Kwentong Parlor

63 0 0
                                    

Habang nanonood ako ng wrestling sa TV, tumawag ang isa kong kaibigan at nagyayaya na pumunta daw kami sa ***. Isa daw iyong high- end na massage parlor, meaning maganda ang mga rooms, maganda ang mga attendants at higit sa lahat ay mayroon silang "aquarium" na kung saan makakapili ka ng gusto mong maging attendant.

Dahil sa aking pinapanood na WWE Divas, ako ay naengganyo na sumama. Nagkita kami sa Friday's sa Sta. Lucia. Madami din palang taong kumakain dito sa Friday's kahit hindi naman Biyernes. Nagtanong na din ako sa kaibigan kong si Ernie kung paano ang kalakaran doon sa massage parlor. Medyo matagal-tagal na din kasi akong hindi nakakapasok sa ganitong mga lugar.

Sabi ni Ernie ay P1,500 ang pinakamagandang room doon—may shower, steam, at super ganda ang interior ng room. Tapos daw ang ibabayad ko dun sa massage attendant ay room rate—kung magkano ang room ay ganun din ang bayad sa attendant, meaning P1,500 din so bale P3,000 daw lahat. Medyo mahal nga daw, pero sulit naman daw kung gusto ko ng "quickie."

Ernie: P're, mura na 'yon! Magkano ba ang ginagastos mo 'pag gusto mong umiskor sa ka-date mo? Halos ganun na din, 'di ba?

Jay: Wait, gas: P300, food and drinks: P1,500, movie: P250, gift: P500, room: P800 . . . Oo nga, 'no?

Ernie: 'Di ka pa sure noon kung papayag 'yung ka-date mo.

Ang lakas talagang mangdemonyo ng aking kaibigan at ako naman ay madali namang magpatukso.

Ernie: Tingnan mo, p're, 'di mo na kailangan magbihis ng maayos, magpabango, magpa-cute, makipagkwentuhan ng matagal. Dito gera na agad.

Jay: Gaano katagal ang gera?

Ernie: 1 hour and 30 minutes lang ang allowed time. Kaya ang style diyan, banat na agad, pagkatapos kwentuhan. 'Pag naka-recover ka na at kaya mo pa, isa pa hanggang sa time's up.

Jay: P're, 'di ko ata kaya 'yung 'di ko pa kilala babanatan ko na.

Ernie: Dude, sabi mo lang 'yan. Let's go? Game?

Jay: Let's go, bahala na.

Ernie: P're, word of advice, always use protection kahit ano'ng mangyari. And 'wag kang papaloko sa mga attendant dun. Pare-pareho mga kwento niyan on why they ended up there.

Jay: Anung kwento nila?

Ernie: Financial problems, kesyo gustong mag-aral, may sakit 'yung nanay, may anak silang walang tatay—the usual, p're. 'Wag ka magbibigay ng malaking tip, uubusin talaga nila ang dala mo.

Jay: Uhm. OK, sige, let's go. Bahala na.

Pumunta na nga kami dun sa massage parlor at tama si Ernie, maganda nga ang interior. May sumalubong sa amin na barong guy at sabi ay si Macky daw siya at siya ang bisor na naka-assign dito. Sinamahan niya kami sa lugar ng "aquarium" at laking gulat ko nang makita ko ang higit sa 20 babae na nakaupo doon sa showroom.

Naka-uniform sila ng maigsi, naka makeup lahat, basta maganda sila sa paningin ko. May morena, mestiza, chinita, chubby, sexy, may mukhang artista, may exotic beauties. Malaki talaga ang nagagawa ng pula at asul na ilaw nila. Tingin mo sa mga babae ay makikinis ang mga balat nila. Nagsalita na din si Macky.

Macky: Sir, pili na kayo. Fresh pa lahat 'yan, sir. Kayo pa lang ang una sa mga 'yan.

Ernie: Si 17! Sa akin si 17! Jay, pili ka na! Bilisan mo!

THE PANTI CHRONICLES: Another Kikiam ExperienceWhere stories live. Discover now