Special Chapter 2: The Proposal

2.7K 69 11
                                    

NATHAN'S POV

"Dude, ang tanda mo na! It's the right time! You and Alex have been together for long." Sabi sa akin ni Mirmo.

"Tama siya! You guys have been together forever. Alam mo yun? Tawag na nga sa inyo ay forever couple eh!" Sabi naman ni Sophie.

"Right! Ngayon ka ba magiging torpe? Torpe ka nga noon hanggang ngayon ba? Dude wake up!" Natatawang sabi ni Kyle.

Natawa nalang ako sa mga pinagsasabi nila. This past five months or more than five months siguro ay nagpeprepare ako para sa proposal ko kay Alex. I know it is already thr right time. Hinayaan ko muna na magenjoy kami at maabot ang dreams namin. And now I would like to take it to the next step.

At alam yun ng mga kasama ko ngayon. Kaya lang sila ganyan magreact ay dahil sinabi ko na hindi ko itutuloy ang proposal. Pero joke lang yun, gusto ko lang silang maasar. And I did it!

Tinawanan ko lang sila hanggang sa mapagod ako. Nagtataka naman ang expression ng mukha nila.

"You think hindi ko talaga itutuloy? Guys naman, alam niyo kung gaano ko na gustong magpatali kay Alex." Sabi ko sa kanila.

Unti-unti naman silang napangiti sa sinabi ko at para nang nakahinga ng maluwag. Parang mga baliw talaga.

"Yun oh!" Sigaw ni Mirmo at nagapir sila ni Kyle sabay yaka ni Mirmo kay Sophie.

"Kayo kelan?" Sabi ko kay Sophie at Mirmo.

Nagulat sila at umalis sa yakapan nila. Pinagtawanan ko lang ulit sila dahil parang naging awkward sila. Sus. Mga ewan talaga eh.

***

Today is the day.

Nandito ako sa hotel namin at dito ko gagawin ang plano ko. Seriously! Kinakabahan ako. Hindi talaga ako mapakali.

Nasa isang room ako habang hinihintay ko ang text ni Sophie kung nandito na ba si Alex. Yung pakulo ng pagkidnap sa kanya ay inisip ng mga bandmates ko. Para daw may element of surprise. Tsk. For sure papatayin ako ni Alex nito!

"Nathan, wag ka nga lumalakad ng lumakad jan! Nakakahilo ka eh!" Sabi sa akin ni Peter.

Napatingin ako sa kanila. Nandito si Mirmo, Shane, at Peter. Sa kabila ng busy schedule nila, nandito sila para suportahan ako.

Biglang nagvibrate ang phone ko at nakita kong nagtext na si Sophie na nasa loob na ng hotel room si Alex.

Fck. Bigla akong kinakabahan. Nanlalamig na ako.

"Dude tara na sa hall." Sabi ni Mirmo.

Tumango ako. I don't feel like talking kaya habang naghihintay ako, tahimik lang ako. Kinakausap nila ako pero gestures lang ang mga sagot ko sa kanila.

Tae this. Bakit ganito ang kaba? Mas nakakakaba pa sa pagtake ko ng board exam noon. Shit, shit, shit.

Paano kung umayaw siya? Anong gagawin ko?

Arrgh Nathan! Stop thinking nonsense!!

Nung marinig kong bumukas ang pinto ng hall, nanginig na ako sa kaba. Nung makita ko siya, parang bigla akong kumalma. Sobrang ganda niya sa dress na yun. Even with her blindfold, she still glows.

Nagsalita na si Peter, "Remove your blindfold, Ms. Bella Andrada."

Wow. Kaboses nga niya si big brother. Hahahahaha. Tumingin ako kay Alex.

"How can I remove my blindfold if my hands are hand-cuffed?"

Halata sa boses niya na nagtataray siya, it means badtrip na siya. Bilin ko kasi kay Amethyst at Kyle na kahit anong itanong niya ay wag siyang sasagutin.

The Nerdy Girl and her Prince [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon