Malling Rats

44 1 0
                                    

Matatawa ka talaga sa mga security measures na ginagawa ng mga malls na tulad ng SM at Robinsons. Bago ka pa lang pumasok sa loob ng parking ng SM eh sasalubungin ka na agad ng mga security guards na papabuksan kunyari sa ‘yo ‘yung trunk ng kotse mo sa likod para tingnan kung may dala kang bomba dun. Pero kahit na may malaking kahon ka sa trunk ng kotse mo ay hindi naman ito bubuksan at sisilipin man lang kung ano ang nilalaman nito. Hindi din naman pinabubuksan ‘yung compart- ment sa passenger side na kung saan pwede mong paglagyan ng mga baril at granada.

Mapapansin mo din na meron bitbit na salamin ang isang sikyo para tingnan ang ilalim ng kotse mo kung merong nakadikit na car bomb sa underchasis ng kotse mo. Magandang gawing pamboso itong gamit nilang salamin. Itapat mo lang ito sa ilalim ng naka-skirt na babae eh siguradong mahuhulaan mo ang kulay ng suot na underwear nito.

Pagpasok mo naman sa mismong mall eh may bantay na naman na mga sikyo na may dalang stick na kahoy na sa tingin ko ay isa itong magic wand ala-Harry Potter na ipapasok lang sa loob ng bag eh malalaman na nila kung may bomba dito. ‘Di na kasi nila tinitingnan at hinahalungkat ang loob ng mga bitbit na bag. Gamit lang nila ang kanilang magic wand.

Pagkatapos nito ay tsatsansingan ka ng mga sikyo sa bewang at kakapain pa nila ang pocket ng suot mong pantalon. Sa SM mall nga ay hiwalay pa ang pagpasok ng male at female, kaya tuloy ‘yung ibang nabibilang sa third sex eh hindi nila malaman kung saan sila papasok.

Pero kahit na sa tingin natin ay hindi epektib ang ginagawa nilang security measures, para sa kanila ay super duper epektib ito. Wala naman


tayong nakitang sumabog na bomba sa loob ng mga mall na ‘to, ‘di ba? So, ‘wag na nating isipin na balewala ang ginagawa nila dahil wala namang sumasabog na mall pa. Meron nga kelan lang, pero sabi ng mga pulis, ito ay of natural causes, ‘di ba?

THE PANTI CHRONICLES: Another Kikiam ExperienceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon