[93] Girl's Talk

781K 18.1K 4K
                                    

CHAPTER 93: GIRL’S TALK

GAIL’S POV

Napagdesisyunan ko na libangin ang sarili ko kaysa sa magmukmok sa unit ko, thinking about what happened makes me upset even more. Pumunta ako sa pinakamalapit na mall, at mamimili ako ng kung ano-ano. Two weeks na akong nakakulong sa unit ko. Ayokong mabaliw dahil sa depression ko. Actually, na-bobore na ako sa unit ko. Naisipan ko rin kasing humingi ng space kay Nathan para makapag-isip ako ng maayos. I want to have someone to talk to but I don’t think na mabuting humingi ng advices from either Chloe or Kaye Anne. They have their own bias though. Baka mas lalo pa akong maguluhan eh. Hayy.

Naglakad-lakad ako sa loob ng department store. Actually, wala talaga ako sa mood mag-shopping pero nandito ako para maglibang diba? Lakad lang ako ng lakad hanggang sa mapadpad ako sa isang shoe shop. Walang masyadong tao dito kasi ang mamahal ata ng prices. Hindi affordable ika nga. Nagpatuloy ako sa pagtingin-tingin ng mga flat form shoes and stilettos. And a pink peep-toe high heel flat form shoes caught my attention. Take note! I’m a pinkaholic.

Palapit na sana ako para kunin yun nang may dalawang babae na naunang kumuha nito.

“I was the one who saw it first. This is mine!!”

“Shut up! This is not bagay to your paa. Like eww, so baduy!”

“Yah! Why are you ganyan? You’re so mean. This is mine!”

“Mine!”

“No, mine!”

“Miss, do you have any other stock of these shoes?” Tanong nung isang girl sa sales lady.

“Ma’am, limited edtion nalang po kasi ito at ito na po ang last stock.”

At ayun na nga nag-agawan na ulit yung dalawang babaeng color reddish na may pagkabrownish ang buhok. Inaawat na sila nung saleslady kaso ayaw patinag. Makikipag-agawan pa ba ako dun? Well, ipapaubaya ko nalang sa kanila, mas mabuti pa yun. Ang gaganda pa naman nila at ang sossy looking kaso parang ano lang, palengkera?

Anyway, I turned my back on them and headed to the doll shoes section. Sayang talaga yung pink flat form shoes na yun. Type ko pa naman.

“Sandy! Please, give that to me! I really like that one, please!” 

“No way, Lovely!”

Napatigil ako sa paglalakad. Ewan ko pero parang pamilyar din kasi ang boses nung dalawang babae and to think na Sandy at Lovely pa ang mga pangalan nila. I just shook my head on the thought. No, impossible. Bakit ang galing naman ata mag-english nun at paano mapupunta yung dalawang yun dito sa ganitong klaseng lugar.

I was about to walk away again when somebody bumped at my back. Napadapa tuloy ako sa sahig. Aww! Nakakahiya.

“Oppps, I didn’t mean to bump you, sorry..” The girl with a reddish/brownish hair said while covering his mouth “Miss. Let me help you to stand.” Inalalayan ako nung babae na tumayo. Nang magtama ang mga mata namin, napatakip ulit siya sa bibig niya at nanlaki ang mata. Pati yung isang babae, mukhang na-shock din.

SILENCE

“Hello, okay lang ba kayong dalawa?” Tanong ko sa kanila. Para silang na-estatwa, parang hindi na humihinga.

SILENCE 

“Hello?!” Wine-wave ko pa yung kamay ko sa harap ng mukha nila kaso nakatulala lang sila. “Tsk, you girls are weird. Bye,” paalam ko sabay lakad palayo. Ang tagal magsalita. Lalangawin nalang kami dun, wala pa ring reaction. Tsk.

BOOK1: Accidentally In love With A Gangster [Published under Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon