CHAPTER 16

3.8K 64 0
                                    

Chapter 16

=====




ALEX'S POV

"A-anong ibig sabihin mong di ka aalis?!" sigaw ko kay Nathan.

Nakatangin lang ako sa kanya pero nakangiti lang siya at di siya sumasagot. Pero biglang napatingin si Nathan sa pinto ng kwarto niya kaya pati ako tumingin na din. At dun nakita ko si Sophie. Sa tingin ko ay siya ang mastermind ng lahat!!

"SOPHIE!!! ANONG IBIG SABIHIN NETO?!"

Nagpeace sign muna siya bago siya sumagot.

^__^V "Sorry naman Lex. Haha. Ikaw naman kasi e aarte arte ka pa jan. Hhintayin mo muna talaga siyang mawala sayo bago mo pa marealize na mahal mo na siya. Dapat nga maghank you ka pa sa kin kasi kayo na , di ba? ^____^" super wide ng ngiti ng bruhang to.

"AH GANUN HA! PINAGTRIPAN NIYO NAMAN AKO E!! WAAAHHH!" di naman talaga ako galit e. Pahiya lang. Kasi naman e, ang drama ko kanina tapos trip trip lang pala to. Waaaah. Huhu T^T

"Di ka namin pinagttripan no! Naisip ko lang tong plano na to para naman umamin ka na!! kasi halata naman sayo na gusto mo na siya, ayaw mo lang sabihin sa kanya. hahahaha ^__^" sabi ni SOphie.

"O sige na alis na muna ako ah, Nathan pakihatid mo na lang yang engot kong bestfriend ha, ingatan mo yan, kung hindi dadaganan kita. Haha^__^ Bye!!" nagbeso-beso na kami at naiwan na kami sa loob ng room ni Nathan.

Eto na naman po ang katahimikan. Parehas walang umiimik sa min, ako din naman di ko alam sasabihin ko ngayon, nagkakatinginan kami tapos sabay kaming ngingiti, parang baliw ba. Haha. Alam kong baliw ako, pero ewan ko lang dito kay Nathan, baka mamaya naimpluwensyahan ko na to ng pagkabaliw ko e. Wahaha.

"Uhm, Alex?" >////< waaaahhh!! Kinakabahan ako. >.<

"B-bakit?"

"When did you realize that you fell in love with me? ^__^" Nakangiti niyang tanong sa kin, nakatingin lang din siya sa kin na parang batang nagaabang ng sagot galing sa kin.. Waaah. Kelan nga ba? 

"A-ano.. K-kanina nung ano.. Nung time na ano.. Nung ano.." >////< waahh. bakit ba ko kinakabahan! Siguro dahil kami lang andito sa kwarto niya, lahat ng tao nasa baba. >////<

"Ano? Puro ka naman ano e..."

"E kasi naman, dapat ko pa bang sagutin yun?" shy kong sagot sabay iwas ng tingin ko sa kanya.

The Nerdy Girl and her Prince [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon