CHAPTER 50 : Sing with the ze bands

2K 68 11
                                    

A/N : Maraming maraming salamat po sa mga nagbabasa padin ng WLANLM kahit na natatagalan yung pag update. Alam ko marami ang may din kay Gab. Enjoy reading!

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Mamita's P.O.V

Napakaraming tao dito sa Gym ng MU ngayon. Sobrang dami, hindi ko na malaman kung estudyante ba 'tong mga to o mga outsiders.

Martes ngayon.. 

Ngayon ko mapapanood ang apo ko. Ang napakagandang apo ko. Kung alam niyo lang, marami akong tinawag na mag aayos sakanya. Kaya dapat abangan nila ang bagong Fern ngayon sa stage.

Nalaman ko din yung mga pinag gagawa ng mga kaklase niya sakanya, nagalit ako siyempre. Apo ko yun, pero wala akong magagawa kailangan talagang itago yung tunay na pagkatao niya. 

Nagkalat din ang mga paparazzi sa buong university, ang hirap gumawa ng isang bagay na maraming nakatingin sayo. Ayoko namang maging headline sa news no.

20 minutes pa, bago magsimula yung programa. Wala pa si Fern. Hindi ko padin nakikilala yung mga kabanda niya.. Balita ko nga isa sa mga kabanda niya nagkakagusto na sa apo ko. Naku! hindi pwede napagkasundo ko na siya sa apo ni Mr. Sy.

Mr. Sy na ang tawag ko doon, mas maganda nang maging pormal kaysa tawagin siya sa normal niyang pangalan. Napaka babaero kasi nun, at syempre matatanda na kami para gumawa ulit ng chemistry. 

Kayong mga kabataan, lubusin niyo na yang magiging teen niyo. Kasi ako noon. Puro ako boyprin eh. Kaya hindi ko masyadong naenjoy pero ang maganda doon kapag bored ka may manglalambing sa'yo. Totoo yan, karamihan naman ganyan di ba? Hindi lahat ng magkarelasyon seryoso sa isa't isa, napakahirap na ngang magtiwala noon. Kasi liligawan ka tapos kapag nakuha kana iiwan ka nalang basta basta at ang masakit doon seryoso kang nagmamahal sakanya tapos ang tingin lang pala niya sayo ay isang nabubuhay na koleksyon. O 'di ba?

Kapag naman nasaktan ka dahil sa mahal mo, nagmumukmok ka lang diyan, nakikinig sa mga malulungkot na musika, umiiyak etc. Alam mo advice ko sainyo, kung sinaktan ka ng mahal mo bawian mo ineng, bawian mo sa magandang daan. Wag na wag mong ipapakita sakanya na isa kang basura. Alalahanin mo prinsesa ka ng inyong pamilya, kaya pulutin mo ang korona mo, tumayo ka at ngumiti na parang wala ng bukas. Malakas ka ineng sadyang natamaan ka lang sa kagaguhan ng lalaking iyon.

Hindi ko na napansin na puno na pala ang buong Gym, mukhang magsisimula na ata ang programa.

"LADIES AND GENTLEMEN WE'RE ABOUT TO BEGIN," Sabi ng isang nakaformal suit na emcee.

"PLEASE STAND UP," Utos naman nung isang napakagandang babae na  nakadress ng white. Atsaka may mga grupong sumasayaw sa harapan ng stage.

I think this is a prayer, doxology kasi yung sinasayaw nila.

Wow, this is very interesting. Ngayon lang ako nakakita ng ganun.  Usually kasi kinakanta lang nila. Good job guys.

Would you LOVE a NERD like me? (COMPLETED)Where stories live. Discover now