CHAPTER 46

2.6K 54 8
                                    

Read my A/N after reading this! xD

------



Chapter 46

***

ALEX'S POV

Hindi ko talaga maisip kung anong nangyayari sa 'min ni Nathan. Tahimik naman ang relasyon namin noon. At heto kami ngayon, may mga problemang hindi namin alam kung paano namin aayusin. Eto na nga ba yung sinasabi nilang 'trials'? Sana lang, hindi kami magkahiwalay ng dahil sa trials na 'to. Madami na akong luha na iniyak sa sobrang pagmamahal ko sa kanya. 

"Kamusta na Alex?" nasa school na ako ngayon. At kausap ko ngayon sila Zoe at Sophie.

"Okay naman, Zoe." matamlay kong sagot.

"Yung totoo." sabi naman ni Sophie.

I sighed. "Siguro nung weekend hindi, pero ngayon okay na ko. Sana." sabi ko.

"What do you mean sana?" - Zoe

"Kasama ba talaga sa relationship ang labuan at trials?" out-of-the-blue kong tanong sa kanila.

"Yeah, I think. Kasi, jan tinetest kung hanggang saan talaga kayo. Minsan, yung mga trials din na yan, binibigay yan para malaman kung deserving kayo para sa isa't isa." - Sophie

"Yeah, Sophie's right. Wait, may problem na naman ba kayo ni Nathan? Come on, tell us." - Zoe

"Nothing. At kung meron man, we can manage."

Mahal ko si Nathan. Pero sa mga nangyayari ngayon, mas lalo ko siyang minamahal. Mas nagiging honest at vocal siya sa akin ngayon. I guess yun ang relationship. Tatagal kayo if trust is inside it. Malalagpasan namin 'to. Si Yesha? Kaya namin siya.

Maya-maya lang, dumating na si Nathan. Pero parang wala din siya sa mood. Ano kaya nangyari sa kanya? 

Our eyes met but he only smiled. But a pale one. Hindi ko siya mabasa ngayon. Poker face lang siya. So may problem nga? Tanungin ko kaya.

Lumapit ako sa kanya at tinabihan ko siya, "Nathan. May problem ka?" 

Napatingin siya sa 'kin na parang maluha-luha na. "Alex, I'm so sorry."

"Ha? Bakit ka nagsosorry?" takang-taka kong tanong sa kanya.

"Basta, I'm sorry." 

The Nerdy Girl and her Prince [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon