Grading System

44 0 0
                                    

Nagtataka kami noon kung paano kami ginegreydan ng aming mga teachers. Sa tingin kasi namin ay hindi tama ang nakukuha naming mga grades kung ibabase ito sa aming performance. Sa tingin namin ay ganito ang ginagawang pagge-grade sa amin ng aming mga teachers.

History – grades namin ay based sa grade namin last year. Kaya nga history, eh.

Religion – grades namin ay binibigay ni Lord. Math – variable lagi ang grades namin.

Music – depende ito sa tono ng boses mo ‘pag pinakanta ka. ‘Pag mataas ang boses mo, mataas ang grade mo. ‘Pag mababa ang boses mo, sorry ka na lang.

Reading – depende ang grade mo sa haba ng babasahin mo nang hindi ka hihinga.

Language – mataas ang grade mo ‘pag nagsasalita ka lagi ng Ingles.

P.E. – depende ang grade mo sa P.E. uniform mo. Dapat laging malinis at plantsado ang uniform mo.

Social Studies – dapat sosyal ka lagi para mataas ang mga grades

mo.

Pilipino – depende ang grades mo sa ilong mo. ‘Pag pango ka, mas

Pinoy ka, mas mataas grade mo sa Pilipino.

Nuong mga panahong ‘yon eh hindi naman puro ‘clean’ jokes ang aming mga kulitan. Eto mga konting sample.

Mel: Jay, ano ang pagkakaiba ng gulay at kulangot? Jay: Uhm, hindi naman tayo kumakain ng gulay, ‘di ba? Mel: Tama!

Mel and Jay: Mwahahaha!


***

Jay: Eh ano naman ang pagkakaiba ng kulangot sa crayons?

Mel: Matigas ang crayons?

Jay: Hindi, mas madaming kulay ang crayons!

Mel and Jay: Mwahahahha

***

Mel: Bakit kaya ‘yung mga brief natin may bulsa?

Jay: Lalagyanan ‘yun ng asin. Mel: Asin? Para saan ‘yung asin? Jay: Pampaalat ng itlog!

Mel and Jay: Mwahahaha!

Mel: Kaya pala ‘yung mga panty walang bulsa . . .

Jay: Bakit?

Mel: Maalat na kasi ‘yung mani!

Mel and Jay: Mwahahahahahahahahahhaha!

***

Mel: Bakit kaya ginawang mabaho ang utot? Jay: Siyempre, para maamoy ng mga bingi! Mel and Jay: Mwahahahaha!

Sa Language class namin, sinabi minsan ni Mrs. Pascual na ang ab- stract noun is somethig you can think of, but you can’t touch it. Magbigay daw ako ng sample ng abstract noun. Eto ang perfect example ng abstract noun—‘yung bagong computer ng tatay ko.


THE PANTI CHRONICLES: Another Kikiam ExperienceNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ