Chapter 22 - PRINCESS CASSY OF AIRO KINGDOM

2.4K 115 1
                                    

Cassy's POV

Parang may nilusutan kaming barrier ng makaapak ang chariot na sinasakyan namin sa lupa. Hindi pala parang, may barrier talaga. Lumabas na sina Zion at Azul. Inalalayan naman ako ni Matt pababa. Kung iniisip niyo ang status namin ay para sagutin ko iyan, ligawan pa lang.

Gulat na gulat ang mga kawal ng palasiyo ng makita ako. May nagpatugtog naman ng trumpeta tanda siguro na may dumating at may narinig naman akong mala-mic ang boses. Maybe his/her power.

"Narito ang Prinsipe ng Water Kingdom! Prince Mathew Zrick Cane. Lade Azul Slot ng Airo Kingdom! Lord Zion! Guardian of Princess Cassy. And last Princess Cassandra Fabian of Airo Kingdom!"

Bigla namang may lumitaw na dalawang babaeng parang magkaedad but I doubt that and isang lalaki na mababakas pa rin ang kakisigan. Bigla namang may nagflash na mga imahe sa utak ko.

'Dear dahan dahan madadapa ka.' saad sa akin ng isang babae na kamukha ng nasa harapan ko ngayon.

'Mommy! Laro tayo.' saad ng batang ako sa babae na I assume na nanay ko. Masaya naman siyang nilapitan ni M-Mommy.



****


'Baby sis! Kakain na tayo.'

'Sandali lang ate! Inililigpit ko pa ang mga toys ko.' lumapit naman sa akin ang babaeng tinawag kong ate.

'Tulungan na kita diyan.' saad niya at ginulo ang buhok ko.



****

'D-Daddy!' sigaw ng batang ako na nadapa marahil sa bato. Agad namna siyang pinuntahan ng matandang lalaki.

'It's okay sweetheart. Don't cry. Gagamutin natin iyan okay.' saad niya sa umiiyak na batang ako sa binuhat ito sa loob.

****


'Mag-iingat ka Cassy anak. Bumisita ka ah. I love you dear.' saad ni M-Mommy sa 10 years old na ako at hinalikan ito sa noo.

'Yes Mom. I love you too Mom.' sagot ng batang ako at yumakao kay M-Mommy

'Ingat ka doon baby sis ha. Mamimiss kita. Magsumbong ka lang kay ate kapag may nangaway sayo. I love you sis.' saad ni A-Ate at niyakap ako, niyakap ko rin siya pabalik.

'Yes Ate, I'll miss you too and I love you' bumaling naman ang batang ako kay D-Daddy.

'Huwag mong kalimutan ang mga itinuro ko sayo kapag may nang-aaway sayo Sweetheart. Lagi mong tatanggalan ng hangin ah, hahaha joke lang syempre. I love you anak. Ingat ka doon' saad ni Daddy at hinalikan ako sa noo.

'Yes Dad, I will.'

****

Nagbago ang paligid, nasa mortal world kami at nasa tapat ng gate ng isang bahay ang sarili ko.

'Hehe, by the way I am Princess Cassandra Fabian of Airo Kingdom.' saad ko sa dalawang tao na lumabas mula sa gate. Yzada and Jake.

'Sa loob na lang tayo mag-usap habang bumabyahe.' dugtong ko pa.


****

Nagbago na naman ang paligid. Nasa dorm na kami this time at nakikinig sa away nina Yzada at Jake.

Biglang tumakbo ako kay Zach at niyakap siya.

'Happy Birthday!' maligayang saad ko sa kaniya.


****


'Cassandra. Alam ko na alam mo na PEKE iyong Prinsesang iyon?' nandito kami ngayon sa office ni H.M at tinanong niya sa akin iyon.

"Hindi siya si Azul. I can sense it. Azul ang I we're bestfriends. At alam kong hindi siya iyon. Kung sino man siya humanda siya." sagot ko naman sa kaniya.

"Galing siya sa Dark. Nasense ko ang Aura niya kanina." saad naman ni Yzada.


****


Naaalala ko na ang lahat. Mula sa umpisa maging ang sa pekeng azul, ang nangyari sa friendship naming lahat at ang war, maging ang pagkawala namin.

Tinignan ko naman sina Mom and Dad pati si Ate Celena na may mukhang nag-aalala. Napahagulgol naman ako habang nakatingin sa kanila. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko. Wala akong naririnig pero nakikita ko ang pagbuka ng mga bibig nila na tila may sinasabi. Unti unti namang umiikot ang paligid at doon na ako tuluyang nawalan ng malay.











****

Nagising ako sa pamilyar na kwarto. Ang kwarto ko.

"A-Anak." umiiyak na saad ni Mommy.

"Mommy. Namiss kita." parang gulat na gulat naman siya sa sinabi ko.

"N-Naaalala mo na kami a-anak?" tumango ako at doon na siya tuluyang napahagulgol. Niyakap ko naman siya na tinugunan niya. Napahagulgol rin si Ate at nagpupunas naman si Dad ng mga luhang tumulo sa mata niya. Naiyak rin ako sa kanila. Pamilyang iyakin nga naman oh.

"Namiss rin kita anak. Huwag ka ng mawawala hah." saad ni Mommy habang nakayakap pa rin sa akin.

"Hindi ko na hahayaang mangyari iyon Mommy. Pangako." saad ko at hinagkan siya lumaoit naman sa amin si Ate Celena at niyakap rin ako.

"B-Baby Sis. Miss na miss na miss na kita. Ang saya ko kasi nagbalik na ang baby sis ko." saad niya at humagulgol rin. Niyakap ko rin naman siya at pinatahan.

"Ate namiss rin kita." saad ko sa kaniya.

Lumapit na rin sa amin si Dad at hinalikan ako sa noo.

"Anak ko." iyon lang ang tanging sinabi niya pero masaya na ako dahil alam ko ang nais niyang sabihin kaya niyakap ko na rin siya. Ang sayang isipin na nagbalik na ang memorya ko. Ngayon, buo na ako. Buong buo.


***

Nandito kami sa garden ni Matt. Nagpasama ako sa kaniya dahil kanina pa siya walang imik ng  makaalala ako.

"Matt, anong problema?" saad ko at napabuntong hininga.

"Hindi ka na ba galit sa akin? Sa mga nagawa namin at nasabi sa inyo noong mga panahon na nandiyan ang  peke----" pinutol ko na ang sasabihin niya at hinalikan siya. Akala niya galit ako kaya hindi niya ako kinikibo.

"Tapos na iyon Matt at matagal na namin kayong napatawad." sinserong saad ko pagkatapos ko siyang halikan.

Hinalikan niya naman ako ulit at tumugon ako doon.

"I love you Cassy." saad niya sa akin.

"I love you too Matt."

Ngayon buo na ako at kaya ko ng ibigay ang puso ko sa kaniya ng buong buo.




dreamhope_s

MAGIKĒ ACADEMY: THE GANGSTER PRINCESS(BOOK 2)(COMPLETE)Where stories live. Discover now