Chapter 28 - HE'S BACK

2.9K 102 1
                                    


Matt's POV

Pagdating namin sa academy ay inaatake na ito pero walang malaking pinsala ang nagawa ng mga kalaban. Napatingin naman ako sa mga ghost na studyante at napangiti. Namaster na nila ang ghost power at mukhang mas lumakas pa sila. Hindi na mami mahihirapan this time at wala ring mawawala this time. Kakayanin namin ang kabang ito.

Bago pa mapahaba ang kwentuhan natin ay nag-anyong ghost na ako at kinalaban ang mga humaharang sa daan namin. Kailangan naming malaman kung dino ang puno't dulo nito lalo pa ngayon na alam na namin ang mga gumagalang spirito na ito. Mga necromancer sila na namatay pero nagugulo rito at may hinala ako sa pinuno nila na sana hindi naman.

"Kami ang maghahari!" sigaw ng nakalaban kong necromancer or what. Nakakapagsalita na pala sila? Last time kasi ang alam ko ay hindi o baka naman sa Mortal world ay hindi sila makapagsalita then dito nakakapagsalita?

"Ang dami mo pang satsat!" saad ko at pinatamaan siya ng water spikes. Nakailag naman siya pero ang hindi niya alam ay nagpatama ulit ako ng water spikes na siyang ikinamatay niya. I mean ikinalaho niya patay na sila remember?

May isa pang sumugod sa akin at hindi ako nakagalaw sa sobrang gulat.

"M-Mico." saad ko. Natamaan naman ako ng dark balls na pinakawalan niya. Hindi ko naisip na magagamit nila si Mico sa mga plano nila. Ngayon nakakasiguro na ako kung sino ang nasa likod nito. Hanggang kamatayn ba naman hays.

Mico, I'm sorry pero kailan kitang tapusin dahil hindi mo deserve ang ganitong buhay sa pangalawang pagkakataon. Ikinulong ko siya sa isang malaking bolang bilog hanggang sa mawalan siya ng hininga at maglaho siya. Umalis na ako sa lugar na iyon.

Nakita ko naman na nahihirapan si Kyle sa kalaban niyang dalawang necromancer kaya pinatamaan ko ng water vlades ang isa na ikinalaho niya.

"Thank you bro!" sigaw ni Kyle at tinanguan ko lang. Bigla naman yumanig ang lupa na ikinahinto ng lahat. May lumabas naman na 3 cyclops pero may kakaiba may sungay sila. Kinalaban ko ang isa. Pinatamaan ko ng Water Torns ang paa niya at naputol iyon pero ilang sandali lang ay bumalik na iyon sa dati.

Mukhang mahihirapan ako dito. Tinulungan naman ako si Azul at Jake sa halimaw na 'to. Kinukuhanan ng hangin ni Azul ang halimaw. May lumabas naman na kidlat na may kasamang tubig sa kamay ni Jake at pinatama ito sa halimaw. Nagconcentrate ako at humanap ng likido sa loob niya at pinalabas ito. Nakawala siya kay Jake pero hindi kay Yza. Tumalon ng mataas si Yza at pinutol ang ulo ng halimaw at doon ko lang napansin na nakabagsak na rin ang dalawang halimaw na kinalaban nila kanina.

Inilibot ko ang paningin ko at nakitang paubos na ang mga kalaban pero biglang may itim na liwanag ang nanggaling sa gitna. Pumunta naman kami doon at nakita namin si King Joseph Yaki Satan ang kapatid ng Reyna ng Magikė Kingdom na tito nila Yza at Jake.

Tama nga ako ng hinala.





Yzada's POV

Ako ang lalaban sa kaniya." saad ko at humakbang na papunta sa kaniya ngunit may pumigil naman sa akin.

"Hiyas." humarap naman ako sa kaniya at ngumiti.

"Trust me" saad ko at hinalikan siya sa tungki ng ilong.

Dumiretso na ako kay Tito at hindi ko na siya hinayaang makatira.

"Pain." saad ko at namaluktot naman siya sa sakit. Nagpatama naman siya ng dark vall sa akin pero naiwasan ko iyon.

Nagpalitan kami ng atake pero mas mali na ang natamo niya. Napaluhod naman siya. Agad ko siyang nilapitan at itinayo. Nagtatakang tingin ang ibinigay niya sa akin.

"B-Bakit mo ito ginagawa?" tanong niya.

"Dahil Tito kita at ayaw ni Mommy na masaktan ka." ng sinabi ko iyon ay lumitaw naman si Mom at Dad sa harapan namin.

"K-Kuya" saad ni Mom at niyakap si Tito. Naiyak naman ako sa tagpong iyon.

"B-Bakit ganito? A-Ang dami kong ginawang m-masama sa inyo p-pero ito ang isinukli n-niyo." nanghihinang saad ni Tito.

"D-Dahil kuya ka namin at pamilya kita." narinig kong saad ni H.M na hindi ko napansin kanina.

"I'm sorry sa inyong lahat." sabi ni Tito at itinarak ang espada niya sa kaniyang sarili.

"K-Kuya! No!"






dreamhope_s


Gulat kayo noh. Ayoko talaga siyang patayin kaso madami ng characters masyado. Ewan ko ba. RIP sayo.

For more upcoming updates kindly visit my facebook page guys : @Dreamhope_s or kindly just search the name Dreamhope_s. Thank you and have a nice day.

Link here if you have difficulties in finding👇

https://www.facebook.com/Dreamhope_s-105177134624808/?refid=46&__xts__%5B0%5D=12.AbpxK6qa1LN67kcBcw1Q5L7Q1aowGkbPEkxyd_PNG5ZINz8vKy3nQ8Dw1eBQRoeQT4bQ8HaQhepgueZazZeoPfdiiKuWrxBOI1qlnpGbzm80jd7VTLLS1lXG2RCqOjJs76q4ZlUDfjzqXZwfHRcp4gZETccrB4jKULk8yafSBWY4b4jrNyxMP5_nZF9V7f0B09ShKxhI3tx1dzB5b4wmCyrkeB66hnzaX0x4Lj7oSQNM-CF9fqkAwfjHiIzNPPEvA2pLaD1SRx8WeK33-6mWtd-FpHlzKgS-4DgPfKB19UAykxhz7LlE3aDGMFzYYUqt1TjLnIW1wu8WJveVC3RHQng4CrkyuMJxJ1AHwlYMxfns-YCU1hH1I2xd9ulun8eSbJfIk1fMwCMq50JEHr5k16f38JT99QOsL59U4mnAu-c92gqmDGRBc0AF0NrkRm2uPErlBXqw6ClVS8wRN7gExE3X5QgwYZb4CRF9MTTdV2nsau_5zD1O50SUwrXrTDVMi-bD3lmdwhTc--9U5dcw-fXtzMV2pZeqqdZDx486NCzcaCxq000gw-FBkRXw_REVawLJN7X59Leg7RUzk2QnKdS_rZHEMwXW-ZNGZRfJmwRovevwyg-YrN1nfkw8yXcw25I&__tn__=C

MAGIKĒ ACADEMY: THE GANGSTER PRINCESS(BOOK 2)(COMPLETE)Where stories live. Discover now