CHAPTER 54 : Planning

2K 52 6
                                    

GAB'S P.O.V

Nagdrive na ako papuntang school, hay' hindi ko padin nakakalimutan yung nangyari nung isang araw. Ang hirap talaga pag may minamahal ka, halos lahat ng sakit mararamdaman mo. Hindi mo naman kasi maiiwasan yun. Parte yun ng buhay pag ibig.

Hindi ko namalayan andito na pala ako sa school, tss. Nagpark na ako sa parking lot.

Naglalakad na ako ngayon sa corridor namin dala-dala yung bag ko. Nang mapansin kong may kulay pink na papel na nakadikit sa newsboard namin. Tinignan ko naman ito at ang nakasulat ay..

JUNIORS AND SENIORS YOU MUST HAVE A DATE ON PROM DAY! IF YOU DON'T HAVE A DATE YOU WILL NOT ATTEND THE EVENT.

-Principal

Natawa naman ako sa sinabi ng Principal dito. Seriously?? This is funny! Muli akong naglakad at narating ko na ang aming classroom. Pagkasilip ko walang tao, napansin ko namang may nakasulat sa black board namin na, 'Prom practice guys @Gym' kaya pala walang tao.

Tumungo ako agad sa Gym ng may biglang tumapik sa balikat ko at nakita ko ang pagmumukha ni Chris. "Hi bro sup." Panimula niya. 

"Oh?" Tipid na sagot ko sakanya. Naglalakad kami patungo na sa Gym, ganon din ang ibang Seniors at Juniors. Nang bigalang may sumigaw ng pangalan namin. "Gab! Chris! Wait!," Sigaw naman ni Kyle habang tumatakbo.  Napatigil naman kami nung narinig namin siya. Hinintay namin siya hanggang sa nasa harapan na namin siya. Hingal na hingal siya, "Tara na," Yaya ko sakanila. HIndi ko na aasahan si Art, panigurado galit yun sa akin. Ano pa nga ba?

Pagkapasok naman naming tatlo, ramdam na ramdam na namin ang init na hangin galing sa Gym. Ang rami na rin kasing tao, nagpalibot libot ang aking mga mata hanggang sa nakita ko si Fern at Art sa mga bleachers. Magkatabi sila mukhang nagkakasiyahan pa.

"Alam mo na ngang masakit, tinitignan mo pa," Aniya ni Kyle sabay tapik sa balikat ko. 

"Ayos lang men, sanay naman na ako." Tugon ko sakanya. "Ang drama mo Gab. Tara isip tayo gimik para kay Fern! yung bang aayayain mo siyang maging prom date?," Wika naman ni Chris. Nagulat naman ako sakanya kasi, parang nung isang araw inaayawan lang niya si Fern.

Nakaupo na kami sa bleachers, malayo kanila Art at Fern. "Men sigurado ka ba jan? Kaibigan parin naman natin si Art." Wika ni Kyle. Hindi pa naman nagsisimula e.

"Hayaan mo men, kung mahal niya si Fern gagawa din siya ng paraan para maging magkadate sila. Diba?!" Sabi ni Chris na proud na proud pa sinabi niya.

"Papaasahin mo lang ako Chris, wag na hayaan mo na." Sabi ko naman. Sa totoo lang nasasaktan ako, kasi alam ko namang hindi ako yung pipiliin ni Fern. "Oo nga! gungung ka talaga Chris! sira-sira na nga ang puso ni Gab, sisirain mo pa lalo? asan ang hustisya?," Natatawang sambit ni Kyle.

Umayos naman ng upo si Chris bago siya nagsalita. "Korni mo Kyle, iyon nga ang maganda eh. Bakit masasabi mo bang gusto ba talaga ni Fern si Art?! Malay mo naawa lang si Fern, doon natin matetest kung sino talaga ang gusto niya, kung si Art man ang piliin niya edi tanggapin nalang talaga na hindi tumalab yang kapogian mo Gab, sus!" Pageexplain naman ni Chris.

Would you LOVE a NERD like me? (COMPLETED)Where stories live. Discover now