2

12.9K 260 11
                                    

2

Lalisa

This is it! Eto na yun. Ang unang araw ko sa College. I'm kinda excited kase sabi nila ibang iba na daw ang college sa high school. Weird diba? Ako lang ata ang excited mag college. As you can see, I love studying. Ewan ko ba, Bata pa lang ako I rather choose to read a book than playing outside. I'm taking BS Medical Technology at YG university, the most famous university sa Pilipinas and sabi din nila maganda daw ang aral dun kapag tungkol sa Medicine ang gusto mong kunin. And also what I'm most excited for is I'm with my best friend slash soulmate, Roseanne Park or Rosie or Chaeyoung (her korean name. She's half korean and half Filipino) or Chipmunk. But she's taking BS Civil Engineering.

Simula nang nag aral kami, lagi ko na syang kaklase. Sya din ang lagi kong kalaban sa Top 1. Yes, we both love studying. Very competetive kami sa isa't isa dati to the point na na'guidance pa kami nung Grade 6 kase kulang nalang magsabunutan kami sa harap ng klase dahil lang sa isang debate hahaha silly right? Pinagljnis kaming dalawa ng garden maghapon ng advicer namin noon. After nun, naging magkaibigan na kami. Ginawa naming bonding ang pag aaral. Yeah, you can laugh. I know it's weird. Sino ba namang normal na bata ang makikipag'bonding sa kapwa bata thru studying diba? Kami lang yun! Hahaha. I'm a little bit sad tho, kasi hindi na kami mag kaklase ngayong college BUT we're living on the same roof naman and we both go in the same university kaya okay na din ako hehe.

Nagsimula na kaming maglakad ni Chaeng papuntang university. Nilalakad nalang namin parehas since malapit lang naman yung condo na pinagtitirahan namin sa Campus.

"Lisa-yah! Promise me you will make friends ha?" Ayan na naman sya, lagi nya akong sinasabihan ng ganyan. Palibhasa alam nya na hindi ako kumakausap ng iba unless sila yung kakausap sakin.

"Chaeng, I told you. You don't have to worry about me. Kaya ko naman mag isa e. Tsaka pagdating naman ng lunch magkasama na ulit tayo."

"I know, pero syempre iba pa din kapag may naging friends ka na ka'course mo. Basta, just promise me ha? Na atleast you will try? Pretty please Lisa-yah?" Sagot naman ni Chaeng. Habang nagb'beautiful eyes pa. Alam nyang hindi ko sya matitiis e hayy.

"Fine! Just don't give me that look again."

"Yes! Hahaha, Love you Lis!" Sabi nya, Sabay akbay sakin at nagsimula na ulit mag lakad. Hay nako, Roseanne Park.

Hawak kamay kaming nakarating ng campus and woah, I know this is not my first time here but I can't help myself to always get amazed by the school's interior design. And what I love most about this school is that, they have their own Medical Building, hospital and ofcourse the university's library. Since I'm an introvert person who loves studying in a quiet place like library, I always find comfort kapag nasa library ako. Kaya naman wala akong kaibigan bukod kay Chaeng.

Habang busy ako sa paghanga sa mga building ng school, hindi ko napansin na ang dami palang tao sa lobby. Hmm, it's the first day of school after all. Pero iba yung dami ng tao ngayon e. Tapos nagkakagulo pa sila. Hindi ko namalayan na hindi ko na pala hawak ang kamay ni Chaeng.

"Chaeyoung-ah!! Chaeyoung-ah!!" Sigaw ako ng sigaw dito na parang nawawalang bata jusko. Naramdaman ko naman yung phone kong nagvibrate. Tinignan ko ito at si Chaeng pala, tumatawag. Agad ko naman itong sinagot.

"Yah, Chaeyoung-ah! Nasan ka? Ang daming tao, hindi ko namalayan na hindi na pala kita hawak."

"Lisa-yah! Go find your room na, we're going to be late. I'm trying to escape this commotion omygahd."

"Okay, be safe. Call me later. I'll see you at lunch. Bye" sabi ko sabay tago ng phone. Sinubukan kong maka'takas sa napakadaming tao and me being the not so lucky person in this world, ay nadapa dahil sa pagkaka'tulak ng mga estudyante. Ang sakit ng tuhod ko, pinilit kong tumayo at nakatakas na sa masikip na lugar na iyon. Napa'tingin ako sa relo ko and shet, late na ako huhu. Kung sino man ang ang may gawa ng komusyon na to.... hindi kita mapapatawad kapag ako napagalitan ng prof ko huhu.

ALL EYES ON ME [COMPLETED]Where stories live. Discover now