8

8.8K 188 12
                                    

8

Lalisa

Pumasok ako ng school kahit ang sakit ng ulo ko. I can't miss the lessons e. Pagpasok ko ng room, nakita ko na agad si Seul at Kai. Mukhang hanggang ngayon pinagpaplanuhan pa din nila yung gagawin namin kay The Jennie Kim.

"Ang sakit ng ulo ko grabe." Sabi ko sa kanila pagkadating na pagkadating ko sa upuan namin.

"Hahaha, how's your first time drinking alcohol?" Tanong naman sakin ni Kai.

"Remind me not to drink again."

"Dude, sino ba naman kasing nagsabi sayo na gawin mong tubig yung beer?" Sabi naman ni Kai. Sorry ha, first time ko diba.

"So yun na nga, napagplanuhan namin ni Kaikong na gagawin natin yung flash mob sa unang araw ng Medtech week which is sa monday na." What? Seryoso ba si Seul? Damn. Hindi pa ako handa humarap sa maraming tao.

"Seryoso? Paano yun? Ni hindi pa nga tayo nagpapractice e." Sagot ko naman. Totoo naman e, di pa namin alam gagawin.

"Kaya nga magsisimula na tayo mamaya after class sa dance room." Sabi naman ni Kai at saktong dumating na yung prof namin. Hanggang sa matapos yung klase namin, iniisip ko pa din kung paano ako haharap sa maraming tao. Me, being an introvert person... ayokong nakakakuha ng atensyon mula sa iba. Hayy bahala na. Lord give me strength.

Tapos na ang klase namin. Tinext ko si Chaeng na hindi ako makakasabay sa kanya pa'uwi since magpapractice nga daw kami nila Seul.

To: Chaeyoungie

Chaeng, Hindi ako makakasabay ng pag uwi sayo. May practice kami nila Kai e. Mauna kana, ingat okay? Text me when u get home.

Nagreply naman agad si Chaeng at di ko napigilang matawa sa reply nya.

From: Chaeyoungie

Are u avoiding me Lalisa? You better not kase remember, hindi pa tayo tapos. Mag uusap pa tayo. And what practice? Para sa MT week nyo?

To: Chaeyoungie

I'm not avoiding you. Opo, Mag uusap tayo mamaya hehehe. Uhh, not for mt week. I'll tell u when I get home. Love you!

Nakadating na kami sa may dance room. May mga estudyante pa pala dito. Mukhang kakatapos lang ng PE subject nila.

"Oh shit. Mga dudeparechong, si Jennie nandito! Okay lang ba itsura ko? Hindi ba mukhang haggard? Ugh, kasalanan to ng Organic Chem." Ayan na naman si Kaikong, kahit naman haggard sya o hindi pogi pa din naman sya.

"Ang arte naman nito. Oo, pogi ka na. Mag hi ka sa kanya dali." Sabi ni Seul sabay tulak kay Kai papunta sa direksyon ni The Jennie Kim.

"Seul, I think I've seen her somewhere talaga." Bulong ko kay Seul nung nakita ko si The Jennie Kim. Feeling ko talaga nakita ko na sya e. Saan nga ba.... Wait.... No.... Sya ba yun? Yung babae sa Pop's?? Si Groin Girl?

"Seul!! Sya si Groin girl. Yung kinuwento ko sa inyo. Yung babaeng bastos na bigla nalang sumingit sa pila sa Pop's! Sya yun. Hindi ako nagkakamali!" Sabi ko kay Seul. What a small world. Kumulo na naman yung dugo ko, naalala ko na naman kung paano nya ako tinignan nun mula ulo hanggang paa.

"Kalma ka lang Lis. Tsaka anong tawag mo sa kanya? Groin Girl? HAHAHAHAHA. Bakit? Dahil sumingit sya sa pila mo?"

"OO! Ugh, I can't believe nagustuhan sya ni Kaikong. E bastos yun e, mukha pang brat." Inis kong sabi kay Seul.

"Shhh. Wag ka nga maingay. Baka marinig ka nya. Hindi mo ba sya kilala? Pwede kang mapatalsik dito sa school pag narinig nya yang mga sinasabi mo." Kahit anak pa sya ng may ari ng school na to, wala akong pake. Ugh! Parang gusto ko nang umurong sa plano namin nila Kai. Pero naisip ko, eto nalang yung maitutulong ko sa kanya since patay na patay sya dun sa Groin girl na yun. Yuck

ALL EYES ON ME [COMPLETED]Where stories live. Discover now