Musikahan Blues

40 0 0
                                    

Maraming mga tao na ngayon ay may iPod. Alam niyo bang dito niyo makikita ang tunay na ugali ng isang tao? Tama ang nabasa n’yo. Madali ninyong malalaman ang ugali ng isang tao sa pamamagitan ng kaniyang iPod.

‘Yung huli kong naka-date na babae ay ‘di ko na ulit ni-date dahil sa nung hiramin ko ang kaniyang Nano ay tiningnan ko ang Most Played List niya at alam n’yo ba kung ano? Kanta ni Britney Spears na Ooops, I Did It Again. Okay lang sana ito, wala akong problema dito pero . . . 436 times played? Parang me mali ata sa babaeng ito.

Tiningnan ko ang On-the-Go playlist niya, puro love songs at senti naman ang laman. May songs pa ni Jolina at ng Hagibis. Sa itsura niya kasi eh mukhang mga classical music ang mga pinakikinggan niya kaya ako ay may halong pagtataka. Nag-conclude na din agad ako na ‘pag kaming dalawa ang magkakatuluyan nito ay siguradong ia-apply nito ang mga lyrics ng kanta sa kaniyang buhay at sa malamang ay maging senti din ang buhay naming dalawa.

Pagkauwing-pagkauwi ko, tiningnan ko agad ang laman ng iPod ko at tiningnan kung ano sa playlist ko ang most played: 99 Luftballoons, 352 times played. Weird din pala ‘ko, pareho lang pala kami.

THE PANTI CHRONICLES: Another Kikiam ExperienceTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang