Chapter Seventeen

584 21 8
                                    

Sandaling katahimikan ang namayani sa pagitan naming lahat pagkatapos niyon. Nakatingin pa din ako kay Ara. Nakangisi siya pero hindi ko nakikitaan ng humor ang isang iyon. Saglit kong nakitaan ng sakit at paghihirap ang mga mata niya na agad din namang nawala, making me wonder kung totoo nga ba iyon? O nagiimagine na naman ako? Umiwas ng tingin si Ara at kita ko ang pagigting ng mga bagang niya.

Tinanggal ko sa kanya ang atensiyon ng mga mata ko at saktong nakita kong nakatitig din sa akin ang katabi niya.

I eyed Bang. She's smiling at me, tila nagustuhan ang naging sagot ko.

Bumuntong hininga na lamang ako. I didn't say that para sa contentment ni Bang. Yun ang sinagot ko dahil yun ang totoo. Yun ang katotohanang ngayon ko lang napagtanto. Na, hindi ako nagsisisi sa lahat ng nangyari. Na, dapat wala akong pagsisihan. Dahil kung hindi ko ginawa yun, things might get worse. At baka mas lalo pa kaming magsuffer.

Ipinilig ko ang ulo ko at iwinaksi iyon sa isipan. This is our party! Dapat ay masaya ako, hindi ganito.

Pilit akong ngumiti. "Dare, and I'm choosing Andrei." Pagbabalik atensyon ko sa laro.

Saglit pang natigilan si Andrei dahil hindi yata niya inaasahan iyon. Topless na din siya dahil kanina pa siyang napipili. Same with the other male models. Di ako masyadong close sa mga lalaki pero nakakausap ko din naman sila, lalo na pag nandiyan sina Ate Aby at Ate Mich.

Pag nandiyan silang dalawa ay nagkakaroon ako ng confidence para makipaghalubilo sa iba pang models. Kaya naman ay mas madali akong nakakapagadjust.

"Game!" Nakangising sabi pa ni Andrei.

Hindi ako close sa kanila but I'm a great observer. Lalo pa at medyo may pagkachismosa din ako minsan. Nagtatanong ako kila Majoy at magiliw naman nila akong sinasagot kaya nakakakuha ako ng informations to feed my curiosity. I laughed at the back of my head.

"Holding hands with Tin, hanggang matapos ang laro."

Nagsihiyawan naman ang mga lalaki at agad kinantyawan si Andrei. Kasamahan si Tin nina Desiree, hindi ko nga lang matandaan kung ano ang whole name niya. Lahat kasi dito, ang tawag sa kanya ay Tin. Pero alam ko namang Tiamzon ang last name niya, eh.

I'm not that close to her pero nakakausap ko siya minsan. May mga oras kasi na kasama siya nina Kianna, eh. She's truly a nice person.

Well, lagi silang inaasar na dalawa lalo na pag magkasama sila. What am I again? A matchmaker?

Kita ko na sinimangutan pa ako ni Andrei bago tumayo at umupo sa tabi ni Tin.

Yung mga babaeng models ay halos ipagtulakan na si Tin. Meron pa ngang sumisigaw. Di na talaga ako magtataka kung maya maya ay may magreklamo sa amin dito.

Hinawakan ni Andrei ang kamay ni Tin. At itinaas pa iyon. Natawa na lamang ako. Seems like he's enjoying it, huh? "Ako na. Babawi ako sayo, Mika!" He smirked.

Tinaasan ko siya ng kilay at tinawanan. Para namang napilitan pa siya e, mukha ngang gustong gusto niya yung ginawa niyang utos ko.

"Truth. I'm choosing Jeron!"

Nawala ang ngisi ko sa labi at napatingin sa katabi ko. Katulad nina Andrei, topless na din siya. Kanina pa kasi siya tinatanong tungkol sa iba't ibang mga babae at lahat ng iyon ay hindi niya sinasagot. Now I wonder kung hindi ba sila nilalamig? Well, thanks sa bonfire.

Napabuntong hininga ako dahil sa palagay ko ay alam ko na ang mga susunod na mangyayari. Sana nga lang ay mali ang kutob ko.

"May balak ka bang ligawan yang nasa tabi mo?" Tanong ni Andrei.

Sa Aking Muling PagbabalikWhere stories live. Discover now