Chapter 13 - BACK

3K 145 0
                                    

Zachary's POV

Araw na ng pasukan. Wala kaming ginawa kundi tumambay sa palasyo Nina Jade. Boring kasi eh. Nandito pala ako sa palasyo namin. Naghahanda para sa pagpasok at hinihintay ang mga kaibigan ko. Ang kukupad naman kasing kumilos eh.

"Hey Zach let's go." Lumapit ako kay Xandra at hinalikan siya sa labi. Kanina pa pala sila nandito, ni hindi ko namalayan.

Nagteleport na kami papuntang Office ni H.M para sa new sched namin. Pinabago kasi namin eh. Unahin ba naman daw ang Math? Tss.

"Headmaster." Saad namin at nag-bow at kinuha ang kailangan namin. Paalis na sana kami ng tumunog ung purple speaker ni H.M dito sa office. Ang alam ko ang purpose niyan ay ipapaalam kung sinong Slytherin ang napasok dito. Si Jake ang nagpasadya niyan. Lagi kasing tumatakas si Yzada eh. Hay. How I miss my bestfriend.

Balik tayo, napatingin kami kay hm ng pindutin niya ito. Baka ang hari at reyna? O kaya ang kuya nina Jake.

May sinaad ang speaker na talaga namang nagpanganga at nagbigay takot sa amin.

"Princess Jade Yzada Slytherin is in."

WTF??!

"We're Doomed." Nasabi na lang ni Irene.





------

Ella's POV

"Bye Mom, Bye Dad." Saad ko kari Mom and Dad at niyakap sila. Ngayon na kasi ang punta namin sa Enchanted World.

"Take care anak. We love you." Saad nila at hinalikan ako sa noo.

"I love you too." Sagot ko. Lumapit naman dito si Kambal at nakiyakap.

"Ingatan mo ang kakambal mo roon Mavi ah." Saad ni Dad kay Yron.

"Yes Dad. Mauuna na po kami." Saad niya at niyakap na namin sila sa huling pagkakataon. Mami-miss ko sila. Lalo na ang mundo namin. Ang pagiging gangster. Kung naisip niyo na nauwi lang sa lahat ang mga pinaghirapan namin pwes hindi. Ako pa rin ang kinikilalang Queen. Ayaw tanggapin ni Tulips ang alok ko. Sa huli ang sinabi nya sa akin ay siya na muna ang mamumuno habang wala kami. Ipinaalam ko naman sa mga gangster sa buong Underground City na sumunod kay Tulips. Kilala nila ako at hindi nila gugustuhing banggain ako.

Sumakay na kami ng Limousine. This one is familiar. Matagal na akong nakakasakay ng Limo pero ito iba ung feeling. Parang nangyari na ito dati. Bigla naman akong napahawak sa ulo ko ng sumakit ito.

May imahe ng isang lalaki at babae at sa likuran nila ay mga magulang nila. May Limo na naka-park sa labas ng bahay nila. May lumabas na babae sa Limo pero blurred ang mukha. Para siyang nagpapakilala at inaya niyang pumasok ang dalawa sa loob ng Limo.

Sino yung mga yon? Naguguluhan ako.

"Ella okay ka lang?" Tawag sa akin ni Yron.

"Oo. Sumakit lang 'yung ulo ko." Tipid na sagot ko sa kaniya.

"Yan Wattpad pa." Saad naman ni Isha sa akin.

"Makapagsalita ka kala mo hindi ka nagwawattpad eh." Sagot ni Liana sa kaniya.

"Tsk. Pasalamat ka wala si Kyle dito. Sure ako ipagtatanggol nya ako." Gumanti na lang ng irap si Liana sa sinabi ni Isha.

"Tss. Baka nga kung nandito si Kyle ay kami pa ang kampihan niya." Ganti ni Liana.

"Tss Asa. Isusumbong kita kay Jake!" Napairap na lang si Liana kay Isha.

"Namimiss ko na si Matt." Biglaang saad ni Sandy.

"Ok lang yan. Tayo muna ngayon." Mapagbirong saad ni Zion rito.

"Huwag na. Baka sabunutan ako ni Azul." Ang saya. Wala silang ilangan. Dating mag-jowa na walang ilangan. So proud of them.
















Nandito kami ngayon sa tapat ng isang malaking gate na may nakasulat na Magikē Academy. Ito na siguro 'yun. Bigla na lang bumukas 'yung gate at syempre pumasok na kami. Alangan namang magstay lang kami doon? Utak mga teh.

Parang may nadaanan kaming invisible barrier ng pumasok kami doon. At parang may narinig akong sinabi ng gate kaso hindi malinaw. Basta may sinabi 'yung gate. Ano angal kayo? Tss.

"Saan tayo niyan?" Tanong ni Sandy sa amin.

"Sa hospital. Nasa hospital tayo Ate." Bara sa kaniya ni Isha.

"Tigil tigilan mo ako Isha haa. Baka makatikim ka sa akin." Sumbat naman ni Sandy dito.

"Minsan kasi ayus ayusin ang pagtatanong." Simple sabat ko sa usapan nila.

"Oo nga naman Sandy." Gatong naman ni Liana.

"Dapat kasi ang tinanong mo ay 'saan tayo pupunta niyan?' Hindi 'yung 'saan tayo niyan?'" sinabayan pa ni Kirra.

"Kayong apat ah! Tigil tigilan niyo ako. Ako na naman pinagtutulungan n'yo." Umuusok na ang ilong ni Sandy. Nag-apir naman kaming apat. Basta pagaasar kay Sandy eh nagkakasundo kami.

"Tumigil na nga kayo sa pagkawala kay Sandy. Pasalamat kayo walang mga estudyante ngayon dito. Ang sabi ni Daddy sa Headmaster's office daw tayo pumunta." Pagtatanggol ni Zion dito. Tss. Panira ng trip. Nabad mood tuloy ako. Nilapitan ko na lang si kambal at tumabi dito habang naglalakad.

"O? Bad trip ang baby ko." Saad niya at inakbayan ako.

"Si Zi kasi." Nakapiit na saad ko sa kaniya.

"Narindi lang si Zi sa inyo. Hayaan mo na lang." Tss. Whatever.


















Heto kami ngayon at nagtutulakan kung sino ang kakatok. Scratch that. Sila lang pala.

"Ikaw na nga."

"Ikaw nga sabi."

"Kirra bunso ikaw na."

"Tss. Liana buksan mo na kasi."

Hays. Ito talagang mga pesteng to. Hays. Lumapit na ako sa pinto at ako na ang nagbukas.





Third Person's POV

"Anong gagawin natin H.M?" Natatarantang tanong ng mga royalties sa Headmaster.

"Ano ba kasing ginagawa nila dito?! Inilalayo nga natin sila sa kapahamakan tapos eto nandirito sila? O siya ako na ang haharap sa kanila magsipasok na kayo. At isa pa ipaalam niyo na sa kanila ang lahat. Tungkol sa tunay na sila. Kailangan na nilang makaalala. Dadalhin natin kay Oracle Aert."

Bago pa man sila makalabas eh nag bukas ang pinto.

O.O

Ganiyan lang naman ang mga itsura nila Ella.

"APOY?! ZACH? KUYA JAKE? AT KAYO RIN?! ANONG GINAGAWA NYO DITO?! DON'T TELL ME MAY SUPER POWERS RIN KAYO?!!!! OMHYGHADDDDDDDDD. KYAHHHHHHHHHHHHH. MAGKAKAPAREHO PALA TAYO. ANG SAY----hmmmppp hmppp" Tinakpan ni Yron ang bibig ni Ella.

"Mamaya na lang tayo mag-usap usap. Nakabibingi na kami kay Ella ngayon eh atsaka magpapaenroll muna kami. It's nice seeing you here." Nakangiting bati ni Yron sa mga ito.

"Uhmm H.M magpaparegister po sana kami." Lumapit si Sandy kay H.M.

"Ayos na ang lahat. Sasamahan na nila kayo sa dorm niyo at sasabihin ang mga dapat nyong malaman." Baling ni H.M sa amin.

"Wow. Hanep naman di H.M. Agaran ang trabaho." Pang-aasar ni Kris rito.

"Magdilayas na nga kayo!" Iritang saad ni H.M sa mga ito.

'Ako lang ba o talagang pamilyar si H.M sa akin?

Sa isip isip ni Ella.

********

MAGIKĒ ACADEMY: THE GANGSTER PRINCESS(BOOK 2)(COMPLETE)Where stories live. Discover now