuko, agad-agad na akong inayusan ng mga beki na hinire ni Mamita.. Make up dito. Make up doon, maya-maya may nagkukulot na ng aking mga buhok at ang pinakahuli ay linabas na nila yung gown ko.

Napakaganda ng gown na isusuot 'ko, di ko mawari kung bakit ganito nalang ako kaswerte ngayon. Royal Blue ang kulay niya na tube tapos maraming raffles sa bandang waist na. Basta ang ganda ganda ng isusuot kong gown. 

Tinulungan naman ako ng mga maid namin na isuot yung gown, medyo mahirap kasing isuot yun lalo na't tube pa man din yun. Pero okay lang, confidence. Nang maisuot 'ko na yung gown 'ko. Humarap ako sa salamin namin, at ako'y nabighani sa aking nakita. Parang hindi ako yung nasa salamin, yung bang naninibago ako sa aking itsura. 

Ang cute ng ginawa nila sa aking buhok, yun bang kalahati lang yung nakaclip tapos may mga bulaklak na naka insert sa mga bawat clip ng buhok ko. May natirang hibla ng buhok ko malapit sa tenga ko na nagsisilbing bangs ko. Ang ganda, ibinagay din nila yung make up ko sa kulay ng gown ko. Nagmumukha akong si Elsa. Pero siyempre ako si Fern.

At ang pinakahuli.. ang pagsusuot ko ng heels. 

Medyo nahihirapan kasi ako maglakad pag nakaheels ako kaya medyo kabado ako sa pag gamit neto. Wala naman akong choice kundi suotin nalang dibali once lang naman.

VIOLA! Gora na sa prom. Maaga pa naman bago mag ala sais kaya nagselfie muna ako sa Iphone ko. Biglang may kumatok sa pinto, tatayo na sana ako kaso bumukas na at inilabas naman neto ang mukha ni Jiharu. Nakatoxido si Jiharu at ayos na ayos ang buhok. Mas lalo pa siyang naging hot dahil sa hawak niyang DSLR.

Imagine? Ang liit liit lang niya noon tapos ngayon mas matangkad na siya akin. "Ate! you look gorgeous!," Ani niya. Napangiti naman ako sa narinig ko kaya naman sinukilan ko siya ng matamis na ngiti. "Salamat bro, ang gwapo mo ngayon." Wika ko naman sakanya.

Would you LOVE a NERD like me? (COMPLETED)Where stories live. Discover now