Chapter Twenty Nine

801 29 15
                                    

Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Bang sa akin. Kailan pa ito? Bakit? Anong nangyari? Nagkaproblema ba sila? Shit naman! At kung naghiwalay nga sila, bakit ako ang binabawian ni Bang? Anong kasalanan ko don? Oh great! Just great! Pagkatapos ng ilang linggong saya na naramdaman ko, may kapalit agad na ganito?

Nang makarecover ako sa gulat ay hinabol ko si Bang. Hinablot ko siya sa braso at hinarap sa akin.

"Anong sabi mo?" Mariin kong sabi sa kanya.

Kumunot ang noo niya at kumawala sa pagkakahawak ko sa kamay niya. Matalim niya akong tinitigan. But hell, I don't care! "Ulitin mo nga ang sinabi mo. Did I hear you right?" Pag uulit ko.

"Yes! You hear me right, Mika! Wala na kami. Are you happy now?" Bakas ang tabang sa boses niya.

Napaatras ako. Bakit? Paano nangyari iyon? Nagkaproblema ba sila?

"A-anong... bakit kayo..." Hindi ako makahanap ng tamang salita.

Alam kong hindi dapat ako nanghihimasok sa kanila dahil relasyon naman nila iyan. But, who am I kidding? Alam kong may kinalaman ako sa lahat ng ito! Alam kong kasali ako sa dahilan kung bakit nangyayari ito! At hindi ako makapaniwala. Hindi ba't nagusap na kami ni Ara? At sabi niya... sabi niya...

Damn! Ara! Ano na naman ang ginawa mo?

"I broke up with her." Ani Bang.

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Now this is so unbelievable. Siya ang nakipagbreak? What the heck? Pagkatapos niya akong sabihan ng masasakit na salita noon. Pagkatapos niyang ipamukha sa akin na nasa kanya na si Ara at hindi ko siya makukuha sa kanya kahit anong gawin ko. Pagkatapos niyang magpanggap na may sakit para masisi ako upang manatili sa kanya si Ara. Pagkatapos ng lahat ng mga ginawa niya, siya pa ngayon ang may lakas ng loob na sabihin iyon? Na makipagbreak?! How dare her?

I slap her hard, this time. Bakit niya ginawa iyon? Mahal siya ni Ara! Alam ko iyon dahil nakikita ko! Pinili siya ni Ara, over me. And here she is, saying na nakipagbreak siya kay Ara? What the hell. Kaya ba sila nasa bar nung nakaraan? Kaya ba mukhang mabigat ang atmosphere nilang dala? Kaya ba.. shit. Sumagi sa isip ko ang mukha ni Ara habang iniinom ang tatlong sunod sunod na baso ng whiskey! Damn!

"Anong sabi mo? Nakipagbreak ka sa kanya? Bakit? Pagkatapos ng lahat, Bang! Pagkatapos ng lahat ng ginawa mo, ikaw pa ang may lakas ng loob na..." Huminga ako ng malalim to control my feelings. "makipagbreak? Just... how dare you?"

Malungkot siyang ngumiti sa akin.

"Manhid lang ako, Mika. Pero hindi ako tanga." Aniya.

Nalaglag ang panga ko sa narinig. Ang inis na bumalot sa akin kanina ay nawala dahil sa sinabi niya. Unti unting tumulo ang luha sa mga mata ni Bang habang mataman siyang nakatingin sa akin. Natigilan ako sa nakita.

"From the very beginning, alam ko naman na kung sino talaga ang tunay na mahal niya. I already know that it was you from the start. Pero kasi... umasa ako eh." Wika niya. "Umasa ako na makakalimutan ka rin niya. Umasa ako na kakalimutan ka rin niya. And I want to be with her whenever that happens. Gusto kong ako agad ang una niyang makita kapag nangyari iyon." Suminghap siya at pinunasan ang mga luha sa pisngi.

Umawang ang bibig ko para sana magsalita pero walang lumabas na kahit isang word man lang. Masyado akong nagulat sa nakita at sinabi niya. Sa loob ng ilang buwan, nakilala ko si Bang bilang isang palaban, makasarili, insecure, masakit magsalita, well... masama talaga ang impression ko sa kanya dahil kahit kailan ay hindi naman kami nagkasundo. But now, it is like she uncovered her mask. Parang pinakita niya sa akin kung ano talaga siya. She's like a lost puppy na naghahanap ng among mangangalaga sa kanya. Sobrang sakit ang nakikita ko mula sa mga mata niya. Sakit, and at the same time ay pagod.

Sa Aking Muling PagbabalikWhere stories live. Discover now