CHAPTER 35

2.5K 38 7
                                    

Amethyst: Eto update ulet. Vote and Comment won't hurt you. Kahit simple smiley lang sa comment okay na ko. Masaya na ko nun. Nagddrama ako. Oo, nagddrama ako. Trip ko eh. xD

Eto na. Basa-basa na din. =))

==========

Chapter 35

====

ALEX'S POV

Two months na yung nakalipas nung nakita ko yung mga pictures after ng date namin ni Nathan. Ayy wait. 5 months na kami! Oha. Segway. Churi naman. Hihi. Okay, back to the story.

Hindi ko pinansin yung mga pictures na nakita ko nung nakaraan, pero iba na to ngayon eh. Ilang buwan na din ang nakalipas pero sa mga buwan na nakalipas na yun, laging may nagpapadala sa 'kin na pictures. At hindi ko alam kung sino.

Puro picture lahat ni Nathan na may kasamang girl, pero blurred yung muka nung babae. Sino ba kasi to? Anong gusto niyang mangyari?

Wala pa akong pinagsasabihan sa mga kaibigan ko kahit pa kay Sophie o kahit pa kay Nathan. Hindi ako galit, may tiwala naman ako sa kanya. Malay ko ba kung puro edit lang to. Pero ewan ko! May kutob ako na totoo eh, ayaw ko lang maniwala kasi nga may tiwala ako kay Nathan na hindi niya yun magagawa.

Pero, babae pa din ako. Nasasaktan pa din ako sa mga nakita ko. Hindi ko alam kung totoo 'tong mga 'to. Pero nanatili pa din akong tahimik. Ganun pa din yung pakikitungo ko sa kanya, although minsan nagdo-doubt na din ako sa kanya.

"Alex.. Okay ka lang ba? Parang ang lalim ng iniisip mo lately ah. May problema ka ba?" tanong ni Sophie. Pauwi kasi kami. And hindi ko pa nga sinasabi sa kanya. Natatakot ako. Hindi ko alam kung bakit.

"Ha? Okay lang naman ako..." plain kong sabi.

"Talaga lang ha? Eh bakit parang ang cold mo kay Nathan? Tsaka nung monthsary niyo nung last two months, di-nitch mo. Ano ba kasing nangyayari sayo?" sabi ni Sophie.

Oo. Hindi ko siya sinipot sa monthsary namin ng dalawang beses. Pag labas ko kasi ng bahay, may pictures na naman. And those pictures were very intimate! And yung muka ni Nathan ay yung latest niyang itsura! Kaya sinabi ko na lang na may dysmenorrhea ako. At naniwala naman siya.

Ayaw kong magsinungaling, pero nung time na yun. Ayoko siyang makita. Halos the whole day kong tiningnan yung pictures. Hindi ako umiiyak. Kasi pinipigilan ko yung sarili ko na magdoubt sa kanya. Pinipigilan kong paniwalain yung sarili ko na niloloko niya ako.

The Nerdy Girl and her Prince [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon