Chapter 1

770K 6.2K 721
                                    

Chapter 1

Charlie

"Congratulations!!!" Masayang masayang binati ako ng BFF kong si Tanya, sabay kiss at hug.

"Ikaw na Charlie!, sa dinami-dami ng absences natin, nagawa mo pang mag 3rd sa class!" She squealed!

"Grabe, hindi nga ako makapaniwala! Hindi ko nga alam kung tatayo ako kanina, baka nagkamali lang sila ng tinawag...anyway, naibigay na nila, wala ng bawian!!!" sabi ko habang hawak hawak ko ang bronze medal na nakasabit sa leeg ko.

Gulat na gulat ako kanina nung tinawag ang third honor ng graduating class namin. Natulala lang ako sa pagkakatawag ng pangalan ko na sa isip ko ay nagkamali ang principal namin. Hindi ko alam kung pupunta ako sa stage o hindi. Natauhan lang ako ng binato ako ng sapatos ni Tanya at nag-cheer ng napakalakas... nakakahiya talaga yung babaeng yon! Huling araw na nga lang namin sa eskuwelahang ito, gumawa pa ng eksena! Hiyang-hiya tuloy ako ng umakyat ako sa stage at nagwawala ang best friend ko! Kulang na lang ay itapon sya ng mga gwardya papalabas ng auditorium!

At least ngayon, masaya na ang principal namin dahil wala na ang paborito nilang mga estudyante.

Pagkatapos ng graduation rights, magka-akbay kami ni Tanyang naglakad palabas ng auditorium.



Nilingon ko ang buong campus paglabas namin sa auditorium, feeling nostalgic ata ako ngayon.

My Graduation day, tapos na ang maliligayang araw ko sa high school.. It's been fun... syempre di naman masyadong serious ang high school diba.. Pero mind you, hindi kami bulakbol ni Tanya, hmmm... slight lang.We just had this secret hobby turned career in photography.. takas kami lagi sa klase kapag may naka schedule na photoshoot..di alam ng magulang ko ang ginagawa ko.. basta alam lang nila na pumapasok ako araw-araw,, di naman obvious na may extra curricular activities ako outside the school dahil matataas naman ang grades ko... and I tried my best to maintain them para hindi ako paghinalaan ng magulang ko sa mga ginagawa ko.

I know I did great, but unfortunately, not great enough for my family to attend my graduation..

Well, ok lang, enjoy naman ako na kasama ko ang mga kaibigan ko on this very special occation, ano pa ba ang mahihiling ko, at least kasama ko ang forever faithful and best buddy for life ko na si Tanya Ramirez.

Mas gugustuhin ko pa na wala akong kasamang pamilya kesa naman umattend sila at makita kong suuppperrr bored ang mommy at ate ko. Utang na loob ko pa sa kanila ang pagpunta nila dito!!! Alam kong mas importante ang commercial shoot ng Dyosa kong ate kesa sa boring na graduation ko.

My Dad is excused, alam kong gustong-gusto nyang pumunta,, unfortunately, he was held up in New York, may very important meeting yung board of directors ng company namin doon.. mas importante naman yon kesa sa graduation diba?

At least binigyan ako ng pera ni Dad na pang celebrate! Yehey! Pampalubag loob? So what!? At least may pera akong pangcelebrate!

Saan kaya makapunta?? Hmmm... on second thoughts,, pakainin ko na lang si manong driver ng Corneto.. kuripot ba? Corneto lang? hahahaha! Hindi naman masyado, slight lang... naisip ko kasi na pwede ko na palang mabili yung gustong-gusto kong lense ng camera!

hehehehe..

"Sige na, sumama ka na sa min!!!" sabi ni Tanya na hinihila na ang kamay ko papunta kung saan naroon yung pamilya nya.

"Ano ka ba girl, wag na,, singit pa ko sa pamilya mo... nakakahiya! Next time na lang,, family affair naman yan.."

"E bakit, para namang hindi kita family! Sister na best friend pa!... sige na!" Halos kaladkarin ako ni Tanya papuntang Van nila.

ILYK [I love you Kuya-Complete!] PUBLISHED under LIB creativesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon