CHAPTER 3 - MEETING DIAMOND AND PEARL

4.5K 158 1
                                    


Jake's POV

Hi. Nandito kami ngayon sa Mortal World. Dito muna kami naninirahan at magbabakasyon. Hi ulit. Mukha akong timang. Namiss ko kayo. Pero mas namimiss ko ang kapatid ko. Hays. Ayokong isipin na patay na siya dahil ramdam ko na buhay pa siya. Kambal kami remember? Kung patay siya alam ko na may part sa akin na hindi na magfafunction dahil iisa lang ang buhay namin,  ganito daw ang buhay ng mga kambal sa Enchant World. I miss my baby so much. I want to hug her tight when I see her. I miss her scent. I miss the way she calls me kuya, kambal and such names. I really miss our princess. Just please comeback baby. It's been a year and 6 months. I sighed.

"Jake! Diba ang sabi mo alam mo kung nasaan ang Underworld City?" Tanong sa akin ni Irene. Ang princess ng Musica Kingdom.

"Yeah." Tipid kong sagot.

"How come na alam mo? Hindi ba dapat tago 'yon sa mga tao na hindi naman gangster?"

"Alam ko 'yon dahil plano ko dati na mag-gangster kaso hindi natuloy dahil sa pagpunta namin sa Enchant World."

"Exciting! Tara na. Lunch daw tayo sa labas!" Excited na saad niya at tumalon-talon palabas. Siya ang bunso sa amin. Ang childish niya nga eh pero sanay na kami. Naaalala na rin ni Queen Pia ang lahat simula ng mamatay ang dark king.

***

"Gusto niyo ba talagang maging gangster?" Pagtatanong ko sa kanila. Si Jade? Ayun, cold as always.

"Exciting nga eh!"

"Oo naman!"

"Para may experience!"

Sagot nila sa akin. Tinanguan ko na lang sila at ipinagpatuloy ang pagkain.

"Ano ang name ng gang natin? Alam ko kasi merong ganoon." Pagtatanong ni Zach.

"Parang nakaka-thrill 'yan." excited na saad ni Azul.

"Same with codenames." Saad ni Kyle. Simula ng mawala sila. Naging cold rin siya. Hindi ko siya masisi. Pareho lang kami ng sitwasyon.

"What if? The Royalties?" Suggestion ni Azul. The real Azul iyong kasama namin ah.

"Too plain. Hindi kasindaksindak." Commento ni Matt.

"Kailangan pa ba iyon?" Taas kilay na tanong ni Xandra.

"Ofcourse love." Sagot ng boyfriend niyang si Zach. Edi sila ng may love life.

"Death group?" Suhestyon ni Irene.

"Nah. Pangit." Bored na sagot ko.

"Colorful Death." Saad ni Jade.

"So colors rin niyan ang code name?" Tanong ni Xandra at tinanguan lang siya ni Jade.

"Okay here's the codename. Sabihin niyo kung gusto niyong palitan ah." Saad ni Matt.

"For Jade, Black tutal mahilig siya sa color na iyon. For Jake naman is White. Hindi na pwedeng black kasi si Jade na iyon. Next is Zach, Sky ang sayo. Parang color ng ice ganoon. Tutal Ice naman ang power mo. For me naman, Blue. Water eh. Kyle is Gray. Xandra is Yellow. Irene - Peach
And Azul - Baby Blue." Saad ni Matt. Maganda naman kaya hindi na ako aangal.

"Paregister na tayo mamaya." Saad ko.

***

Nandito kami sa tunnel papuntang Underground City.

"Anong kailangan niyo?" Sabi ng gangster na nagbabantay sa pintuan.

"Paparegister." Bored na saad ko. After kong sabihin iyon ay inatake niya kami. Sabi ko na eh. Bago ka makapagregister magtetest ka muna. Hindi 'yung test na papel at ballpen ang gamit. Kundi ang pagtest ng skill mo.

MAGIKĒ ACADEMY: THE GANGSTER PRINCESS(BOOK 2)(COMPLETE)Where stories live. Discover now