Chapter Eleven

626 12 4
                                    

Hindi ko alam kung paano ako matiwasay na nakabalik sa condo. Lutang ako at hindi tumitigil sa pagtulo ang luha ko kaya pahinto hinto rin ako sa pagddrive sa takot na baka maaksidente ako.

"Ay putangina! Ano ba, Miss?! Bat ba bigla bigla ka na lang humihinto diyan? Kung gusto mong magpakamatay, aba naman! Wag mo akong idamay!" Hanggang ngayon ay rinig ko pa rin ang sigaw sa akin nung driver na nasa likuran ko nung bigla kong inihinto ang sasakyan ko.

Wala akong makita dahil sa luha. Inayos ko ang sarili ko at pilit na pinahihinahon bago ako nagpatuloy sa pagddrive hanggang makarating ako sa condo. Sa kabutihang palad naman ay wala akong maski anong galos sa katawan na natamo.

Humilata ako sa kama at pilit na kinakalma ang sarili.

Itinagilid ko ang katawan ko at niyakap ang unan na una kong nahablot. Ala una pa lang ng hapon, hindi pa ako kumakain ngayong araw pero hindi ako makaramdam ng kahit na anong gutom. Nakakahiya nga doon sa restaurant kanina, hindi na nga kami umorder tapos nakagawa pa kami ng eksena. Nagiwan na nga lang ako ng pera doon sa lamesa bago ako umalis e. Matapos nilang umalis ay hindi ko na kinaya kaya napaupo na lang ako sa isa sa mga upuan doon.

Ibinaon ko sa unan ang ulo ko ng maalala muli ang naging resulta ng paguusap naming iyon.

Galit sila. Galit na galit. Yun ang alam ko.

Si Cienne? Hindi ko pa siya nakikitang ganoon maski nung college kami. Yes, nagtataray at nagsasabi siya ng iilang masasamang salita kung hindi na talaga niya makayanan ang inis. Pero yung kanina? It's different. Lalo na yung mga mata niya. Never ko iyong nakita sa kanya noon. Ang masakit lang dito, ako ang unang nakaranas. Sa akin niya unang pinakita.

Si Carol. Kadalasan noon ay tahimik lang siya, same with Camille. Madalang ko silang makitang umiyak. Kahit anong gawin mo sa kanila, kahit pagtrip-an mo pa, tititigan ka lang nila ng ilang sandali mula ulo hanggang paa bago aalis. Pero shit lang. Bakit sa akin, ilang masasakit na salita pa ang natanggap ko bago yun? Ganun ba kalaki ang nagawa kong kasalanan? Hindi na ba nila ako mapapatawad?

Pero okay lang. Sanay na ako.

Yes. Siguro nga ay nasanay na ako sa masasakit na salitang ibinabato sa akin. Kaya siguro ay okay lang, na okay na. But that doesn't mean na hindi na ako masasaktan diba? Kasi of all people, sila ang kahulihulihang taong pagsasabihan ko ng masama. Ganun sila kaespesyal sa akin e. Ganun kaespesyal ang turing ko sa kanila. They are not just my friend, but also my sisters. My family.

But for the nth time, feeling ko ay tinalikuran na naman ako ng mga taong tinuring kong pamilya. Feeling ko ay nadisappoint ko ang mga taong mahalaga sa akin. Kaya ngayon? Muli akong bumabalik sa stage na kung saan insecure na naman ako sa sarili ko.

Ganun ba ako kasama?

Ganun ba ako kawalang kwentang tao? Kawalang kwentang kaibigan? Kawalang kwentang anak?

Ganun ba ako kadaling iwan? Kadaling kalimutan?

San ako lulugar kung ganoon nga? Pag nandito ako, galit ang lahat. Pag umalis ako, yung pamilya ko naman ang magagalit. San ako lulugar? Kung halos lahat ng taong mahal ko, halos lahat ng taong pinapahalagahan ko, wala na sa akin. Yung dating hawak ko, ngayon ay hawak na ng iba. San ako dapat? Saan?

Fucking shit. Why am I even existing?

Just to think of it. Kung hindi ako nabuhay, walang mamahalin si Ara na tulad ko. Wala sanang mangyayaring nakawan sa kumpanya sa kanya noon dahil kung wala ako, walang dahilan si Ara para iwan ang kumpanya diba? Kung wala ako, hindi sana nasasaktan ng ganito ang mga kaibigan ko. Kung wala ako, sana okay pa ang lahat sa pamilya ko.

Sa Aking Muling PagbabalikNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ