Chapter Twenty One

573 18 2
                                    

Sa sasakyan pauwi sa condo ko ay medyo tahimik kami ni Jeron. Hindi ko alam kung talaga nga bang may ideya siya sa mga nangyayari o sadyang wala lang siya sa mood dahil sa pangaasar ko sa kanya? Ipinagkibit balikat ko na lamang iyon at tumingin sa bintana ng kotse.

Si Ara. Alam kong mahal niya si Bang. Kilala ko siya eh. Hindi naman siya papasok sa isang relasyon kung hindi niya mahal ang isang tao. Alam kong masaya siya sa piling ni Bang. Pero simula nung muli akong nagpakita sa kanila, nagulo ang lahat. Siguro ay naguguluhan si Ara dahil wala kaming closure. Yun na lang naman kasi ang kulang sa amin eh, yung closure.

Mahal ko siya. There's no denying in that. I'm so very inlove with her, up until now. Pero ito siguro yung sinasabi nilang kahit na mahal mo yung isang tao, hindi yun sapat para maging kayo. Tanggap ko naman na sa sarili ko na wala na eh, na hindi na ulit pwede. Sadyang nasasaktan lang ako kasi mahal ko pa. Kasi kahit na ganon ay may parte pa rin sa puso ko na puno ng regrets at hope. Masakit, pero kailangan kong tanggapin dahil yun ang katotohanan.

And I think I should really stop thinking about her. Gaya ng sabi ko kay Bang ay nandito at nagpakita ako para kila Camille, at hindi para sa ganoong bagay.

Ipinilig ko ang ulo ko at isinandal na lamang sa may bintana. Pumikit ako, at hindi na lang din nagsalita. Maya maya pa ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Naalimpungatan lamang ako ng maramdaman kong huminto ang kotse. Tumingin ako sa paligid. Everything is just so very unfamilar to me. Where are we? Sinulyapan ko si Jeron pero nginitian niya lamang ako.

Bumaba siya at pinagbuksan ako ng pintuan. Hapon na, at papalubog na rin ang araw kaya naman halos magkulay kahel na ang kalangitan. Lumabas ako sa kotse at nagtatakang tinignan si Jeron. "Where are we?"

Isang malaking building ang nasa harapan namin at hindi ko na alam kung saang lupalop man kami nandoon ni Jeron. Well, hindi din naman ako natatakot. May tiwala ako kay Jeron at alam kong hindi niya ako ipapahamak. Sadyang nagtataka lang ako kung nasaan nga ba kami at kung bakit kami nandito.

Humalakhak siya. "Ang cute mo talaga. Tara, pasok na lang tayo." Sabi niya.

Umiling na lamang ako at sumunod sa kanya.

Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang hindi ilibot ang paningin ko sa paligid. Maraming mga pinto na sa tingin ko ay opisina o kaya ay kuwarto? Ah! Hindi ko alam. Sumunod na lamang ako sa kasama ko hanggang sa makarating kami sa elevator.

"San ba kasi tayo pupunta?" I asked him.

Tumingin siya sa akin at nagkibit balikat. "Basta."

Ipinilig ko ang ulo ko at hindi na lamang siya tinanong. Hindi rin naman kasi ako sinasagot ng maayos nitong lokong 'to eh. Nonsense din. Hihintayin ko na lang kung saan kami iluluwa ng elevator na ito.

Ting! Nang bumukas ang elevator ay bumungad sa akin ang isang floor na walang tao. Parang ganito yung napapanood sa mga horror movies ah? Pero siyempre di naman ako natatakot, naaamaze lang ako. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid. Malinis siya at may mga design din. May dalawang pinto, yung isa ay parang opisina din samantalang yung isa naman ay nasa pinakadulo.

"Tara." Aya sa akin ni Jeron at nauna na sa paglalakad.

Sumunod lang ako sa kanya at patuloy na nililibot ang tingin sa paligid. Sa kanila ba ito? Ang lakas ng loob niyang ipunta ako dito, baka mamaya makasuhan pa kami ng trespassing! Tss. Siguro naman ay hindi. Kahit naman loko at may saltik itong kasama ko ay matino pa din namang magisip yan minsan. Baka kakilala niya ang may-ari? Well.

Nang makarating kami sa dulo ay pinihit ni Jeron ang doorknob at pinauna na akong pumasok. May hagdan pa doon papaakyat kaya walang atubili akong umakyat doon.

Sa Aking Muling PagbabalikUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum