CHAPTER 7 - SWEETNESS OVERLOAD

3.3K 133 0
                                    


Jade's POV

Gumising ako ng may magandang ngiti sa aking labi. Mahal niya pa rin ako hanggang ngayon. Hays. Pero naaawa ako kay Matt. Nalaman kasi namin kahapon na magjowa sina Sandy at Zion.

Nag-ayos na.ako at lumabas ng kwarto. Syempre dinaanan ko ang kwarto ni Hiyas. Hindi siya naglalock kaya madali ko itong nabubuksan.

Nadasnan ko siyang natutulog ng mahimbing.

Ang amo talaga ng mukha niya kapag tulog. Tigre naman kapag gising.

Nahiga ako sa tabi niya at pinagmamasdan lang siya. Unti unti naman siyang nagdilat ng mata at nagulat na ang aking gwapong mukha ang una niyang nakita.

"Good Morning." Saad ko at ngumiti sa kaniya.

"G-good morning rin." Saad niya at dali daling tumayo. Pumunta siya sa baniyo at sumunod naman ako sa kaniya.

Niyakap ko siya patalikod. Nag-umpisa na siyang magtooth brush at nakayakap pa rin ako sa kaniya.

Isiniksik ko ang mukha ko sa leeg niya at inamoy ito. Ang bango talaga ng Darling ko.

Nagsimula na siyang maghilamos ng mukha at nanatili akong nakayakap sa kaniya. Hinalikan ko naman siya sa leeg na nagpatalon sa kaniya sa gulat.

Her reaction was so priceless.

"B-bakit ka ba ganiyan?" Saad niya sa akin at nagpatuloy na hugasan ang mukha niya.

Bumulong ako sa tenga niya at ramdam ko ang pagtaas ng balahibo niya.

"Because I love you Darling." Mahinang bulong ko at kinagat ang earlobe niya.

"Ouch. Ang harot mo." Saad niya sa akin at pinunasan ang mukha niya. Iniharap ko naman siya sa akin at ikinulong siya sa mga kamay ko.

Palayo lang ng palayo ang mukha niya sa akin at palapit naman ako ng palapit.

Hinalikan ko siya. A passionate one.
Pareho kaming naghabol ng hininga. I'm glad na tumugon siya sa mga halik ko.

"Thanks for the breakfast." Saad ko habang nakangiti.

"A-Ang harot mo talaga." Nauutal at hindi siya makatingin sa akin. Pumunta siya sa may tub at nilagyan ng tubig iyon pati na rin sabon.

Yumakap ulit ako sa kaniya. Namiss ko talaga itong babaeng ito.

"Maliligo ka?" Malambing na saad ko sa kaniya.

"Oo. Kaya labas na." Saad niya. Umiling naman ako at inamoy amoy siya ulit. Mabango naman siya araw araw eh.

"Sabay na tayo." Malambing na saad ko at napaharap naman siya sa akin.

"Lalabas ka o Lalabas ka?" Mapagbanta niyang saad.

"Joke lang iyon." Saad ko at hinalikan siya ulit.

"Sunod ka sa baba ah." Saad ko. Marahan naman siyang tumango. Hays. Mahal na mahal talaga kita hiyas.


Zyra's POV

Pagkalabas na pagkalabas niya ay napahawak agad ako sa puso ko. Tangina. Ang harot niya! Pero I like it. Wait. Erase erase!

Hays. Wala pa kaming status ngayon pero ang landi na niya paano pa kaya kapag may status na kami?!

Napailing na lang ako at hindi ko mapigilang mapangiti sa mga pinaggagawa niya. I think I love him. No. I really love him.

Mabilis lang akong natapos. Ewan ko ba. Naeexcite ako eh. Shh. Walang maingay. ^_^

Pagkalabas ko ng kwarto ay nakasandal sa side si Apoy.

Lalapit sana siya para yakapin ako ng iharang ko ang kamay ko sa mukha niya.

"Mahal mo ba ako?" Diretsong tanong ko sa kaniya. Naninigurado lang ako.

"Mahal kita higit pa sa buhay ko." Saad niya. Shit. Gusto kong magtatalon sa kilig. Bakit ang sweet niya?!

"Kung mahal mo ako liligawan mo muna ako." Saad ko.

"Hindi mo ba talaga ako naaalala?" Malungkot na saad niya. Umiling ako dahil hindi ko talaga siya maalala.

"Boyfriend mo ako."

"Huh? Paano? Bakit hindi sinabi ni Kuya?"

"Hindi niya alam ang tungkol rito." So nagtatago lang kami? Hays.

"Ikaw. Tatanungin kita. Mahal mo ba ako?" Tanong niya sa akin.

"Mahal kita." Saad ko at hinalikan siya.

"Get a room nga!" Napatigil kami sa sinabi ni Irene. Psh. Bitter. Palibhasa hindi siya sinagot ni Kris.

"Let's go." Saad sa akin ni Apoy at hinawakan ang kamay ko. HHWW kami ngayon. Kenekeleg eke. Enebe yen.

Wala kaming klase ngayon kaya maglilibot muna kami. Pwede naman kasing lumabas ng campus eh.

Napakasaya ko dahil boyfriend ko pala siya. Matanong nga si kuya about dito.

Pero ng maalala kong isa pala kaming hindi normal. Paano ko kaya ipapaliwanag sa kaniya ito? Kung mahal niya ako maiintindihan niya ako.








-------

dreamhope_s

MAGIKĒ ACADEMY: THE GANGSTER PRINCESS(BOOK 2)(COMPLETE)Where stories live. Discover now