Chapter 26 - WEDDING

2.8K 109 1
                                    

Third Person's POV

Green Kingdom

Nasa pool area ng palasiyo sina Aysha at masayang naglalaro ng iba't ibang games na naisip ng kaniyang ama.

"Kyle and Aysha. Ready na ba kayo sa next game?" tanong ng King sa kanila.

"Yes Dad!/Opo Tito!" sabay na sagot nila. Naglabas naman ng dalawang gintong barya ang Hari at inilubog ito sa pool.

"Paunahan kayong makakuha ng gintong barya. Ready. Get set! Go!" saad ng hari. Nagpaunahan naman ang dalawa na lumusong sa tubig. Sumisid ng mas malalim si Prinsesa Aysha at hinanap ang ginto. Dala ng mahapdi sa mata ang tubig ay hindi niya makita ng maayos ang nasa ilalim.

Sa kabilang banda naman ay si Kyle na ginamit ang kapangyatihan niyang lightning upang mailawan ang parteng ibaba. Ng makita niya na ang gintong barya ay dali dali niya itong nilangoy. Agad niya itong kinuha at lumangoy na paitaas.

Pumito naman ng malakas ang hari upang marinig ni Aysha ang hudyat na nauna ang kalaban. Agad namang umahon si Aysha sa tubig ng nakasimangot. Tumakbo naman agad si Kyle sa mesa ng puno ng pagkain. Iyong ang premyong nakuha niya. Tinawanan namna si Aysha ng kaniyang mga magulang sa mukhang mayroon siya. Napansin naman iyon ni Kyle kaya lumapit siya kay Aysha at hinalikan ito sa pisngi.

Namula naman si Aysha dahil nasa harap sila ng magulang niya. Tinawanan naman ng Hari at Reyna si Aysha.

"Share nalang tayo Sha." saad ni Kyle at hinila si Aysha sa mesa ng puno ng pagkain. Nagbago naman ang timpla ni Aysha. Kung kanina ay parang namatayan ito ay ngayon naman ay sobrang saya nito.

Pinagsaluhan nilang lahat ang pagkaing napanalunan ni Kyle.

"Kailan ang kasal?" nabulunan naman si Aysha sa tanong ng Hari. Hinampas naman niya ang kaniyang ama.

"Daddy!" nakabusangot na saad nito. Natawa naman ang mga magulang niya.

"Paghahandaan ko pa lang po ang pagpopropose sa kaniya tito." mas lalo namang namula ang dalaga sa sinabi ni Kyle.






Airo Kingdom

"4 months na lang ay kasal niyo na." saad ng Reyna kay Cassy at Matt. Bata pa lang ang dalawa ay engage na ito sa isa't isa. Masaya sila pareho dahil sa mahal rin naman nila ang isa't isa.

"Mommy pwedeng i move? Para sabay sabay ang kasal naming lahat." saad ni Cassy sa reyna.

"Oo naman dear. Mas maganda nga iyon." sagit naman ng Mommy niya rito. Napangiti naman ng malaki ang dalawa.

"Kayo Zi at Azul? Wala pa bang balak?" pang-aalaska ni Celena ang ate ni Cassy sa mga ito. Sabay naman na namula ang mga ito.

"Nililigawan ko pa lang po si Azul kamahalan." sagot naman ni Zi dito. Napa ayieee naman silang lahat.

"Sagutin mo na Azul!" excited na saad ni Cassy sa dalaga. Mas lalo namang namula si Azul. Hinawakan naman ni Zi ang kamay niya.

"Hiramin ko lang po muna siya." magalang na saad niya sa mga ito.

"Go on! Kahit magdamag pa kayo ok lang. Hahaha." pilyong saad ng Hari sa kanila. Namula naman si Zi at nilisan na nila ang kwarto na para sa mga panauhin.

"Ikaw namna Celena? Kailan mo sasagutin si Yko? Pakipot ka pa eh." nanunuksong saad ng reyna sa anak na si Celena. Hindi naman sinagit ni Celena ang tanong at bumaling kay Cassy. Napairap na lang ang Reyna sa ginawa ng anak.

"Magkwento ka naman baby sis sa mga nangyari noong nasa mortal world pa kayo." saad ni Celena sa kapatid niya. Napapout naman si Cassy dahil siya na ngayon ang sentrong ng atraksyon na ayaw niya.

MAGIKĒ ACADEMY: THE GANGSTER PRINCESS(BOOK 2)(COMPLETE)Where stories live. Discover now