Life's Useless Questions

84 1 0
                                    

Since bigo na naman akong magkaroon ng U.S. visa, pinlano ko na pumunta muna ng Singapore para makapagpahinga kahit konti at makapagpadami ng tatak sa passport. Sabi kasi nila, mas madaming tatak sa passport, mas maganda sa tingin ng consul. Ito kasi ay proof of travel— meaning kaya mong gumastos nang gumastos at mamasyal nang mamasyal sa ibang bansa.

At para makamura, kinuha ko ‘yung package tour na via Tiger Air- ways na sa Clark sa Pampanga ang airport. Maayos naman pala ang airport sa Clark, meron silang park-and-fly na pwede mong iwanan sa parking nila ang kotse mo habang wala ka dito sa Pilipinas.

Mas konti nga lang ang tao dito kaya maigsi ang pila sa mga bagahe, sa pagbayad ng mga travel taxes at dun sa walang katapusan na mga security check. Napaaga ng tatlong oras ang dating ko doon dahil sa napakabilis na biyahe ko sa North Luzon Expressway. Medyo naantala lang ako sandali nung bayaran na sa NLEX dahil sa napunta ko sa pila ng Exact Toll Change, meaning na ang dapat mong ibibigay na bayad e eksakto at wala nang suklian. Kung bakit naman kasi napakaliit at napakalayo ng kanilang mga signs ukol dito at mali tuloy ako ng napilahan. At t0too nga ito, hindi nga sinuklian ang binigay kong 500 pesos. Siyempre hindi ako pumayag. Inabot tuloy ako ng almost 5 minutes kakabilang ng mga piso sa coin compartment ng kotse ko. Buti na lang at nakabuo naman ako ng pambayad. Pero nakaka-panic din pala ‘yung ganun. ‘Yung nagbibilang ka ng barya habang nakasimangot si Miss sa tollgate at binubusinahan ka ng mga kotse na nasa likod mo. Sulit naman kesa sa ibigay ko pa ‘yung 500-peso bill ko.

Pagdating ko nga sa Clark airport ay agad kong pinuntahan ‘yung


park-and-fly para dun ko iiwanan ang kotse ko habang nasa Singapore ako. Sinalubong naman ako ni Manong at pasalu-saludo pa ito sa akin— halata tuloy na gustong mabigyan ng tip. Tanong ko kay Manong, “Manong, sigurado kayong safe ang kotse ko dito?”
Sagot naman si Manong, “Op cors ser, ico-condom po natin ‘yang kotse niyo para mas safe.”
“Condom?”
“Ser, babalutan pa natin ng car cover ang kotse niyo.” “Ah, ok safe sex pala ang parking ninyo dito.”

At dahil nga sa maaga pa naman para sa flight ko, nakipagkwentuhan muna ‘ko dun sa isang miss na stewardess ata ng TigerAirways na nakatayo sa may ticket counter just to pass away the time. Hirap din kasi ng nag- iisa talaga lalo na ‘pag nagta-travel. Buti na lang at magaganda naman ang personnel ng Tiger Airways. Dapat naman talaga sa airport pa lang eh magaganda ng tanawin ang makita ng mga turista natin. Dapat may cam- paign na, “Make Philippines beautiful, wear mini-skirts.”

‘Di ko na matandaan kung paano ko tinanong ito pero ang question ko dun sa stewardess eh since naka-package tour ako (airfare and hotel accomodations) ‘pag ba bumagsak ‘yung eroplano nila at sinuwerte akong maka-survive, may money-back guarantee ba ‘yung package tour ko?

Pabiro ko lang naman tinanong ‘yon at hindi ako umaasa na sasagutin niya iyon nang seryoso. Nagkataon na ‘yung Miss na napagtanungan ko eh talaga palang taga-Tiger Airways at tinawag pa ang supervisor niya para tanungin. ‘Yun namang supervisor nila eh tumawag pa ‘ata sa main office nila para malaman ang sagot dun sa tanong ko. Natawa na lang ako kasi parang nataranta sila lahat dun sa tinanong ko. Pakialam ko ba dun sa tanong na ‘yon eh gusto ko lang naman makausap ‘yung maganda nilang stewardess?

Nakalipas ang isang oras, nag-check-in na ‘ko ng baggage ko at

nakapila na ‘ko sa immigration nang may lumapit sa akin at nagpakilalang taga-Tiger Airways at tinanong ang cell phone number ko. Tatawagan daw nila ko pag na-verify na nila ‘yung policy nila regarding sa inquiry ko.

Hanggang ngayon ay wala pa din akong tawag na nare-receive mula sa kanila. Pero ano ba pakialam ko dun, ‘di ko naman talaga gusto malaman ang sagot nila. Naseksihan lang naman ako dun sa taga-Tiger Airways kaya natanong ko ‘yon. :-)

THE PANTI CHRONICLES: Another Kikiam ExperienceWhere stories live. Discover now