CHAPTER 43 : Surprise

2.7K 85 17
                                    

21K reads na. Nakakagulat! Ang saya saya! Maraming salamat sa mga taong walang sawang nagbabasa ng storya ko. Sa mga kaibigan ko, schoolmates, maraming slamat po talaga. :) Guys, pwede niyo ng makita kung sino si Fern. Gab, Kyle, Art at Chris. Naglagay na ako ng mga pictures! Meron sa PROLOGUE meron din sa mga sari-sarili nilang P.O.V, if ever na gusto niyo silang makita. Balik lang kayo sa Chapter 1,2,3,4 :) Atsaka naraming salamat nga pala kay @ItsMeAlexia para sa FAN PAGE ng WLANLM! Yey! Pakilike nalang guyyyys! Nasa BIO ko yung link. Hindi ko din alam kung kailan ang next UD. Medyo mahirap na kasi isiksik tong wattpad eh. Finals na kasi. Iyon lang. Enjoy readinggg! \m/

-janellysison19 xoxo

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Fern's P.O.V

Tapos na ang December at January na ngayon, hindi ko talaga nafeel ang christmas, kasi buong chirstmas break.. Work out lang ako ngworkout. Naalala ko pa yung nagcelebrate kami ng Noche Buena, kumain lang ako ng madaming madaming prutas. NagBBQ, nagjuice at nagcrema. Kung pwede nga kainin ko lahat ng handa namin eh. Kaso kailangan kong iwasan ang carbs! 

Sabi kasi ni Kuya Giovanni at Ate Rema, DISIPLINA lang daw sa sarili ang kailangan. So iyon nga, kailangang umiwas sa mga matatamis at matatabang pagkain, kasama na rin yung mga ma-mantika. Kung alam niyo lang kung paano magpigil ng cravings! Maygad! Sobrang hirap! Kaya kayo kung may balak kayong magpapayat tulad ko.. pag isipan niyo na. YOU WILL SACRIFICE YOUR HAPPINESS. I'm telling you, hahaha! FOOD IS MY HAPPINESS. Fyi, meron pa yung kanin ko, talagang kontrolado sa dami. Pwede magtake  two pero dapat mas marami ang ULAM kaysa kanin and always drink WATER or FIT N RIGHT or GATORADE. Hay, yang tatlong yan ang palagi kong iniinom tuwing nagwoworkout ako. Pero mas mainam yung Gatorade na grapes. 

So ito ako ngayon, Workout again. Nagjujumping roop. Dapat mareach ko yung 150 na talon, everyday to. Tapos susunod yung sit ups and then yung bola  bola. Hindi ko nga alam kung pumapayat na ako o hindi, kasi naman pag titingin ako sa salamin.. Yun parin naman yung mukha ko tapos yung tiyan ko, may bil bil pa naman, pero may linya linya na sa gilid. Di ko maintindihan e.

"Fern! Focus!," Sabi ni ate Rema. Tsk nakalimutan ko nga pala masungit pala si ate Rema pagdating sa ganito. Kaya talon lang ako ng talon. Sige pa Fern! kaya mo yan. Isipin mo sexy ka. 

Pagkatapos ng madugo kong workout, umuwi na ako agad sa mansyon namin, o di ba? IMPROVING? syempre tagal tagal ko ng nakatira dito. Dalawang buwan na, pero sa dalawang buwan na yun. Hindi padin ako sanay na pinagsisilbihan ng mga katulong. Yung feeling na kaya mo namang gawin yung mga ginagawa nila, kaya why bother di ba?

"O apo! andito ka na pala!," Masayang bati ni Mamita sa akin. "Mukhang pagod ka ata masyado chandang," Sabi naman ni Papa. Bago ako magsalita nagmano muna sa ako sakanila. "Hello po Mamita at papa. Asan po si Mama?," Hindi ko sinagot yung tanong ni papa kasi talagang pagod ako. Alas otso na ng gabi, pero gusto ko ng matulog. 

Pagkatapos ng mahabang chikahan namin nila Mamita at Papa, tumaas na ako at patungo na sa kwarto ko. Dadaan na ako sa kwarto ni Jiharu ng may narinig akong nag gigitara sa loob ng kwarto niya. Sumilip naman ako at nakita ko ang aking kapatid na nakaupo sa upuan na malapit sa kanyang bintana, which is couch kadugtong na ng bintana. Basta yun, nakatingin siya sa labas hawak hawak niya yung gitara niya at mukhang magsisimula na siya. Hindi niya ako napansin.. awwe masaya to! nagtago ako sa closet niya. Siniksik ko yung sarili ko dun kahit medyo hindi ako kasya. PARA KAY JIHARU! kakasya ako! Urghhh! Pusssssh mo pa Fern! Puuuuuuuusssshhh! 

Uso pa ba ang harana?

Marahil ikaw ay nagtataka

Sino ba 'tong mukhang gago?

Would you LOVE a NERD like me? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon