SPECIAL CHAPTER

1K 27 9
                                    


One year later...

MIKA'S POV

I can't believe it. Noon ay kuntento na ako sa pagiging civil nila sa akin. Noon ay kuntento na ako kahit hindi na kami bumalik sa dati. Pero ngayon, sobra sobra pa sa mga hiniling ko ang nangyari. Okay na kami ng pamilya ko pati na rin nina Cienne, Jessey and the gang are still with me, and of course... si Ara.

Hindi ko talaga inaasahan noon na magpapakita siya sa airport. Nagulat na nga lang ako ng makita ko siyang nakikipagdiskusyon sa mga guards para makapasok. I laughed at that thought. My actual plan was to actually stay there for just only a week. Isang linggo lang talaga ang plano kong break sa lahat. Babalik din naman ako kaagad dahil marami pa akong responsibilidad na naiwan. Saka, hindi ko naman talaga pupwedeng iwan ang Pilipinas dahil sa pagiging modelo ko dito. I signed a contract, and I don't want to disappoint tita Air. At, gaya rin ng ipinangako ko kila Mikole noon, I just really want to visit my Dad's grave. Yun lang ang goal ko kaya ko gustong umalis, I want to see him. Well, nagawa ko naman... with Vic.  Natuloy din naman ang pag-alis namin patungo sa ibang bansa. Ang kaibahan nga lang, kasama ko na si Vic.

I love it more that way, tho. Mas nagustuhan ko ang pagbisita kong iyon dahil sa kanya. Dahil kasama ko siya.

I can't help but to reminisce. Ang mga oras na iyon sa may sasakyan niya ay ang pinakamasakit na oras na naranasan ko. Hindi ko alam na may isasakit pa pala ang lahat ng napagdaanan ko. At syempre, sino pa ba ang katangi tanging taong pwedeng makapagdulot sa akin niyon? Siya lang. Siya lang ang taong kayang makapagbigay sa akin ng sakit na hindi ko aakalaing nageexist pala.  Siya lang talaga...

And at that time, I made the most important decision of my life. Iyon ay ang sumubok muli. Iyon ay ang pagbibigay ng pangalawang pagkakataon para sa sarili ko at sa tunay kong nararamdaman.

Kasi, kahit gaano ko pa ipilit na magbukas ng pag-asa para sa iba, hindi ko magawa. Kasi si Vic lang talaga... Siya lang talaga ang taong kayang magpahuramentado ng puso ko. At kahit gaano ko pa naiisip na mas deserve siya ng iba, siya pa rin talaga ang gusto ko. Siya pa rin talaga ang tinitibok ng puso ko.

"Are you okay?" Nakangiting tanong sa akin ni Jessey.

Yesterday was the opening of our new shop. Wala naman talagang engrande sa araw na ito pero dahil hindi naman ako masyadong busy sa modelling, dumaan ako dito. Gusto ko rin namang maging hands-on dito dahil hindi naman pupwedeng si Jessey na lang lagi.

Inilibot ko ang mata ko sa paligid ng shop. This is it! Unti unti ng natutupad ang mga pangarap ko. Akala ko talaga noong una ay hindi na matutuloy ito dahil nagsimula lang naman ito sa biro. Pero akalain mo nga naman, nakaabot pa kami dito. Mas natuloy pa yata ito kaysa sa nga drawing na outing namin noong highschool!

Wow, talagang naisingit mo pa iyon Mika, ha? Iwinaksi ko iyon sa isipan at bumaling kay Jessey sa tabi ko.

I smiled at her. "Hindi pa rin talaga ako makapaniwala, Jz. This is so good to be true. Feeling ko nga ay nananaginip lang ako, e."

Inirapan ako ni Jessey kaya natawa na lamang ako. I know, Jz. Alam kong ayaw mo ng kadramahan sa mga oras na ito. Aba, sa irap pa lang niya ay alam ko na, ano!

"Napakadaming drama na ang nangyari sa buhay ko, Miks. Wag mo na ngang dagdagan. Baka malasin tayo, sige ka!" Humalakhak siya pagkatapos noon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 16, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sa Aking Muling PagbabalikWhere stories live. Discover now