CHAPTER 13 : Flashback

3.1K 81 28
                                    

A\N : Very short update lang po ito :) Enjoy reading.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Continuation of flashback ni Fern..

Kinabukasan nun, hindi na ako pinapansin ni Meg. Supposed to be pupunta siya dito sa bahay, kaso pinasabi nalang niya sa driver nila na hindi siya makakapunta.

Napa 'ah okay nalang ako. Siguro busy lang siya sa celebration niya.

Days, weeks at months passed at June na ngayon, hindi man lang siya nagparamdam nung bakasyon. Miss na miss ko na siya. WALA NAMAN KASI KAMING KOMUNIKASYON. Ilang beses ko siyang tinext, pero ni isang reply wala akong tanggap. Triny ko siyang tawagan kaso. Nagriring lang, hindi niya sinasagot. Nalungkot ako imbes na magiging masaya dahil first year na kami.

Ako'y kasalukuyang naglalakad na sa gate ng biglang may busina sa akin. Nagulat naman ako at si Meg pala iyon, kasama..

.

.

.

.

.

.

kasama ang mga HOT GIRLS sa school namin. Pag sinabing HOT GIRLS, MGA IMPROKRITA, MGA NAGMAMAKE UP. MGA BITCH. MGA MALALANDI, MGA NAGSUSUOT NG HALOS KITA NA ANG KALULUWA.

ANG MUNDO KO'Y BIGLANG TUMIGIL NG MAKITA KO SI MEG KASAMA SILA. NAKAKITA AKO NG GANDANG DI MO INAKALA. HAHAHAHA! joke. Medyo nabago ang buong pagmumukha ni Meg. Pati narin ang pananamit niya. Yung dating dalagang filipina naging dalagang impokrita. 

Bumaba na sila ng KOTSE. I was like wow? pati paglalakad nabago din? Grabehan na itey.

At dahil miss na miss ko na siya. Tumakbo ako papunta sakanya at niyakap siya.

"BES! i miss you!!" Sabi ko habang niyakap siya ng mahigpit. Miss na miss ko tong babaeng to. Napansin ko naman ang paligid, halos lahat sila nakatingin sa amin. 

Bigla naman tinanggal ni Meg yung mga kamay ko mula sa balikat niya, tapos pinagpapag-pag niya yung damit niya at kinuha niya ang sanitizer niya mula sa bag niya, ipinahid naman niya ito sa kanyang mga kamay. Pagkatapos ay muli siyang tumingin saakin at nagsalita.

"What the hell are you doing? Nalulukot yung damit ko sayo! LOOK!! (turo niya sa damit niya) Bestfriend? papatawa kaba? IM SORRY MATAGAL KO KINALIMUTAN NA MAY BESTFRIEND AKONG BADUY. Freak!" Iritang sabi niya.

Ang pailigid naman ay humalakgak sa pagpapahiya niya sa akin. Ang sakit. Yung itituring kong kapatid ko iniwan na ako. Yung dating tagapagligtas ko sa gulo, siya na ang nambubully sa akin. AT ANG MASAKLAP SARILING BESTFRIEND KO KINALIMUTAN AKO. Naranasan niyo ba? Ang sakit diba? 

Simula ng araw na iyon, ako'y naging mag isa  nalang. Bully here, bully there, bully everywhere. Ang saya diba? Lumipas pa ang mga panahon, napabayaan ko na aking sarili. Ako'y naging mataba at nagsuot na ng nerd glasses. Pagkain lang ang nakakaintindi sa akin at yung nerd glasses ko lang nakakakilala sa akin.

at jan nagtatapos ang aking FLASHBACK....

Natapos na rin yung kinakanta ko at saktong nagtime na.. Kinuha ko naman ang mga gamit ko at bumalik na sa aming room.

Pagdating ko sa aming room, nagkumpulan ang mga kaklase ko sa aking upuan. Pumunta naman ako dun at nakisiksik. Nakita kong naguusap si Meg at Gab. Anong meron?

Nakinig ako sa usapan nila,  naging sila pala. Di ko man lang nalaman. Haaay. Tapos biglang nagsalita yung kaibigan ni Chris. Yung Art ba yun? Yung ang boring tignan, parang walang social life.

Nagdradramahan na sila sa harapan ko. Ang korni nila. Grabe.

Nagsalita na ako para manahimik na sila. "Umalis nga kayo sa harapan ko. Kayo! Mga walang alam, Imbes na nag aaral kayo. Nagdra-drama pa kayo sa harapan ko! May quiz tayo! Layas!" 

Nagsilayas naman sila. Sabi ko nga..Tapos itong Chris naman, letse tinitignan ako na parang may dumi sa mukha ko. Problem nito?  Kinausap niya ako.

Dami niyang tanong nakakatamad sumagot. Pero infernes napatawa niya ako.

Pagkatapos niya akong kausapin or should I say inisin. Bumalik na siya sa upuan niya.

Haaay ang boring. Mag isa ulit ako. Makalagay na nga ng headset sa mga tenga ko..

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N : UPDAAAATE NA PO. SPECIAL THANKS TO @MissAABCIN for making the cover of WLANLM :)) Galing niyaa no? XDD hehe. Well, Guys hindi ko alam kung kailan ulit ako mag uupdate kasi po ang dami po naming projects. tapos po aasikasuhin ko pa po yung research paper ko sa english, eh marami po yun. Studyante din po ako tulad niyyyooo, konting pag unawa lang po ;)) hehehe. @TEAMREMA! I LOVE YOU ALL! HAHAHAHAHA!

Would you LOVE a NERD like me? (COMPLETED)Where stories live. Discover now