Driver's Renewal License

73 1 0
                                    

Nung minsan, nagpa-renew ako ng aking driver’s license sa Farmer’s Plaza sa Cubao. Mas mainam naman palang magpunta at magpa-renew ng driver’s license dito kesa sa mga regular na LTO offices. Bukod sa naka-aircon ka na, madami pang upuan dito at malinaw na nakapaskel ang mga procedures for license renewal. At habang inaantay mong mai- release ang lisensiya mo eh pwede ka munang mag-malling, kumain, o kaya eh manood ng sine.

Habang nasa loob ako ng LTO, naringgan kong may nagtatalo dun sa harap ng kanilang information. May gusto kasing kumuha ng lisensiya na putol ang dalawang paa pero naka- artificial legs naman kaya kung titingnan mo ay para naman siyang isang normal na tao na walang kapansanan. Ayaw kasi siyang payagang kumuha ng driver’s license ng mga taga- LTO dun dahil nga sa kaniyang kalagayan. Matagal din ang kanilang pagtatalo at medyo nagkakataasan na ng boses ‘yung dalawa. Pati kaming mga usisero ay nagtatalo-talo na din kung pwedeng bigyan iyon ng lisensiya, kasi nga ay parang normal naman ang tindig at paglalakad nung taong gustong kumuha ng lisensiya.

Nag-e-explain ang gustong kumuha ng driver’s license. “Bakit ba ayaw mo ‘kong payagang kumuha ng driver’s license? Subukan natin. Mas magaling pa akong mag-drive kesa sa ‘yo kahit wala akong dalawang paa!”

Natigilan kaming lahat at nagtawanan nang sumagot ang taga-LTO, “Eh kung papayagan ka namin kumuha ng driver’s license, ano ang ilalagay namin sa height mo? ‘Yung putol ‘yung paa mo o iyong naka-artificial legs ka na?” Mabuhay ang LTO, ang galing ng logic!


Nakuha ko ang aking driver’s license ng 4 o’clock ng hapon. Papaalis na ‘ko ng LTO office at nagpasalamat ako dun sa nag-release sa akin ng lisensiya. Siyempre hindi pa rin nawawala ‘yung nagbebenta ng jacket ng lisensiya. Pero nagulat ako at hindi iyon ang inalok sa akin.

“Sir, baka gusto ninyo ng chicks?” “Huh?”

“Sir, meron diyan sa baba, baka gusto ninyo para maka-relax.”

Napailing na lang ako sabay sabi ng, “OK racket n’yo dito, ah. May extra service pa.”

Nawala nga ang red tape dito sa LTO, walang fixer na lumapit sa akin at nag-alok para mapadali ang pag-renew ko ng lisensiya, eto naman ang pumalit. Pero mas OK na ‘to, ‘di ba? Kesa naman dumaan pa sa red tape ang gustong kumuha ng mga driver’s license.

THE PANTI CHRONICLES: Another Kikiam ExperienceWhere stories live. Discover now