Chapter Twenty Eight

720 27 8
                                    

Sabi nila, ang pamilya ang una mong matatakbuhan sa oras ng problema. Sabi nila, iiwan ka na ng lahat pero kahit kailan ay hindi ka iiwan ng pamilya mo. But that's not the case for me. They left me, temporarily. Dahil hindi kami nagkaintindihan. Iniwan namin ang isa't isa but still, we found our way to come back. Hindi totoong iiwan na ako ng lahat, maliban sa pamilya ko. Because they left me. Iniwan nila ako. But do you know what's more important than this? Yun yung nakabalik kami. Yung iniwan nila ako, pero bumalik sila. Yung iniwan nila ako, pero binalikan din. That's the most important thing for me. And I am happy... and grateful.

No, hindi totoong hindi tayo iiwan ng pamilya natin. Hindi ako naniniwala don. Kasi kung totoo yun, bakit may mga taong naghihirap dahil sa pamilya nila? Bakit may broken family? Bakit may mga batang iniiwan ng mga magulang? Kung totoo man yun, edi sana wala ng batang naghihirap ngayon right? I've experienced it myself. Iiwan nila tayo... pero babalikan din. To learn. Para matuto kahit na mag isa na lang tayo, dahil hindi naman sa lahat ng oras ay nandiyan sila. We need to learn. We need to grow up. All by ourselves.

"That's all, Ate! Bisitahin natin si Daddy sa mga susunod na araw? Pag di ka na busy?" Mikole said to me.

I smiled at her. Kinuwento niya sa akin lahat ng nangyari noong mga panahong nagkalayo kami. We're here at the living room. Sila Mommy at Tita ay nasa kitchen at nagluluto. Kinausap na rin naman ako nila Tita and they're both sorry for everything. I accepted it... lahat naman tayo ay deserve iyon. And I know I am at fault too. We just decided to move forward. Dahil hindi magandang manirahan tayo sa nakaraan.

"Of course, magpapaalam ako." Ani ko sa kanya.

"Food is ready!" Masayang wika ni Mommy habang nilalapag ang mga nilutong pagkain doon.

Tumayo na ako at tumulong sa kanila sa paghahanda. I can't help but to smile. I miss this. Namiss ko ang pagtulong sa paghahain ng mga ganito. Namiss ko ang makasama sila.

Lumapit ako kay Mommy at niyakap siya mula sa likod. Natigilan siya dahil sa ginawa ko.

"Mmy, namiss kong kumain ng mga niluto mo." Malambing kong sabi.

She chuckled. "I know. Kaya nga dinamihan namin ito eh. So, let's eat?"

Tumango ako at umupo sa upuang nakalaan para sa akin. Alam kong nagaadjust pa si Mommy at ang mga Tita ko sa akin. Ako rin naman, nagaadjust pa. Hindi naman kasi ganoon kadali iyon eh. Talagang may gap na naiwan. Ilang taon din kaming di nagkasama and alam kong maraming nagbago. Alam ko ring naiilang pa sila sa akin dahil sa mga nangyari kahapon. I don't mind it, tho. Malalagpasan din naman namin ang stage na ito.

Naging smooth para sa akin ang mga sumunod na araw. I spent my Christmas vacation with them. At aaminin ko, iyon na yata ang pinakamasayang Christmas vacation na naranasan ko.

"Aalis na po ako." Paalam ko.

Nauna ng umuwi ang dalawa kong tita pabalik ng US. Si Mommy at sina Miko naman ay napagpasyahang dito na muna sa Pilipinas. Masaya ako sa naging desisyon nilang iyon, to be honest. Dahil mas maraming panahon ang igugugol namin sa isa't isa para makapagbonding.

Tumango si Mommy. "Okay, magiingat ka." She smiled.

I nodded. Pupunta ako sa station dahil may sasabihin daw si Tita Air sa amin. I wonder kung ano nga ba iyon at talagang kailangang may ganito pang thrill? Dami rin talagang pakulo eh. Just kidding.

Sa Aking Muling PagbabalikDonde viven las historias. Descúbrelo ahora